Chapter 15

7 0 1
                                    

CRESCENDA

"Grabe, 'di pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina? Paano mo nagawa 'yun? Kung hindi mo siguro nakita at nasalo 'yun, sinasabi ko sa 'yo tigok ka na ngayon." sinasabi ni Jace habang naglalakad kami papunta sa canteen. 

"How are you feeling?" tanong ni Tres na katabi ko. Binaling ko naman ang tingin ko sa kanya. 

"Fine. Just shocked, I guess? Sabihin na nga natin na nasalo ko yung pana, but it was aimed towards me, talagang ako ang target. Who would do that?" naguguluhan na sabi ko. "Balak ba nila ako patayin? My goodness!"

"We don't know. You're supposed to be safe here pero puro pahamak na lang naranasan mo. Tch." anito na parang naiinis. 

"I don't know what to feel. Scared? Threatened? O talagang dinidikitan lang ako ng malas?" 

"Hindi ka dinidikitan ng malas, baka ikaw talaga yung malas." sabi ni Brix habang pinipigilan ang pagtawa kaya tiningnan ko siya ng masama. "Joke. Peace tayo." 

"Don't worry. I'll talk to Sorelle about this incident. Hm?" he ruffled my hair at nginitian ko na lang siya, assuring him.

We ate our lunch and waited for time to pass. We walked towards our room kasi malapit na rin naman magsimula yung klase. Karating namin, nagsi-upo ang iba sa amin at nagkwentuhan. Kinuha ko ang sketch pad ko at coloring materials kasi wala na akong magawa. 

Tumingin ako sa labas at nakita ko kung gaano kasikat ang araw ngayon kaya 'yun na lang ang napili kong idrawing. Science ang subject namin pero sige, arts muna tayo. 

Nagdrawing ako ng mga ilang minuto at nakalahati ko na ito ng biglang dumating ang prof namin kaya tinago ko muna tsaka inilabas ang notebook at syllabus ko. 

"Good morning class." bati nito kaya kanya kanya rin kaming bati sa kanya. "Graded recitation tayo ngayon."

Maririnig mo ang kanya-kanyang reklamo ng mga kaklase ko. 

"Wala naman kayong sinabi sir eh."

"Sir, walang ganyanan."

"Sana 'di ako matawag."

"Ako rin, baka wala akong masagot. Edi pati grade ko nun, wala rin."

"Don't you guys worry, madali lang naman yung topic." sabi pa nito pero syempre, hangga't hindi natin alam 'yang topic na tinutukoy ni sir, hindi tayo sure kung madali lang ba talaga.

"What are flowers?" turo niya kay Keanne, isa sa mga kaklase namin. Hybrid, half vampire, half werewolf. 

"Flowers is the reproductive structure found in flowering plants, sir?" sinenyasan ito ni sir na umupo. "Pick one of your classmates." sabi nito kay Keanne. 

Nilibot niya ang tingin sa buong klase at tinuro si Anastaciah. A demon, but a friendly one, I think?

"Stand up. Dictate the main parts of the flower." 

Nagpatuloy ang recitation hangga't sa natawag na ang kalahati ng classroom. Natawag lang, hindi nakasagot hehe. Hindi naman ako gaano kinakabahan dahil alam ko naman ang topic pero baka hindi ko alam ang itanong sa akin. 

"Miss Alders, stand up." kinakabahan man, tumayo pa rin ako. "State at least 10 of the most rare flowers found in the world." 

Nakahinga ako ng maluwag dahil alam ko ang mga sagot sa tanong ni sir. "Fire lily, juliet ro-" 

"Answer in a full sentence, also their botanical names." sabi nito habang inip na nakatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Scientific names? Papahirapan pa ako, tsk.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Daziel University: School for Mythical Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon