Tahimik na nagmuni-muni si Marga nang gabing iyon, nakaupo lamang sya sa pintuan ng bahay nina Jung Jung at Jung Sik, nakatingin sa bilugan at maliwanag na buwan.Naalala n'ya ang mga sinabi ng binatang maharlika kanina.
"Masaya ka na? Gusto mong makaganti sa aming magkapatid, nagawa mo na. Masaya ka na? Kung masaya kang nagpapahirap ka ng tao, bakit hindi ka na lang umuwi sa kung saang lupalop ka nanggaling at 'wag na 'wag ka nang babalik sa lupain namin."
Aminado s'ya, nasaktan s'ya sa mga sinabi nito.
Pakiramdam n'ya 'yung mga bashed n'ya sa social media ang nagsabi nuon.
"Bakit? Ginusto ko bang mapunta dito? Wala rin naman akong choice."
Ang bigkas n'ya sa sarili.
"Kung makapagsalita-
"Binibini?"
"Ay, palakang nakabukaka!"
Napabulalas s'ya sa gulat nang biglang may tumawag sa kan'ya na nasa tabi n'ya na pala.
Nakangiti ito.
"Jung Sik. Alodia??? Ikaw 'yan, 'noh?"
Anya rito, sa pag-aakalang si Alodia ito na nag-anyong si Ginoong Jung Sik, kagaya nung nakaraan.
"A-alodia? Sino?"
Inosenteng tanong nito.
Napabuntong-hininga si Marga nang mapagtantong hindi ito si Alodia, kundi si ginoong Jung Sik talaga.
"Ano'ng kailangan mo?"
Inis n'yang tanong dito.
"Tsaa,"
Anito, na inilapag sa harap n'ya ang tasa ng tsaa na dala nito.
"Pansin kong malalim ang iniisip mo. Makakatulong ito sa'yo na kumalma."
Tinitigan n'ya ang tsaa, subalit hindi n'ya ito sinimsim.
Pagkaraka'y muli n'yang itinaas ang tingin sa buwan.
"'Yung batang mahilig sa pinatuyong isda,"
Sabi n'ya kay ginoong Jung-Sik, na animo'y handang magkwento.
"Ang prinse-...... Si So-Bong? Ano'ng tungkol sa kan'ya?"
Ani Jung-Sik.
"Nawalan s'ya ng malay dahil sa'kin."
Sa pagkabigla ay napamulagat si Jung Sik at napatakip pa ang kamay sa bibig.
"Ang prinse-.... Si So-Bong???!"
Napabulalas ito.
"Intensyon ko lang namang tulungan s'ya. Napasama nga lang. Malay ko bang magkakaganon."
Depensang wika ni Marga.
"Mapaparusahan ka ba uli? Sa pagkakataong ito mas malala. Baka kamatayan."
Ani Jung-Sik, na napapamulagat pa rin.
Si Marga naman ang tila nagulat sa narinig.
"Kamatayan?"
BINABASA MO ANG
Kiss in Barrier
RomantizmPrologue: Si Marga. Maganda. Mayaman. Walang kaibigan, dahil sa pagiging istrikta, mataray at masungit na anak ng Presidente ng Pilipinas. Subalit paano kung isang araw ay turuan sya ng tadhana kung paano umibig? Pa...