W A L L A C E 's POV
Napatingin ako sa kalangitan na ngayon ay kulay abo na. Kumukulog ito. Napahugot ako ng malalim na hininga at napatingin naman ako sa dagat na ngayon ay sobrang lakas na ng alon. Napahigpit ang hawak ko sa kinatatayuan ko dahil baka mawalan ako ng balanse at matumba.Pero ayos lang naman na matumba ako sa sahig,kesa sa matumba at mahulog ako sa maling tao.
Hindi ko na din maiwasan mapa-iling dahil sa sarili kong hugot. Napatalon ako sa gulat nang may biglang humawak sa balikat ko.
"Ano ba?! 'Bat ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko sabay lingon. Agad kong itinikom ang bibig ko mang makita ko ang pagmumukha ni Xamira.
"Lo siento. "(I'm sorry) nakayukong anas niya. Humihingi 'ata siya ng pasensya.
"W-wala,ayos lang. Ako nga sana ang hihingi ng pasensya sayo eh. A-at hindi kita maintindihan" nahihiya kong sambit at unti-unting nagliwanag ang kaniyang mukha.
"Ipinag-utos sa akin ni Ximena huwag ka daw pumwesto dito dahil maaari kang kunin kaagad ng sirena. Kaya kung maaari doon ka muna sa inuupuan niya." saad niya at gaya nga ng unang dinig ko,nangingibabaw pa rin yung mala-pandayuhang slang niya.
At wow,sign ba eto na nababawas-bawasan ang pagiging maldita sa akin ng piratang 'yon? Talagang gusto niya ako na hindi makuha ng sirena. Napailing-iling na lang ako. Pero nagulat ako ng tumaas ang kilay niya.
I chuckled,"Sige,tara na." pag-aaya ko sa kaniya at napangiti naman siya. Sumama ako sa kaniya at parang nahihirapan akong maglakad dahil sa ginagalaw ng alon ang barkong 'to. Hindi katulad kay Xamira na halatang sanay na sanay na siya.
Nang makarating kami sa pwesto ni Ximena kasama niya si Zarnaih. Umupo ako sa tabi ni Ximena na tahimik habang naka-dekwatro pa siya. Napakagat na lang ako ng mahigpit sa ibabang labi ko nang mapansin kong masusuka ako dahil sa alon.
"Basta aber,binalaan na kita."ani Ximena. pagbabasag niya sa katahimikan kaya naman napatitig ako rito.
"Sus,gusto mo hindi lang ako mawala eh." pagbibiro ko at mabilis pa sa alas kwatro siyang lumingon sa akin sabay taas ng kilay habang nakatitig sa akin ng matalim.
"Gusto mo?" tanong niya na ikinuot ng noo ko.
"Nang alin?" nagtatakang tanong ko pabalik.
"Kitilan ng buhay?" seryosong tanong niya kaya naman tensiyonadong napalunok ako.
"Hehe nagbibiro lang naman ako. Hindi ka talaga mabiro-biro,hay nako." saad ko but then,she rolled her eyes.
Isang malakas na kulog ang kumawala sa kalangitan kaya naman bigla kaming napatahimik. Napahawak ako ng sobrang higpit sa kinauupuan ko dahil sa grabeng paggalaw ng barko at dahil na rin iyon sa paglakas ng alon.
For the first time in ages,I would encountered this kind of life that I've never wished,the adventurous one. A couple of minutes,ay biglang naging normal ang dagat,kung saan walang alon na sobrang lakas,naging normal na din ang pag-andar ng barkong 'to. Wala na ring kulog ngunit naging kulay itim ang kalangitan.Hindi ko maiwasan kabahan.
Nagkatitigan ako sa tatlong babaeng pirata pero agad silang nagsihugutan ng kanilang mga espada. Napatingin ako sa ibang pirata at ganon din ang ginawa nila,nagsihugutan ng kanilang sari-sariling espada. Napalunok ako.

BINABASA MO ANG
Bewildered Pirate
Hayran KurguWallace had a pretty joyful life before. After being heartbroken and broken by both his girlfriend and parents,Wallace moves to a mysterious place just to moved on and forget his pretty rough life. Wallace finds himself in the middle of a world he d...