"Eerie!" Hinarap ko kung sino man ang tumawag sa akin.
Psh -_-
Si Faye lang pala.
"Oh ano?"
"Miss me? :D"
"Whatever Faye. Nagkita pa lang tayo kanina."
"Whatever Eerie! Oh ano? Pasado?"
"Natural! Ano akala mo sakin, bopols?"
"Sort of.. hehehe ^_^v"
"Oo na. Tss. Porket mas matalino ka. Oh ano, uwi na tayo?"
"Sige mauna ka na. May pupuntahan pa ako eh. *wink"
"Yak! Layas na! Annyeong!"
"Annyeong!"
Ok. I'm going home na.
By the way, dadak kami ng dadak ni Faye, di pa kami nagpapakilala.
Ako nga pala si Aeria Elaine Sandoval. Elaine or Eerie for short. Bakit Eerie? Ewan. Tanging natatandaan ko lang is nung 4 years old pa lang ako, may isang batang lalaking nagpangalan saking Eerie. Weird meaning nyan alam nyo ba? Tss. -_-. Pero, dahil tinawag niya akong Eerie, syempre di ako nagpatalo, Faggot tawag ko sa kanya. Nainsulto ata yun sakin kasi magsimula nung tinawag ko yung batang lalaking "faggot", di na sakin nagpakita. Di ko matandaan pangalan nun. Faggot lang tanging natatandaan ko. Ganda lang noh? -_-
Anyway, ayan nga, ako si Eerie. 17. Next month, college student na ako. Actually, kakagaling ko lang sa school. Tiningnan ko kung nakapasa ako sa *insert name ng University*, buti nga at nakapasa ako. I will take Accountancy as my course. Si Faye naman, Political Science course. Matalino po iyan si Faye. Siya Valedictorian eh. Ako? Isang hamak na graduate lang po. But atleast nakagraduate.
Ano pa gusto nyong malaman tungkol sakin?
Ahm... sabi ko nga 17 na ako. Matalino...joke lang. hehe. Maganda...yan po sabi ng nanay ko. ;p
Ewan ko. Ayokong idescribe sarili ko. Basta ako si Eerie, ang bida ng kwentong ito. bow.
By the way, ang nickname kong Eerie is for my close friends only. Why? Trip ko lang. Elaine ang tawag ng mga nakakakilala sakin.
