W A L L A C E ' s POV
Unting-unti kong inimulat ang aking mata at bumungad sa akin ang sinag ng araw. Pero sa halip diyan ay bumungad din sa akin ang malamig na hangin. Dahan-dahan akong tumayo at napatingin-tingin sa paligid.
Nasaan ako?
Dahan-dahan akong nag-inat at di ko na maiwasan mapangiwi sa sakit at ngalay dahil sa bato pala ako nakatulog. Agad naman na kumunot ang noo ko. Bakit nakarating ako dito? Paano?Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa at agad ko itong kinuha. Pero sa kasamaang palad,walang signal sa lugar na 'to. Napabuntong-hininga na lang ako.
Naglakad lakad muna ako saglit nang may narinig akong agos ng tubig. Pumunta ako sa matutulis na bato kung saan mukhang bangin na ata iyon. Naglakad ako at umapak sa isang matulis na bato,kung saan tanaw na tanaw ko ang malalim na dagat.
Sobrang taas pala dito. Pagod ako sa lahat lahat. Ipinagtaboy na nila ako. Mukhang ayaw na akong tanggapin ng mundo. I am a forgotten star. A worthless one.
Nawala na yung nag-iisang tao na kaya akong tanggapin kahit ipinagtataboy ako ng buong mundo. Iniwan ako ng nag-iisang prinsesa ko although,she's willing to be a trash bin if the world could see me as a trash. But then,expecting too much is a sin.
Agad kong itinaas ang dalawang braso ko at sumalubong sa akin ang malungkot at malamig na simoy ng hangin. Ngumiti ako ng mapakla habang unting-unti kong ipinikit ang aking mga mata.
Baka sa paraang ito,wala na silang labis na iisipin. Wala na silang labis na proproblemahin. Wala na ang walang kwentang tao katulad ko. Wala na.
Sa mga magulang ko na tinuring akong malas sa buhay nila. Kung saan ay hiniling nila sa kanilang kaloob-looban na hindi na sana ako isinilang.
Agad na akong tumalon at halos makisabay na sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Ang mga butil ng luha ko na dahan-dahan na lumalabas. Pakiramdam ko ay biglaang gumaan ang dibdib ko. Heto na 'ata.
"¡Está loco! ¡Ve por él!" (That man is insane go and get him!) Isang boses ng babae. iyan ang aking huling narinig nang naramdaman ng buong katawan ko ang pagbagsak sa malamig na tubig.
The saddest thing about love is that not only that it cannot last forever, but that heartbreak is soon forgotten. Ang masayang alaala na kahit kailanman ay aking ituturing na isang kayamanan.
Paalam.
Unting-unti na akong nahihirapan ng paghinga hanggang sa dahan-dahan na tumigil ang pagtibok ng aking puso.
****
"Ya está despierto."(He is already awake) malalim na boses ng lalake. Te-teka? Nasa langit na ba ako? Nakikipag-usap na ba ako sa mga dayuhang anghel dito sa langit?
May mga yabag ng paa papalapit saakin pero nananatili akong nakapikit. What? So it means na hindi pala ako sa langit. May naramdaman akong mainit na hininga malapit sa tenga ko.
"Abre los ojos, idiota."(Open your eyes,dumbass.) sabay-sabay na nagsitayuan ang aking mga balahibo. Sobrang pamilyar ng boses niya. Parang narinig ko na. Siya ba yung sumigaw nang pandayuhang lenggwahe?
"¿No me has oído?" (Can't you hear me?) hindi ko maiwasan mapangiwi at maimulat ang mata ko kaagad nang may naramdaman akong mahapdi sa aking kaliwang braso.

BINABASA MO ANG
Bewildered Pirate
FanfictionWallace had a pretty joyful life before. After being heartbroken and broken by both his girlfriend and parents,Wallace moves to a mysterious place just to moved on and forget his pretty rough life. Wallace finds himself in the middle of a world he d...