Kabanata 4

3 0 0
                                    

Kasalukuyang nandito ako sa bahay nila Paul. Grabi ang yaman nya talaga. " Nagustuhan mo ba yung mga pasalubong ko sa iyo? " Nakangiting tanong nya.

" Oo naman noh! Ang gaganda kaya nito, salamat ah! " " May chocolate din dyan "

" Anong oras na ba Shawn? " Tanong ko " Alas otso na ng gabi, why? "

" Nako, uuwi na ako baka hinahanap na ako nila Inay " nagmamadaling sabi ko.

Nako baka pagalitan ako ni Inay! ginabi na ako. Naaliw kasi ako sa pag tingin ng mga binili ni Paul na pasalubong para sa akin.

" Sandali lang Flenity! may ibibigay ako sayo " Marahang napalingon ako sa kanya. May nilabas syang box na mahaba at maliit.

" para sayo " nilabas nya ang napaka gandang kwintas na puno ng dyamante. Mukhang mamahalin ito at sobrang ganda. May malaki ito dyamante sa gitna na parang binigay sa akin ni Lyndon kaso ang kinaibahan lang ay mas simple at mas maganda yung bigay sa akin ni Lyndon.

Bigla kong na-alala si Lyndon! May usapan nga pala kami na ihahatid nya ako ngayon. Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay nila Paul, hindi na ako nag-abalang magpaalam pa sa kanya.

Agad akong pumunta sa unibersidad dahil medyo malapit lang din ito sa bahay nila Paul at pweding lakarin. Nakokonsensya ako, nagbabasakali ako kung narito pa si Lyndon. Pumunta ako san room kung saan ang huli kong klase kanina, at laking gulat ko nang makita ko si Lyndon na naka upo doon at nakatungo. Nakokonsensya ako, ilang oras kaya sya nag hintay? Baka magalit sya sa akin.

" Lyndon " Dahan-dahan kong bigkas sa pangalan nya. Mukhang tulog na sya kaya nilapitan ko sya. Kitang-kita ko ang mukha nya dahil sa liwanag na nang gagaling sa buwan kahit madilim. Hinaplos ko yung pisngi nya, gumalaw sya ng bahagya at nagising ko ata.

" Flenity? " Taong nya, ngumiti ako " Ikaw nga! I thought you're not going back! Im sorry im late kanina. I thought they take you away from me or nagalit ka sa akin kasi natagalan ako ng konti, Im sorry di ko naagahan kanina tinapos ko kasi yung paper works na inassign sa akin ng prof ko, Buti bumalik ka " Nag-aalalang sabi nya at niyakap ako ng mahigpit.

" Wag kang mag-sorry Lyndon, Kasalaan ko, ako yung umalis " " Sorry Flenity, promise me, hindi ka na ulit mawawala "

" Pangako " sabi ko. Niyakap nya ako ulit at hinalikan sa aking noo. " Hindi ka nila pweding ilayo sa akin "

Kasalukuyang naglalakad kami niLyndon pauwi, hawak-hawak nya ang kamay ko, kinikilig ako. Napaka swerte nang magiging asawa nya, Sobrang bait nya at maalaga. Madilim ang daan pero alam kong ligtas ako. Dahil nandito sya sa tabi ko.

" Young majesty " kinilabutan ako sa boses na narinig ko. Napahinto kami i Lyndon sa paglalakad. Ramdam ko rin  ang higpit nang hawak nya sa aking kamay.

" What? " malamig na sagot ni Lyndon sa nagsalita kahit hindi nya ito nililingon.

" Pinapasundo na po kayo ng lola mo " " No, just leave, " malamig na sagot muli ni Lyndon at parang galit na.

" Wag na po matigas ang ulo youn majesty, magagalit ang lola mo sa inyo " Sa amin? kasama ako?

"Wait a minute Flenity, kakausapin ko lang sya " bulong sa akin ni Lyndon. Tumango ako.

Maya-maya ay inaya nya muli akong maglakad. Nang makarating kami sa bahay ay inaya ko syang pumasok ngunit tumanggi sya at nag-paalam nang umalis. Pumayag ako, bakit ayaw sumama ni Lyndon sa lalaking iyon? Ka ano-ano nya ba iyon?

" Ate, hinatid ka ni kuya Lyndon? " tanong ni Isabel sa aki.

" oo " sabi ko at hialikan sya sa kanyang pisngi.

" Gusto ko sya para sa iyo ate " Nagulat ako sa sinabi nya pero napangiti din ako. Lyndon! Gusto ka nang pamilya ko kahit ngayon ka palang nila nakilala. Natatawa ako sa iniisip ko.

Naglalakad ako papunta sa university na aking pinapasukan, nagtataka ako kung bakit walang Lyndon ang nagpakita sa akin ngayong umaga. Baka may importante syang dapat gawin.

" Flenity! " agad akong lumingon baka si Lyndon yung tumawag pero mali ako, si Paul pala.

" ikaw pala Paul " malumanay na sagot ko. " The one and only, bakit may inaasahan ka pa bang iba? " Tanong nya. umiling ako bilang sagot. " nga pala, yung mga pasalubong ko, naiwan mo kagabi! nagmamadali ka kasing umalis eh, di mo po nga ako pinansin " nagtatampong sabi nya. " Sorry Paul, may importante kasi akong kailangang gawin kagabi "

" ah ganoon ba " Naglakad kami ni Shawn ng sabay, nang makarating na kami sa tapat ng building ko ay nagpa alam na ako.Dumiretso ako sa unang klase ko, Iniisip ko pa rin si Lyndon habang nagkaklase kami.

Maraming tanong sa aking isipan, may kinalaman kaya ang lalaki kagabi kaya hindi sya nakapasok ngayon? Akala ko ba dito sa sya papasok sa university? Napahawak ako sa kwintas na bigay nya sa akin, tulad ng pangako ko isusuot ko ito palagi at hindi huhubarin kung hindi kinakailangan.

Flenity's Forbidden DownFallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon