(Philippines, Recent Time)Ginanap ang isang Press Conference sa Malacañang Palace. Nakaabang ang media sa Press Con na iyon ng Pangulo.
Patungkol iyon sa road accident na kinasangkutan ng kaniyang anak.
Mababanaag ang labis na kalungkutan at pamumugto ng mga mata ng Pangulo.
"Once and for all, ano po ba talaga ang totoong nangyari? Nasaan ang bangkay ng anak nyo?"
"May bangkay nga ba? Bakit may mga ispekulasyon na wala si Margaret sa loob ng sasakyan the very moment na sumabog ito?"
Anang mediamen.
Matamang nakikinig ang mga ito nang itapat na ng Pangulo ang lapel at humandang magsalita.
"Bilang ama gusto kong maniwalang buhay ang aking anak. Nagpapasalamat ako na sa paunang imbestigasyon ay may indikasyong nakalabas s'ya ng sasakyan bago pa ito sumabog."
Anang Pangulo.
"Paano mangyayari 'yon? Samantalang sa mga leaked video ay nakikitang masyadong mabilis ang pangyayari at walang pagkakataon para makalabas agad s'ya."
"Nang sumalpok ang sasakyan nandun sya sa loob, pag-landing bigla syang nawala?"
"Ang bagay din na 'yan ang ipinagtataka ko,"
Anang Pangulo.
"As days past, hindi ko pa rin lubos na nauunawaan ang mga nangyari. Isa lang ang alam ko, nawawala si Margaret."
Maririnig ang malakas na bulung-bulungan.
Nagkanya-kanyang kuru-kuro ang mga nakarinig.
Si Tina nga matapos mapanood sa TV ang press con ay nagkaroon din ng sariling teorya.
"Jusko, ano kayang nangyari? Baka naman palabas lang 'to ni miss Marga?"
Anya sa sarili.
"Bakit n'ya naman yun gagawin? Nasa'n na kaya s'ya?"
******************************
******************************"Handa ka na?"
Halos pabulong na tanong ni Prinsepe Lee Sun (Dong-Sun sa ibang katawagan) sa kapatid n'yang prinsesa.
May usapan kasi silang magkapatid na takasan ang kani-kanilang nga tagapaglingkod upang makapagliwaliw sila sa labas ng palasyo.
Tumango ang batang prinsesa bilang pagtugon.
Saka n'ya ito sinenyasan na sumunod sa kaniya papunta sa lihim nilang lagusan.
Ilang sandali pa ay tuluyan na silang nakalabas ng palasyo.
Saka sila nagliwaliw at nagtungo sa pamilihan.
"Ang saraaaaaappp....
Anang bata na masayang-masayang naglalakad.
"Ang sarap sa pakiramdam na muli akong nakalabas sa palasyo, kuya. Nung nasa Qing ka lagi lang akong nakakulong sa silid ko."
"Tapos antagal mo pang bumalik."
"'Wag ka nang magtampo, ito ipinasyal na nga kita. At higit sa lahat,
"Walang mga bantay."
BINABASA MO ANG
Kiss in Barrier
RomancePrologue: Si Marga. Maganda. Mayaman. Walang kaibigan, dahil sa pagiging istrikta, mataray at masungit na anak ng Presidente ng Pilipinas. Subalit paano kung isang araw ay turuan sya ng tadhana kung paano umibig? Pa...