Chapter 14: The Mysterious Happening

75 1 0
                                    

Tyler Pov;

Ano na naman kayang kaguluhan na nagaganap don? At bakit kami laging inaambush. My natapakan kaya kaming tao na wala kaming kamalay malay? Tsss! Kahit ano pa man 'yan. Wala kaming pakealam kung meron nga! At tiyak na matatapos ang kaniyang buhay. Papunta na nga pala ko sa kanila. Binibilisan ko na rin ang pagddrive ko. Baka mapano na sila don. Pano ba kaya sila naambush na hindi sila nakalaban agad? Eh ang lalakas naman kami saka wala pang nakakatalo samin.

Nipreno ko na agad agad yung kotse ko. Kahit saan saan ko na lang ipark 'tong kotse ko. Agad agad na kong tumakbo papunta sa kasamahan ko.

Pagpasok ko dito sa warehouse. Ow?

Unang unang bumungad sakin ang mga nakatambak na mga kahon kahon kanina na ngayo'y ay kalat kalat na. Halos lahat ay parang dinaanan ng ilan ilang bagyo dito. Hinahanap ko mga kasamahan ko. Medyo may kalakihan din kasi 'tong tambayan namin. Pero parang magddecide na ko na lumipat na lang ng hangout namin. Mukhang dami na din kasing nakakaalam.

Ayun! Nakita ko na din sila. Puro may pasa sila sa mga mukha nila. Tumakbo na ko papunta sa kanila.

"Uy! Ano? Okay lang ba kayo?" Tanong ko kahit obvious naman na hindi sila okay. -_-

"Sa tingin mo kaya okay kami sa lagay na 'to? Tsss!" Pagsusungit na naman ni Zac.

"E pano ba kasi kayo inambush?"

                                                                   ~ ~  ~ FlashBack ~ ~ ~

Zac Pov;

Hays salamat. Nandito na rin kami sa hangout namin. Galing kasi kami kung saan saan ih!

Pag bukas namin ng gate. Parang may kutob na kaming naramdaman. Hindi ko alam kung ako lang ba ang may kutob kasi ung mga kasama ko para wala naman silang ibang nararamdaman eh! Ang mamanhid talaga nga mga 'to e! Dahil sa wala din silang nakutuban, binalewala ko na lang kung ano masamang nararamdaman ko dito sa lugar namin, so humiga na lang ako dito habang sila naghaharutan. Para talaga silang mga bata eh!

Nang may narinig kaming sounds galing sa gate namin?

"Oh! Ehem! Mukhang nagkakasiyahan ang mga tao dito ah! Sali naman kami diyan."

Napatingin kaming lahat sa nagsalita na 'yon. Ang lakas ng loob na kausapin kami ng ganyan eh! Napatayo na rin ako sa kinahihigaan ko. Tsss! Asusual.. Tinakpan na naman ung mga mukha para d na namin ulit sila mamukhaan... Buset ah! Hindi ako papayag na hindi ko makita kung sino ang nasa likod ng maskara na 'yan. And may hawak hawak sila ng pampalo.. Yung pang baseball bat ba... Tsss!!!

"Pwede ba! Alisin niyo nga yang mga maskara niyo!" Sambit ko naman.

"May karapatan ka bang utusan kami ng ganyan? Ang lakas din ng,..." Hindi ko na siya pinatapos nagsalita na agad ako... Ginagalit ako ng mga 'to eh!

"Ang lakas din ng loob niyo na pumasok dito sa teritorya namin... Wala naman kayong permission ah!"

"Sa ngayon, wala pa. Mapapasamin pa lang NGAYON.... NGAYON NA GUYS!!!"

"Aaahhh!!! Ughhh!!!" Hindi ko akalain na marami pala sila. Dalawa lang yung tauhan niya kanina eh! Nasuntok ako sa tiyan kaya hindi ako makagalaw.. Yung.. Yung mga kaibigan ko.. Teka.! Papaluin sila nung hawak hawak nung sila.... Tumakbo ako ng mabilis... Hindi ko hahayaan na masaktan sila ni sino man.. Ako ang leader ng grupong ito. Kaya hindi ko hahayaan na mapahamak ng dahil lang sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Powerful Gangster and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon