Kabanata 3

9 1 0
                                    

Cassandra's POV

Ilang saglit lang ay nakita niya na palapit sa kanilang mesa si Bryan. Seryoso itong masyado at kinakabahan na siya. Natigil din sa pag-uusap sina Hugh at Micah ng makita si Bryan na papalapit at seryoso ang mukha.

''Cass, we need to talk, it's urgent.",sabi agad nito at laking pagtataka naman ang naipinta sa mukha ni Hugh. Ngumiti lamang siya at tumayo na. Sinundan niya si Bryan na papunta sa office nito.

"Magkakilala sila?", dinig niya ang pagtanong ni Hugh sa kaibigang si Micah. Kaso ay hindi na niya narinig ang sagot ng babae.

Ng makapasok na sila sa opisina ni Bryan ay mabigat itong bumuntong hininga. At sumalampak sa sofa, inihilamos nito ang mga kamay sa muka.

"Anong nangyayari Bry? Tumawag si kuya, he's wierd, pinapapanic buying niya ako. Tell me.",nagtataka na siya sa inaakto ng bestfriend ng kuya niya.

"He's in big trouble, I mean you know na nasa China siya ngayon right?",anito sa kaniya. Tumango lamang siya bilang tugon dahil gusto niya na magpaliwanag na ito.

"Ang dating company na pinagtatrabahuan niya, gumawa sila noon ng isang vaccine para sa isang sakit. But it turns out worst, ngayon niya lang din nalaman ng pinatawag na siya. Three years ago na siyang wala sa company na iyon. God! Just do what he says Cass, warn your friends, but tell them to keep it discreet, baka magkagulo pa. Hindi ko pa talaga alam ang buong detalye, pero sabi ni Carlo, mas lalala ito at puputok ang balita, not only in China but all over the world.", mahabang paliwanang sa kaniya ni Bryan. Kita niya sa reaksyon nito ang kaba at pagkabahala. Maski siya ay kinakabahan sa kuwento nito at sinabi ng kuya niya kanina. This is insane, pero dapat ko paring sundin ang kuya ko. I unconsciously get my phone from my pocket and dialed our house number. Nakita ko rin na kinuha ni Bryan ang cellphone nito at may tinawagan.

"Manang Bebeng? Sabi po ni kuya we need to do the groceries po ngayon, good for 3 months.I'm here po sa Aurora's magkita na lamang po tayo sa grocery store.", sabi niya agad sa katulong nila. Nagtaka naman ito pero sinunod pa rin ang sabi niya. Matapos na kausapin ang kasambahay ay hinintay na muna niya si Bryan na matapos tumawag bago magpaalam.

"I need to go now, ngayon na kami mag gogrocery baka pumutok na ang balita bukas at wala ng time. 10 pm pa naman magku-close ang mall eh.",sabi niya kay Bryan. Tumango lamang ito at tiningnan na lamang siya habang papalabas ng opisina.

"Kain ka na, Cass.", sabi agad sa kaniya ni Micah. Umupo na muna siya at sumubo. Kakain na muna siya, mahirap na baka gutumin siya mamaya.

"So magkakilala pala kayo ng Manager nitong restaurant?",tanong agad sa kaniya ni Hugh. Tumingin na muna siya kay Micah bago sinagot ang tanong ni Hugh.

"Look Hugh, ahhhmmmm..., I don't know where to start, but I don't want to lie to you. Aurora's is our family business. Ang kuya ko ang chef at may-ari nito. Pero wala siya ngayon dito kaya nagkalakas loob ako na pumunta dito. He will get mad at me kasi once he knew that I was dating.", mahabang paliwanag niya kay Hugh. Bumuntong hininga na muna siya at uminom ng tubig para pakalmahin ang sarili. He likes him, kaya mabigat ang dibdib niya baka ma turn-off si Hugh sa kaniya. Nakita niyang napangiti ng maluwag at masaya si Hugh.

"Actually, Cass I already knew. Hinintay lang talaga kita na ikaw mismo ang magsabi. And I admired you more dahil napaka-humble mo talaga.", sabi nito sa kaniya sabay na abot sa kamay niya at hinawakan ito. Si Micah naman ay kilig na kilig sa kanilng dalawa. Para itong uod na hindi mapakali sa upuan.

"How did you know?",takang tanong niya.

"Well, I have my sources. And Carlo is one of my business partners in our pharmaceuticals.", sabi nito sa kaniya. Kaya naman pala kilala siya nito dahil magkakilala na sila ng kuya niya. Grabe talaga ang lalaking ito, pinagsabay pa nito ang dalawang kurso nito pati na ang business ng pamilya nito.

"Well, guys, I..i have something to tell you pero please, keep a secret muna. It's not yet confirmed but....", naninikip ang dibdib niya habang iniisip ang maaaring ibunga ng ginawa ng kompanya ng kuya niya noon.

"I already know, Cass. Tinext ako ni Carlo. Kaya let's go and hurry to the grocery store.",putol ni Hugh sa sasabihin niya.

"Anong ibig niyong sabihin? di ko gets.:,sabad naman ni Micah sa kanilang dalawa.

"Mamaya ko na ipapaliwanag Miks. Sa kotse na lang.",mahinang sabi niya. Nagbayad na muna si Hugh at sabay na silang lumabas na tatlo. 

"Magkita na lang tayo sa grocery store, okay?", sabi sa kanila ni Hugh at pumasok na sila sa kanilang kani-kaniyang sasakyan. 

"What's happening Cass?", tanong agad ni Micah ng nasa biyahe na sila. Bumuntong hininga na muna siya bago sinagot ang kaibigan.

"Kasi beshy, nung tumawag kanina si kuya, may mga sinabi siya at ibinilin sa akin, I didn't know na magkakilala sila ni Hugh. Kasi....somethings bad happened in China, sa pinagtatrabahuan niya noon na pharmaceutical.  He says to pack foods good for 3 months and other medicines, lock doors at huwag ng lumabas ng bahay. Maybe a big news will burst out a few days from now. So we must be ready by then.", mahabang sabi niya sa kaibigan. Nakita niyang medyo hindi pa nag-sink in ang mga sinabi niya sa kaibigan. Mayamaya pa ay bumunghalit ito ng tawa sa mga sinabi niya.

"Are you really serious about it friend? I mean, ano ba ang mangyayari? Will it be the end of the world? Hay naku, yan kasi masyado kayong mahilig sa mga horror movies at mga suspense thriller.", sabi nito sa kaniya at bumunghalit na naman ng tawa. I know she's just nervous kaya niya nasasabi ang mga yan.

"I'm serious about it Michaela. I Know this is some kind of absurd, pero you know my kuya Carlo, at alam mo na palaging seryoso ang kuya ko.",seryoso na niyang sabi sa kaibigan. Nagseryoso na rin ito at natahimik sa sinabi niya, alam din nito kasi na pagtinawag na niya ito sa buo nitong pangalan ay talagang seryoso na siya.

"So what do we do? Alam mong wala ang mga magulang ko sa bahay ngayon nandoon sila sa States. Ako lang ang mag isa sa bahay at ang mga katulong namin.", seryoso ng tanong nito.

"You can stay at my place for a while. Bumili ka na lang muna ng groceries para bahay niyo. Bumili ka ng kung anong mga kailangan.", sabi niya dito.

"How would I know hindi naman ako ang namamalengke sa bahay. Maybe I should call manang na lang at papupuntahin ko sa grocery store.",anito.

"That's a great idea. Nandoon na rin si manang Bebeng sa grocery store.", aniya sa kaibigan. Tinawagan na muna nito ang katulong nila na papuntahin sa grocery store kung saan sila. Pinili naman niya ang malapit lang na grocery sa kanilang subdivision at sa subdivision nila Micah kaya madali na lang makapunta ang katulong nito. Mag aalas nueve pa lang naman  kay may oras pa sila.

Narating din nila ang grocery store after 20 minutes, hinanap agad nila si Hugh at tinawagan naman niya ang katulong nila. Mabuti at nagsisimula na rin ang mga ito na mamili sa loob. Nakikita niya ang mangilan-ngilang tao na naggo-grocery sa loob ng store, mga wala pang alam ang mga ito. At natatakot talaga siya sa anumang mangyayari kinabukasan.

================================

04.13.2020




Nobody Knows ( I have a 'Cass' on 'Hugh')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon