5

19 1 0
                                    

"Type mo si Faye ano?" papunta na kami ni Val ngayon sa room namin. May pasok na kami kaya kailangan namin maghiwalay ni Faye. Nakakatakot nga yung babaeng yun. Pinagbantaan muna ako bago siya umalis. Ngiting-aso lang naman ang ginanti ko sa kanya. 

"No. Who would like someone like her?" sus. todo tanggi naman itong isa eh nakangiti naman. 

"Ikaw." yan lang ang sinagot ko. Nakaabot kami sa room namin 15 minutes before the time. Since maaga rin naman kami, umob-ob na muna ako sa aking upuan. Inaantok ako.

"Aeria." hindi ko pinansin si Val.

"Aeria." istorbo 'to.

"Aeria." peste. isa pa't makakatikim na 'to.

"Ae--Ouch." sabi ko sayo makakatikim ka diba? Sinuntok ko kasi si Val. Hahaha.

"Ano ba kailangan mo? Kitang natutulog."

"Ah. Wala. Sorry." bumalik na lang sa kanyang kinauupuan si Val habang hawak niya ang kanyang pisngi. Doon ko kasi siya natamaan. Napalakas ba yung suntok ko? Hindi naman ata. Halah naman. Nakasakit ako ng tao. Haizt.

Lumapit ako kay Val. "Uhm. Sorry. Masakit ba?" Ako naman ngayon ang hindi pinapansin ni Val.

"Uy Val. Sorry na." NR.

"Val naman eh. Sorry na. Ano ba kasi kailangan mo? Hindi ba pwedeng mamaya na lang?" NR pa rin.

I sigh. Bumalik na lang ako sa upuan ko at umob-ob ulit. Para namang babae si val, konting chuchu lang ume-emote na agad. Nag sorry na ako so wala na akong kasalanan ah. 

"Aeria." Kitams? May saltik din ata sa utak 'to eh.

Umayos ako ng pagkaka-upo. "Oh bakit?" pero bago pa man siya magsalita, dumating na ang professor namin.

------------------------

Yes! Uwian na. 

"Aeria." nilingon ko si Val. "Pahingi ng cellphone number mo."

"Bakit?" aba, masyado na ba kaming close para ibigay ko sa kanya number ko? Pero kahit ibigay ko naman, useless eh. Lagi akong walang load atsaka, nakakatamad kayang mag-text. 

"Eh. May itatanong ako sayo eh."

"Bakit kailangan ko pang ibigay number ko sayo? Pwede mo na rin naman itanong ngayon."

"May kailangan kasi akong puntahan kaya pahingi na ako. Please?" hindi rin naman ako nito titigilan so ibibigay ko na lang. Wala rin naman akong kwentang ka-text or ka-call. 

Binigay ko na sa kanya number ko. "Magpakilala ka." yun lang ang sinabi ko at umalis na siya. 

Lumabas na rin ako ng campus at pumunta sa paradahan ng jeep papunta sa lugar ko. Buti na lang binilisan ko yung paglalakad ko kasi sakto isa na lang kulang na pasahero. However, mukhang minamalas talaga ata ako eh. 

"looks like you have money now huh." I rolled my eyes at him. Sa lahat naman ng makakasabay bakit siya pa? Juice colored! 

"Yeah." yan lang sinagot ko. Nakakailang kasi. Alam nyo naman kung anong nangyari kanina kaya di ko alam kung paano ko siya haharapin. 

Akala ko pa naman pababayaan niya ako pero pinili niyang maging maingay ngayon. "So, when will you pay your debt?"

"Pwedeng bukas na lang? Kulang na 'tong pera ko pambayad sayo eh."

"I want you to pay exactly the same" Huh? 

"Eh? What do you mean?"

Ngayon naman, pinili na niyang manahimik. Hindi na ako pinansin ng kutong lupa at ayan, sinalpak na ang earphones niya sa tenga niya. That means, Don't disturb na. 

"Mabingi ka sana." I murmured. 

Buti na lang medyo mabilis yung jeep kaya 20 minutes pa lang nakakalipas nakababa na ako. Hindi na ako nagpaalam kay Epal-na-pamilyar. Yeah, hindi ko pa rin maalala pangalan niya. Busy yun magsoundtrip so hinayaan ko na lang. 

Pagdating ko naman sa bahay, wala naman akong ginawa. Tumawag na lang ako kay Faye since nag-text siya na tawagan ko daw siya. 

"Why are you calling me?" kita mo 'to. Nagtext na tawagan siya tapos tatanungin ako ng ganyan.

Dahil masyado na ring mahaba ang araw na to para sa akin at wala na ako sa mood para makipag basag bibig kay Faye, I simply told her, "Yeah right. Bye."

I sighed. I had a very looooooong day. To think, it's just the first day of school. 

Pagkahigang- pagkahiga ko sa kama, tumunog si cellphone.

Si Faye.

Sinagot ko naman.

"Bago ka ma-high blood na naman at ibaba mo ang cellphone mong may silbi pala, I want to say sorry." she started. Ako naman, nagulat. Bakit siya nag sorry?

Magsasalita sana ako para tanungin kung bakit siya humihingi ng tawad pero inunahan niya ako. "Ay tanga! hindi sorry! kundi, Humanda ka sakin pag nagkita tayo! Ikaw! Anong pinagsasasabi mo kay... kay... sa lalaking yun? Badtrip ka, pagkatapos kitang pautangin diyan, yun ang igaganti mo sakin. Pinahiya mo ako Eerie alam mo yun? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kay... kay.. sa lalaking yun? That arrogant jerk! I will tie him in a rope and rape him oh god no! That's absurd. I won't do that!magkakaroon lang ako ng bacteria sa mouth. Ay teka? Bakit rape ang nasa utak ko ngayon? Syet. Kasalanan mo to Eerie!" 

I heavily sighed. 

With a bored tone, I answered, "Yeah. So? You like him. He likes you. Why deny the obvious?" 

Hindi ko na pinasalita pa si Faye kasi inend ko na yung call.

Bakit ko nga ba naging kaibigan yan?

Ipagpapatuloy ko na sana ang aking trip sa dreamland nang may tumawag na naman.

Without looking at the caller's ID, I answered, "Pwede ba Faye, patahimikin mo muna ako. Alam mo naman kung ano nangyari sakin ngayong araw so please shut up ka muna. Kung ang pino-problema mo ay si Val, bakit ka nga pala namomroblema dun? Gusto mo talaga siya diba? Then tanggapin mo! Huwag mong isisi sakin. Sumasakit ulo ko sayo!"

Natapos na yung litanya ko pero walang Faye na sumagot. "Oh? Natameme ka? Kanina kung makalitanya ka---"

"I'm not Faye, Eerie." Isang boses ng lalaki ang narinig ko sa kabilang linya. Huh? 

Dali- dali kong tiningnan ang cellphone ko. Number lang naka-flash sa screen. Sino naman 'to?

"Ha?"

"Eerie." That's the second time he mentioned my name and it's somewhat...nice. eh? Bakit ba yan naiisip ko?

"S-sino ka?"

"Hmm..." Syet, kahit 'hmm' lang sinabi niya, bakit ang ganda boses? "I guess you don't remember me huh?"

"Ha?"

"Well, Do you remember faggot?" Faggot?

Faggot?

Si...Faggot?

"You...You're..." 

Pero hindi ko na naituloy ang aking sasabihin kasi "Toot toot" na ang narinig ko. 

Binabaan ako?

Peste! Binabaan ako?!

Pero... Pero... si Faggot yun? That...that...homo-guy? 

Yung nagsimula ng pangalan kong Eerie?

Like seriously?

Nag-ring na naman cellphone ko. Andami kong caller ngayon ah. lol

Tiningnan ko muna ung caller's ID. Baka si Faye o si...Faggot.

Number ulit ang nag-flash sa screen. Si Faggot? I answered the call.

"Aeria!" ow. I know this voice. Val.

"Oh bakit?"

At dyan na nagsimula ang walang hanggang tanong ni Val. 

Wait. Kung si Faggot yun kanina, paano niya nalaman number ko? o.O

kdot :PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon