Chapter 3

34 3 0
                                    

CRESCENDA

"In your new school, you'll meet new people. It's not an ordinary school of course. Sa palagay mo ba hahayaan kitang makalabas ng alam kong wala kang proteksyon?" sabi ni Dad sa akin kaupo ko sa harap niya. Napatango ako sa kanyang sinabi. May punto si Dad dahil alam ko sa sarili ko na hindi niya ako hahayaan lang makalabas ng ganun ganun lamang.

"I enrolled you already so you'll just prepare yourself before the school year starts. You have 2 weeks to prepare kasi you're classes start on July 25. Tomorrow, darating na ang uniform mo na pinatahi ko." dagdag pa ni Dad sa mga sinabi niya kanina.

Tango lamang ako ng tango dahil hindi pa rin nagsisink-in sa akin na makakapag-aral na ako sa isang school and makakalabas na ako sa mansyon naming ito.

"Papasok ka sa eskuwelahan na pinapasukan ni Brix kaya kung may mga tanong ka pa, just ask him. Dismiss."

◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈
BRIX

"You're entering Daziel University, you should know the basics." bungad ko kay Cres after niya kong bulabugin ng sobra sobra dahil gusto niyang malaman ang school na kaniyang papasukan. Mukhang wala pa talaga siyang alam kung ano ang pinapasok niya.

"Daziel is not what you think it is. Hindi yan katulad ng mga binabasa mo sa libro. Daziel University protects your identity. Hindi sakop ng gobyerno ang paaralan na ito. Halos lahat ng anak ng mga matataas ang posisyon sa lipunan, doon nag-aaral. To protect them and to shield them from danger. Pero, hindi lang yon,"

"It is where mythical creatures study. Lahat ng mga inakala mo na hindi totoo, it's all true. Vampires? Wolves? Hybrids? Name it. Lahat ng mga yan makikita mo sa paaralang iyon." pagtatapos ko sa sinasabi ko. Ineexpect ko na magugulat at magtataka ngunit ang tinanong niya sa akin ay,

"May mga fairies ba na nag-aaral doon?" excited niyang tanong sa akin pagkatapos kong iexplain sa kanya kung ano ang Daziel. Takang taka ako ngunit natawa ako sa reaksyon niya. Inosente pa rin talaga hanggang ngayon.

Sa tagal niyang nakulong dito ay matagal din siyang walang kaalam-alam sa mga bagay bagay. Kaya't hindi rin siya nasaktan ng sobra. Hindi ko alam kung paano niya nakaya magtagal sa loob dito pero hinahangaan ko ang katatagan niya. Pinagdadasal ko na lang na magiging handa siya sa pagpasok niya sa Daziel.

"HAHA oo, mayroon din. Bibigay ko sa'yo mamaya yung handbook para mabasa mo in advance." tumatango ito at halatang excited na siya sa pasukan.

I just hope you're mentally prepared.

━━━━━━━━❪❐❫━━━━━━━━
???

"Are you sure she'll be safe? Nagawa naman natin lahat dati kaya siguro mapoprotektahan na siya, diba?" tanong nito sa akin at halatang nag-aalala ito. Hindi naman namin maiiwasang mag-alala. Sa tagal namin siyang pinrotektahan, ayaw namin na may mangyaring masama pa sa kanya.

"Ayoko na siyang mapahamak pa, sa tindi ng naranasan niya dati, ayoko ng mangyari ulit yun sa kanya." tumango ako dahil alam ko rin sa sarili ko na sobrang sakit ng pinagdaanan niya at hindi na maaaring maulit yun.

"Gawin na lang natin ang lahat ng makakaya natin para mapatnubayan natin siya. Nalalapit na rin ang oras kaya wala na tayong magagawa kung hindi ay gabayan siya at ihanda para sa araw na iyon." tumango ito at bumuntong hininga. Alam kong alalang-alala pa rin siya at ganun rin ako.

Hay, protektahan mo ang sarili mo. 'Wag mo ng hahayaang maranasan mo ulit ang paghihirap na ginawa nila sa'yo.

◑ ━━━━━ ▣ ━━━━━ ◐
Author's Note:

.... -.-- .- -.-.

Daziel University: School for Mythical Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon