Kabanata 2

5 0 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi, medyo madilim narin ang daan at sa oras na ito ay kakaunting tao o minsan eh halos wala nang taong dumaraan dito. Tahimik kong binabaybay ang daanng makarinig ako ng mga kaluskos, Napahinto ako at nagmasid sa aking paligid sa panahon talaga ngayon marami nang masasamang tao

Nang nawala ang mga kaluskos ay nagpatuloy muli ako sa aking pag-lalakad. May nakita ako na grupo ng mga kalalakihan sa di kalayuan nakaramdam ako ng takot kaya naisipan kong tumakbo ngunit laking gulat ko ng hagipin ng isa sa mga lalaki ang aking braso nang sila ay aking nadaanan.

" at saan ka pupunta? magandang binibini? "

" b-bitiwan mo ako!" sigaw ko ngunit nag tawanan lamang sila na parang walang narinig.

"mabango ka, batang-bata" "b-bitiwan mo ako!" buong lakas kong sinipa ang may hawak sa akintatakbo na sana ako ngunit nahawakan muli ako ng isa pa.

" papalag ka pa!" bigla nya akong sinikmuraan, napa-upo na ako sa sakitnapapikit nalang ako at naghintay ng susunod na mangyayari.

" Wala kayong karapatang hawakan ang babaeng yan! " napamulat ako nang marinig ko ang sigaw na iyon.

" at sino ka namang pakielamero ka! " " ako ang itinakda para sa dalagang iyan "

Ang lalaking iyon, bakit? namumula ang kanyang mga mata at bakas ang galit doon. Hinawakan nya sa leeg ang dalawang lalaki at itinaas sa ere ng sabay. Paano nya iyon nagagawa? sa isang iglap lang at nawalan ng malay ang mga ito.

" Are you ok? " tanong sa akin ng lalaking nag ligtas sa kin, si Lyndon.

" pa-paano mo nalaman na nandito ako? p-paano mo nagawa iyon? "

" Just what i"ve said earlier, i am your destiny " " anong ibig mong sabihin? " Sa halip na sagutin ang akis tanong ay niyakap nya ako.

" I don't want you to get hurt flenity " Kinilabutan ako sa sinabi nya.

" let's go, ihahatid na kita sa inyo " Madilim na rin pala, hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa lalaking ito.Tumango ako at nagsimula nang mag-lakad kasama sya.

" Hija, papasukin mo muna aiyang kasama mo " sabi ni Inay sa akin ng makarating kami sa bahay.

" pasok ka daw muna Lyndon " nginitian nya ako at tumango. Nang makapasok nakami ay naghanda ako ng pweding ipa merienda sa aming bisita. Naririnig ko ang mumunting tawanan nila inay, Lyndon, at Isabel. Sa tingin ko ay napapalagay na rin ang loob ng aking pamilya kay Lyndon tulad ng aking nararamdaman. Hindi ko

Flenity’s Forbidden Downfall                         Pauline Cubinar (4)

alam kung bakit gusto kong makasama ang lalaking iyon.kahit na ngayon palang kami nagkita. Siguro dahil na rin sa positibong aura na bumabalot sa kanyang katauhan.

" Pag pasensyahan mo na itong merienda, wala pa kasi akong sahod " Ngumiti at tumungo lamang sya. Nilapitan ako ng aking bunsong kapatid na si Isabel at saka niyakap.Napangiti ako sa kanyang ginawa.

" Hijo, ilang taon ka na? " tanong ni Inay Natigilan si Lyndon na parang nag-iisip, hindi nya alam kung ilang taon na sya? " twenty five po " " kay kisig na bata, ikaw ba ay nanliligaw sa aking anak? "" hin-- "

" ako po ang itinakda para sa inyong anak "Natigilan ako sa isinagot nya. napatingin ako sa gawi nila inay, halatang nagulat din sila sa isinagot ni Lyndon.

Nakahiga ako sa aking kama at handa nang matulog ng makaramdam muli ako ng lamig.Napatingin muli ako sa bintana at laking gulat ko ng nakita kong nakabukas muli ito.Naglakad ako papunta doon, tiningnan ko muna angbuwan, napaka ganda nito, bilog na bilog at sobrang liwanag.Napangiti ako ng mapait, naalala ko ang aking ama, nasaan na kaya siya? " anong iniisip mo? "

Napalingon ako sa likod ko at laking gulat ko ng makita ko si Lyndon sa aking likuran. Nakaramdam ako ng pinag-halong takot at saya.

" a-anong ginagawa mo dito? p-paano kanakapasok " ngumiti lang sya at lumapit sa akin, bahagya akong napa-atras." napaka ganda mo talaga Flenity "

Hindi ako makapag salita at na estatwa habang nakatitig lamang sa kanyang mga mata. Unti-unti nyang nilalapit ang kanyang mukha, mas lalo kong natititigan ang magagandang mga mata nya. Napaka perpekto ng bawat bahagi ng mukha nya. Sa pagpikit ng aking mata ay naramdaman ko ang labi nya sa labi ko. Nagtagal ng ilang segundo ang pinagsaluhan naming halik, alam kong mali pero nagawa ko iyong tugunin. matapos niyon ay muli akong tumingin sakanya at nginitian nya ako.

" Pwedi bang dito muna ako? " Walang kamalay-malay na tumango ako sa kanya.

" may ibibigay ako sa yo" Nilabas nya ang isang kwintas na kinuha nya mula sa kanyang bulsa.May maliliit na dyamante ito at talagang napaka gandang tignan.Isinuot nya ito sa akin at hinalikan ako sa noo ko.

" hindi mo ba ako naaalala? Flenity? " Umiling ako bilang sagot ko, nakita ko ang pagka dismaya sa mukha nya sa naging sagot ko." salamat sa kwintas, pero bakit mo sa akin ito ibinigay? "

" Nothing, i just want you to have it " nakangiting sagot nya.

" alam mo bang gustong-gusto ka nila Inay at Isabel, gusto nilang padalawin ka muli dito sa bahay "

" talaga? wag kang mag-alala, dadalawin at ihahatid kita lagi " nakangiting sagot nya. " gabi na Lyndon, hindi ka pa ba uuwi? "

" pumunta ako dito para bantayan ka, kaya dito muna ako ngayong gabi "

Nakaramdam na ako ng antok kaya humiga na ako sa papag, tumabi sa akin si Lyndon, Kusang napayakap ako sa kanya. Nag-angat ako ng tingin at nasilayan ko muli ang magagandang ngiti sakanyang labi.

Flenity’s Forbidden Downfall                         Pauline Cubinar (5)

" Hindi mo ba talaga ako na-aalala? " muling tanong nya. Umiling ako muli, hindi ko naman talaga sya kilala pero magaan ang loob ko sakanya.

" Matulog ka na Flenity, pagka gising mo, sinisigurado kong kilala mo na ako " Pahayag nya at kusang sumara na ang aking mga mata.

Flenity's Forbidden DownFallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon