Kabanata 3
Sa ilang minuto kong pagmumuni-muni rito sa loob ng kwarto ay naagaw ng mahinang katok ang aking atensiyon. Pansamantala kasi akong nagso-soundtrip sa aking ipod, para malibang na muna habang naghihintay sa agahan ko. Sinubukan kong tumayo pero hindi ako agarang nakatayo, kaya naisigaw ko na lang ang salitang 'pasok'.
Nang nakapasok na ang kasambahay na si Greta sa kwarto ko ay kaagad naman niya akong dinaluhan dahil napansin niyang hirap na hirap akong makatayo sa aking kama.
"Triah," napahinto naman ako sa pagpapahirap sa sariling makaupo ng maayos. Inilapag na muna niya ang tray ng pagkain sa maliit na mesa sa aking kwarto.
"Napano ka ba kasi Triah, at para kang bolang pagulong-gulong diyan." paunang bungad na pahayag sa akin ni Greta. Nang inilahad naman niya ang kamay niya sa akin, kaagad ko iyong tinanggap at doon kumuha ng lakas para makaupo, pero sa kasamaang palad.
"Waaaah. Aray. Triah. Ang bigat-bigat mo talaga. Sinabi ko na nga sa 'yo 'di ba. Mag-jogging tayo tuwing tanghali riyan sa labas ng bakuran ninyo. Para naman mabawasan ang bigat mo." una siyang nakabawi sa pag-upo at para mapaupo rin ako ay itinulak na lang rin niya ako.
Gamit ang dalawa niyang kamay.
"Ahhh. Isa. Dalawa. Ta-Tatlo. Ahhhh." buong lakas na sigaw niya kasabay ng pagtulak niya sa akin.
Kung nagtataka kayo kung bakit nabibigatan si Greta sa akin, kasi magkasing-edad lang naman kami. Pero mas ahead siya sa akin ng ilang buwan. Noon may 'Ate' pa ang tawag ko sa kanya. Pero dahil sinabi niyang h'wag ko na lang daw siya tawaging ate dahil parang mas minatanda ko siya. Kaya okay, ganito lang kami. Actually, she's my friend here at home, siya lang rin ang nakakasama ko kapag may lakad sila mommy at daddy at may ginagawa naman si Aling Milan.
Kung inyong tatanungin, siya ang tunay na anak ni Manang. Isinasama siya rito ni Manang para maging kalaro ko.
Pero ang batang ito ay may pagkasuwail rin katulad ko, nilapitan ba naman si Mommy at nag-apply bilang working student daw. Haaay, at dahil mas advantage iyon kay mom at dad at para na rin makatulong daw, kaya tinanggap siya bilang katulong.
Mga magagaang trabaho lang rin naman ang pinapagawa sa kaniya ng iba pang mga kasambahay dahil itinuturing siyang pinakabunso.
"Ano ba kasing ginagawa mo?" pagalit na usal niya. Pero hindi naman iyong boses galit na talaga.
"Nagcu-curl ups ako uy." pagsisinungaling ko naman.
"May nakacurl-ups bang halos mangapa ka na sa gilid ng kama mo para lang makatayo ka? Oh ito na ang agahan mo. Ubusin mo 'yan, ang baboy mo talaga." sermon niya.
"Grabe ka Greta. Makababoy ka riyan, akala mo payat ka," balik sermon ko sa kanya.
"Tumahimik ka na nga Triah! Oh ito lamunin mo," isinubo niya bigla ang isang hotdog sa bibig ko kaya nabulunan ako. Nataranta naman si Greta dahil sa nahihirapan akong makahinga.
"Naku, naku, oh. Oh. I-ito ang gatas. Inumin mo." sabay abot naman niya sa isang basong gatas. Halos maubos ko ang gatas dahil sa pagkabulunan.
"Oho. Oho. I-ikaw, oho. K-kasi eh!" patuloy pa rin ako sa pag-ubo. Hanggang sa makabawibawi na ako sa sobrang pagkataranta kanina sa pagkabulonan ko.
"Okay ka na ba?" nag-aalalang pagtatanong niya sa akin. Tanging tango lang ang naisagot ko at pinukos ko na ang atensiyon sa pagkain.
"Ikaw kasi eh. Dapat pa bang ipangalandakang hindi ako payat? Dzah. Hindi payat pero hindi rin masyadong mataba, chubby lang." nasamid naman ako.
"Sinabing maghinay-hinay nga e!" saway niya sa akin. Uminom ulit ako ng gatas.
"Ikaw kasi! Naniwala ka naman sa aking chubby ka. Hala siya. Sexy mo kaya." pagsasabi ko ng totoo.
BINABASA MO ANG
Hindi Ordinaryong 'Mataba' Story - COMPLETED (Under Editing)
General FictionWhat makes this story unordinary? Mataba ka rin ba kagaya ni Triah? May imperfection ka rin ba na dinadala? Who's your strength para hindi maapektuhan ang sarili? Pamilya ba? Paano kung pamilya rin ang maging rason ng lahat ng pasakit? Kakayanin mo...