Untitled Part 7

4 0 0
                                    

“ Bagay sayo yang mga damit “ nakangiting bati ni Paul sa akin. Nginitian ko lamang sya bilang tugon sa kanyang sinabi. Anon a kayang nangyari kay Lyndon? Nasaan na kaya sya? Magdadalawang lingo narin na hindi sya nag-pakita at nagparamdam sa akin

“ Huy! Nakikinig ka bas a mga sinasabi ko? “ bahagyang pinitik ni Paul ang aking ilong

“ ah, pasensya na, ano nga pala yung sinasabi mo? “ tanong ko muli sa kanya.

“ Sus, mukhang malalim ata yang iniisip mo ha?, may problema ka ba? “ umiling ako bilang sagot.

“ sandali lang ah, bibili muna ako ng makakain natin “  tumango lang ako sa kanya.

Nag-ayos muna ako ng aking mga gamit habang hinihintay ko si Paul.

“ Flenity! Flenity! Nasaan yung lalaking gwapo na kasama mo minsan? “

“ hindi ko alam “ sagot ko, si Lyndon yung tinatanong nya. “ weh? Saan nga? “  pangungulit ni Maggie sa akin. Nagkibit-balikat lamang ako, kaya umalis na rin si Maggie dahil naramdaman nya atang hindi sya makaka kuha ng matinong sagot mula sa akin.

Biglang tumahimik ang mga tao sa Cafeteria, maya-maya pa ay nagsisitayuan na ang iba at nagsisimula nang magsi- labasan. Nakakapagtaka, ano kayang meron sa labas? Sinundan ko sila ng tingin. Biglang lumakas ang kabog ng akingt dibdib at ramdam na ramdam ko iyon. Tumayo ako at pumunta rin sa labas ng Cafeteria.

Laking gulat ko nang makita ko ang  grupo ng mga kalalakihan na sinusuntok ang isang lalaking walang ka laban laban. At mas lalong nakapag-taas ng aking balahibo ay nang Makita ng aking dalawang mata ang taong hinahanap-hanap ko , isa sya sa mga nambubugbog.

Hinawakan ni Lndon sa leeg ang walang kalaban laban na lalaki, napatakip ako sa aking bibig dahil sa aking pagka gulat.

Mas lalong nagkagulo ang mga tao sa paligid ng ihampas ng isa sa mga kasamang lalaki ni Lyndon ang silya sa likod ng lalaki na nagging dahilan ng tuluyang pagkawala ng malay nito. Awtomatikong nahawi ang daan at naglakad ang grupo nila Lyndon na parang walang nangyari. Nagkasalubong ang mga mata naming ni Lyndon ng malapit na ito sa pwesto ko. Buong akala ko yayakapin ako nito o lalapitan at sasabihing namiss nya ako, pero nadismaya ako ng lagpasan lamang nya ako na parang hindi nya ako nakita o hindi kilala. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib dahil sa inakto nya sa akin.

Gusto ko talagang malaman kung bakit  hindi ito nagpakita sa akin, sinundan ko si Lyndon. Nakarating ang grupo ni nila sa likod ng unibersidad malapit sa hardin na lagi kong pinaglilipasan ng oras. Naghintay nalang ako sa hardin.

Hinihintay kong lumabas sya doon sa silid na pinasukan nya. Determinado akong kausapin sya kahit hindi nya

ako pinansin kanina, inisip ko nalang nab aka hindi nya ako nakita o napansin. Narinig ko na ang tunog ng bell, hudyat na magsisimula na ang klase sa lahat ng antas ng unibersidad. Hindi ako nagpatinag , hindi nalang ako papasok sa unang klase ko sa hapon.

Mga isang oras at kalahati na rin akong naghihintay kay Lyndon ngunit hindi parin sila lumalabas hanggang ngayon.

“ Flenity! “ napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Maggie pala. “ Anong ginagawa mo dito? “ tanong nya sa akin. “ May hinihintay lang, ikaw? “ “ tinext kasi ako ni Lyndon na pumunta ditto, kinuha nya kasi yung number ko kanina! Kinikilig ako ng sko kanina! Kinikilig ako ng sobra Flenity! “ tumitiling kwento nya sa akin. “ t-talaga? “ nauutal na sagot ko, naiinis ako! Bakit si Maggie pinansin nya?! Ako hindi!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Flenity's Forbidden DownFallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon