Kabanata 3

14 0 0
                                    

"Wag kang pupunta doon sa kakahuyan Flenity! mag-ingat ka sa dadaanan mo " Sabi ni inay. Patungo sana ako sa labas ng bahay para makipag-laro. Lumabas na ako ng bahay at nakipag-laro, Si inay ay nag dadalang tao ngayon kaya kailangan kong umuwi ng maaga para tulungan sya, nasasabik na akong isilang ang aking kapatid, sabi nya sa akin Isabel daw ang ipapangalan nya.

" Pweding sumali? " isang batang lalaki ang lumapit sa amin.

Biglang nagtakbuhan ang mga kalaro ko kaya naiwan nalang kami ng batang ito.

" Gusto mong mag laro? " " doon tayo sa kakahuyan " sabi nya sa akin , una nag alangan akong sumama sa kanya pero siguro di naman iyonmalalaman ni inay kaya isisikreto ko nalang, pumayag akong sumama sa kanya.

" taguan tayo " sabi ng batang lalaki. " teka anong pangalan mo? " " wag mo nang alamin, tara laro na tayo " tumango ako at nagsimula nang magtago dahil napagkasunduan naming sya ang taya. Nagtago ako sa ilalim ng puno. Sinilip ko kung nasaan sya pero wala sya sa paligid, umuwi na ba sya?May biglang yumakap sa akin patalikod. Paglingon ko nakita ko sya.

" bakit mo ako niyayakap? "tanong ko, hindi sya sumagot sa aking tanong.Tumingin ako sa ulap, pagabi narin pala kaylangan ko nang umuwi dahil baka hinahanap na ako ni Inay.

" bata, uuwi na ako, ikaw umuwi ka na rin " kumalas sya sa pagkaka yakap nya at tumango. Naglakad sya palayo, hindi ko pa pala natatanong ang pangalan nya. Tinawag ko sya, Ngunit ng humarap sya ay sumalubong sa akin ang madilim na aura na bumabalot sa kanya. sa kabila noon ay naglakas loob parin akong magtanong.

" hindi mo na kailangan malaman "" anong pangalan mo? " At naglakad na ulit sya, ang sungit naman nya, makauwi na nga rin.Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Umaga na pala, napanaginipan ko yung eksenangiyon, Yung batang lalaking nakalaro ko isang beses sa kakahuyan. Naalala ko si Lyndon, Nasaan na kaya siya?Nandito lang sya kagabi ah, Bumaba ako at nasalubong ko si Inay.

" may bisita ka anak, nasa sala "nakangiting pahayag ni Inay. " Sino po? " " yung gwapong binata kagabi, nariyan na rin si Mel sa baba, mukhang kilig na kilig pa sa bisita mo "

Tumango ako kay inay at dumiretso sa banyo at nag-ayos muna ng aking sarili. Nakakahiya naman kay Lyndon kung makikita nya akong bagong gising. Nandyan din pala si Melissa o Mel, ang pinsan ko, may kaya sila sa buhay kaya diko maintindihan kung bakit palagi syang nalalagi dito sa aming bahay. Pagkatapos kong mag-ayos ay pumunta na ako sa sala, doon ay nakita ko si Mel at Lyndon na masayang nag uusap. Nakaramdam ako ng inis at selos sa kanila. Hindi tama ito!

" oh Flenity! nandyan ka pala, tulog mantika ka talaga kahit kailan " natatawang ani ni Mel

" Good Morning Flenity " bati ni Lyndon kaya binati ko rin sya.                    

" ay sis, ang gwapo naman nitong kaibigan mo! nakakatuwa din sya ah! oo nga pala may dala akong almusal dyan, kumain kana! tapos na kami nila tita, ayaw naman ding kumain ni Lyndon "

" mamaya nalang ako kakain " sabi ko. Nilapitan ako ni Lyndon at umupo sa aking tabi. "ihahatid kita sa University mo " Nakangiting pahayag nya sa akin, tumango lang ako. "kumain ka naba? " tanong ko sa kanya.  " oo busog ako "

" Hay nako Flenity! Hindi pakumakain yang bisita mong gwapo, kanina pa namin yan pinipilit na kumain eh " Napatingin naman ako muli kay Lyndon.

Flenity's Forbidden DownFallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon