SYNOPSIS
This is going to be a hard time for me, I am so problematic about so many things in life. Plus lagi ko na lang naririnig ang nakakarinding awayan nila mommy at daddy.
I don't know what to do just to overcome this stressful week. Kasalukuyan na nga akong naglalakad sa pasilyong ito na nag-iisa lang. I have no friends, because of my size.
I have no friends because no one is willing to be my friend. And to tell you honestly...I am their favorite classmate, schoolmate and student they have in this what so called 'prestigious' school.
Why?
I am now on my way to open my locker. Pero sa pagbukas ko pa nga lang ay may naglalapitan ng mga estudyante sa aking likuran.
Hindi ko alam kung bakit.
Tinignan ko ang loob ng locker para kunin sana ang gamit ko sa loob nito. Pero may nakita akong isang red card, teka?
Red card?
Ano 'to?
Meteor Garden?
Boys over Flowers?
Napaismid na lang ako nang hawak ko na ang red card. Nang biglang may sumigaw,
"CUT!"
"Hoy! Cut daw sabi ni Direk."
Napalingon naman ako sa gawi ni Direk na parang bored ako. At saka naglapitan naman ang mga personal assistants ko para ayusin ang make up sa mukha ko.
"Ano bang problema mo Triah? Maayos na sana e. Bakit ka naman umismid? Hayst." galit na usal sa akin ni Direk.
Nainis naman ako dahil sa pagalit niyang tono.
"Bakit? Kasi, ang old school niyo Direk. Ako si Haide rito. Hindi ako sina Jandi at Sanchai." sabay walk out ko naman.
"Aba't. Hoy Triah. Bumalik ka rito, hindi pa tayo tapos mag-shoot. Ahhh!" nanggagalaiti na sa pagsisigaw si Direk sa akin.
"Bukas na lang Direk! At saka ayusin ninyo ang script, ayoko sa ganiyang scene. So common. Bye!" patalikod kong wave sa kanila. Naririnig ko pa rin ang pagmamaktol ni Direk.
Tsk. Parang hindi na sila nasanay sa akin. Sila mag-adjust! Artista ako. Hindi sila ang aacting kundi ako.
Bwesit na araw 'to. Nakakastress. Kakain na nga lang sa bubuyog.
Baka mabawasan pa timbang ko 'pag hindi ako kakain. Feel ko kasi namamayat ako. Limang plato lang ng kanin nakain ko kanina.
Kaya pala gutom pa rin ako. Kawawa naman ang fats ko. Haay.
BINABASA MO ANG
Hindi Ordinaryong 'Mataba' Story - COMPLETED (Under Editing)
General FictionWhat makes this story unordinary? Mataba ka rin ba kagaya ni Triah? May imperfection ka rin ba na dinadala? Who's your strength para hindi maapektuhan ang sarili? Pamilya ba? Paano kung pamilya rin ang maging rason ng lahat ng pasakit? Kakayanin mo...