Kabanata 2
FLASHBACK
Kilala ako bilang anak ng isang pinakatanyag sa larangan ng sugal. Halos araw-araw sila mommy at daddy na nagpupunta sa isang casino real. At dahil nga legal ang pasugalang iyon kaya hindi sila matigil-tigil sa pagwawaldas ng pera.
Kaya anong inaasahan ninyo sa pananaw ng mga tao sa akin? Isang pariwara. Sa kadahilanang walang umaagapay sa akin simula nang ako'y ipinanganak. Bakit ko nasabi? Dahil lagi na lang nila akong iniiwan sa mga kasambahay naming. Sila lang ang laging nagbabantay sa 'kin.
Sa mura kong edad, natuto na akong maglinis ng bahay, magluto, at kung anu-ano pa dahil palagi kong nakikita ang mga kasambahay na nag-aayos at naglilinis ng buong bahay.
Minsan nga sinasabihan ako nila Aling Milan na hindi mangulit na tumulong sa kanila at baka ano pa ang masabi nila mommy at daddy. Pero para sa akin, isang malaking himala na lang siguro kung mapansin nila ako.
Wala naman sigurong alam na gawin ang mga 'yon kung 'di ang magsugal.
Nag-anak pa sila, para ano? Ipaalaga lang sa mga katulong. Mga iresponsableng mga magulang kumbaga.
Ganito na talaga ako mag-isip kahit na labing-tatlong taong gulang pa lang. Paanong hindi magiging ganito, e halos araw-araw na akong gumigising na walang mga magulang. Alam ko namang mababait sina Aling Milan at ibang mga kasambahay sa pag-aalaga nila sa akin, wala silang pagkukulang sa akin. Pero mas pinili ko na lang na magrebelde.
Hindi man dahil sa mga nag-aaruga sa akin, kung hindi dahil sa mga magulang ko. Dahil isang gabi, nang may ginagawa kaming reports sa paksa namin sa Agham.
Maaga kaming natapos gumawa ng report para bukas, nang isa sa kasamahan ko sa grupo ay nagdala ng isang bote ng inumin. At first akala namin juice lang iyon. Hindi naman nagsasabi ng totoo ang kaklase kung ano iyon, kaya sumang-ayon na lang kaming mag-inum.
Na sa bahay kami ng kaklase kong hindi gaanong mahirap, pero hindi rin naman masasabing may kaya.
Iyong klasing pamumuhay lang na payak at walang arte. Dahil nga hindi naman ako iyong tipong maarte sa paligid kaya go na go ako.
At dahil alam kung simula pa lang ay may mga naiinggit na sa akin. Pwera na lang sa mga kasamahan ko ngayon. Sila kasi iyong tipong mga gusto kong kaibiganin dahil hindi maarte, at normal pakisamahan.
Walang peke sa ugali. Unlike sa mga kagaya ko ng estado sa buhay na halos lahat ng kemeng mga gawain ay binabatikos.
Mga palibhasa spoiled.
Nagsimula na nga kaming mag-inum nang bigla akong nakaramdam ng pagkaganang mag-inom pa. Ang tamis kasi ng inuming ito.
Kulay asul ang laman ng bote, para siyang lagayan ng energy drink. Pero hindi siya energy drink.
"Triah? Ubos na ang laman ng inumin mo?" hindi ko na lubosang malinaw na marinig ang sinasabi ng isa kong kaklaseng si Loren.
"Iy-to bwa?" tinaas ko pa ang bote na wala na ngang laman, napapansin ko na rin ang pagsasalita kong parang nag-iba na rin. Na kahit anong gawin kong pag-aayos ng sasabihin ay parang mali-mali talaga ang nasasabi ko.
"Hanla. Lasing na yata si Triah, Mike." malakas na sigaw ni Phoebe kay Mike.
"Lwasing...wako?" bahagya pa akong ngumisi.
"Hwinde now." tigalgal kong pagsasalita.
Napapansin ko na ring nahihilo ako.
"Ano bwa iytong inumin na...dinal-la mow, Mm-mike?" hawak ko na ang noo ko gamit ang isa kong kamay.
BINABASA MO ANG
Hindi Ordinaryong 'Mataba' Story - COMPLETED (Under Editing)
General FictionWhat makes this story unordinary? Mataba ka rin ba kagaya ni Triah? May imperfection ka rin ba na dinadala? Who's your strength para hindi maapektuhan ang sarili? Pamilya ba? Paano kung pamilya rin ang maging rason ng lahat ng pasakit? Kakayanin mo...