4

43 2 0
                                    

Why didn't I think about this freaking CELLPHONE?! Tiniis ko na ang gutom. Kanina pa ako nag-iisip kung paano ako makaka-survive, nandito lang pala sa aking bulsa ang kasagutan. 

Talino mo talaga Eerie. tsktsktsk. 

I answered my phone. It's Faye.

"FAAAAAAAYE!" I shouted.

"Aray naman Eerie. Hello to you too." She answered, full of sarcasm. I rolled my eyes knowing she won't see me.

"You're rolling your eyes." Ooops. 

"Nasaan ka? I need you!" 

"Ano na naman problema mo?" 

"Eh...gutom na ko Faye." I started. But before I continue, umepal na agad si Faye. "Oh tapos? Problema ko ba yan? Kumain ka. Napakasimple nman ng problema mo Eerie."

"Sandali lang naman, patapusin mo muna ako. Wala akong pera eh. Naiwan ko wallet ko sa bahay. Pautang naman ako oh!" 

"Hindi ka na talaga Eerie nagbago." then I heard a deep sigh. Wait. Narinig ko na yang lines na yan kanina ah. English version nga lang. 

"Eh sa nakalimutan ko nga. Ano, are you going to help me or you're going to help me?"

"In one condition." Typical Faye. Everytime na humihingi ako ng tulong laging may kaakibat na kapalit. Pero ganyan din naman ako so ok lang. haha

"Yeah Yeah. Whatever it is."

"Okay. I will tell you later. Meet me sa canteen at pakakainin kita." she hungs up. Ako naman, tumayo na at dire-diretsong pumunta sa canteen. Gutom na talaga ako kahit pinakain ako ng kumag na yon ng cupcake. Bitin eh.

Pagdating ko sa canteen, nakita ko agad si Faye. I waved at her while she just ignored me. What a friend! pero may kailangan ako sa kanya so I'll be a good girl.

"Pautang ng 100pesos Faye. Gutom na talaga ako." yan ang sinabi ko pagkaupong- pagkaupo ko. She rolled her eyes at me pero kinukuha na niya ang wallet niya.

"Kung hindi pala kita tinawagan, hindi mo maaalalang may cellphone ka ano? Hindi mo rin ako maaalala. Hindi mo nga naalala wallet mo, cellphone mo pa kaya? Grabe ka Eerie! Kailan ka ba magbabago? Sa edad mong yan, masyado kang makakalimutin. Paano na lang kung hindi ako tumawag sa'yo? Magpapgutom ka na lang? Geez! Ano na lang kaya sasabihin ni Tita kapag sina---OY! Kinakausap pa kita!" Oh well. Hindi naman ako nag-walk out sa mga pinagsasasabi niya, FYI lang. Kinuha ko lang naman yung wallet niya tapos bumili na ng pagkain.

Kung sa tingin nyo, affected ako sa mga sinabi ni Faye, hindi po. Bakit? Dahil sanay na ako sa litanya niya. Sanay ako na lagi niyang pinapagalitan. Well, ganyan talaga ang tunay na magkaibigan, pranka sa isa't isa.

 Nang bumalik ako sa table namin, minasamaan lang niya ako ng tingin and I just smiled at her. 

"I heard may dalawang papabols daw sa block mo. Ipakilala mo nga sakin kahit isa man lang." 

Kibit- balikat lang sinagot ko sa kanya. Busy ako sa kinakain ko kaya wala akong panahon para sagutin siya at isa pa, sino ba papabols sa block namin? Wala naman ah.

Wait. Meron pala, si Val. 

I thought hahayaan na lang ako ni Faye na kumain since di ko rin naman siya sinagot pero nagpatuloy pa rin siya sa kung ano man ang sinasabi niya. "Alam mo bang I bumped into someone awhile ago? Peste yung lalaking yun. Badtrip siya. Akala mo kung sinong gwapo pero gwapo naman talaga pero hindi dapat siya gwapo. Pangit siya! Pangit! Sa susunod na makita ko siya bibigyan ko siya uppercut! Shing! Shing!"

My reaction? 

Nevermind. 

"So, have you made any friends Eerie?" Patuloy lang sa pagsasalita si Faye. Ansarap ng spaghetti! Ansarap din nitong buko pie. Hindi naman ako mahilig sa pie pero tingin ko mapapabili ako nito lagi. O baka naman gutom lang talaga ako kaya lahat ng kinakain ko masarap sa panlasa ko? Gusto ko pa sanang bilhin yung burger kanina kaso baka hindi ko maubos. Pero feel ko hindi sapat itong buko pie at spaghetti lang. Bilhin ko kaya yung burger? Ilan na lang ba natira sa inutang ko kay Fa---AYE! 

"Aray ko naman Faye!" Pukpukin ba naman ako ng libro sa ulo. Nakain pa ko take note. 

"Kanina pa ako dito nagsasalita, di ka man lang nakikinig. Parang baliw na ako dito." reklamo niya. 

"Alisin mo na yung 'parang'." pagkasabi ko niyan, pinukpok na naman niya ako ng libro sa ulo.

Aba sumosobra na 'tong babaeng 'to ah. I gave her my deadliest glare. "You hit me one more time, I'll punch you in the face. Shing! Shing!" 

"Ha. Ha. Ha. Scaaaaary." -Faye at pinukpok niya ulit yung libro niya sa akin. 

I closed my eyes. Relax Eeerie. Kalma lang kahit gusto mo ng suntukin ang kaibigan mong iyan. Chill. Tandaan, may utang ka sa kanya. 


Oo nga pala may utang ako. I opened my eyes pero nagtaka ako sa expression ng mukha ni Faye. She look pissed at the same time confused. She's not looking at me so alam kong hindi sakin naka-direct ang emotion niya pero her stare were just few inches away from mine so ibig sabihin, sa katabi ko siya nakatingin? Sandali. Wala naman akong katabi ah. For four people ang table namin at kaharap ko si Faye. Kaming dalawa lang naman magkasama. Dinako ko ang tingin ko sa tabi ko.

O.O

Anong ginagawa nito dito? Kailan pa 'to dumating? Bakit di ko man lang napansin na may katabi na ako? Andami kong tanong nubeyen. 

"What are you doing here?" tanong ni Faye kay Val.  Yes. Si Val po mga kaibigan itong katabi ko.

Instead of answering her, he look at me. "You're friends with her?" 

"Yeah." I answered. Si faye naman ang nagtanong. "Classmate mo Eerie?" Tumango lang ako.

Wait. Magkakilala sila ni Faye? "Magkakilala kayo?"

"NO." the answered in unison. Abaaaaa...

"Okay." I turn to Faye. Time for revenge baby. I smiled at her. "Siya ba yung sinasabi mong someone you bumped into na super handsome at kapag nakita mo ulit siya, you will kiss him first, sa lips at torrid para sweet then confess to him and say, 'I really like you. Can you be my jowabels?' ". 

Reaction ni Faye? Wahahaha. Priceless! parang gusto na niyang lamunin siya ng dagat sa sobrang gulat at hiya.

Tiningnan ko naman reaction ni Val. Aba yung mokong, naka-smirk kay Faye.

Kung kanina, pinupukpok lang ako ng libro ni Faye, ngayon naman, binato niya sakin yung libro! Pakshet! Ansakit nun ah!

"1000 na utang mo sakin babae ka!" sigaw niya. Grabe naman tax nito oh! Sandali naman. 

"O-oy. Ano yan? 100 lang naman hiniram ko sayo ah." Imbis na sagutin ako. Sinamaan lang niya ako ng tingin. Seryoso siya sa 1000. Halah naman! San ako kukuha nun? Mayaman si Mama, hindi ako. 

I sighed. Tiningnan ko uli si Val. "Oy classmate. Joke lang yun. Wala akong 1000 pesos kaya binabawi ko na sinabi ko." 

Val suddenly put out his wallet then gave a 1 thousand bill to Faye. "Oh ayan. Bayad na si Aeria. Now. You want to kiss me and confess? Go ahead. I don't mind." he grin.

Si Faye? NGANGA.

kdot :PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon