Inihatid na ni Yeo San ang munting prinsesa sa silid nito, na bitbit ang lungkot ng ilagtabuyan ito ng ina.
"Sige na tiya," anang bata. Salamat sa pagsama mo sakin."
Ngumiti sya sa bata.
Saka ito pumasok na sa silid.
Namataan nyang dumarating ang Prinsepe.
"Pinagtabuyan na naman ba sya ng kanyang ina?," tanong ng Prinsepe.
"O-oo, Mahal na Prinsepe," anya sabay yukod rito.
Ipinagpatuloy nila ang usapan habang naglalakad.
"Kumportable ka na ba rito?," anang Prinsepe.
" Pinipilit kong masanay rito sa palasyo," anya. Ang totoo ay sinusunod ko lamang ang aking amain."
"Ang palasyo ay maitutulad sa isang matarik na bangin," anang Prinsepe. Isang maling hakbang tiyak mahuhulog ka."
Matamang pinakinggan nya ang sinasabi nito.
"Sabi mo sinusunod mo lamang ang iyong amain," patuloy pa nito. Pero ikaw pa rin ang gagawa ng kinabukasan mo."
"Kung ipagpapatuloy mo, nasa sayo yan. Kung hindi rin bukal sa loob mo ang maging kabiyak ko at maging Reyna, wag mong ituloy."
Pinakatitigan nya ang Prinsepe.
" Sinasabi ko to sayo hindi dahil sa inaayawan kita. Pero naniniwala ako na hindi kailanman magbubunga ng mabuti ang pag-ibig na ipinipilit."
Hindi man halata ay nalungkot sya sa tinuran ng Prinsepe.
"Yan din ang paniniwala ko, kamahalan," anya.
Sa di-kalayuan ay nakatanaw sa dalawa ang magkapatid na ministro at Punong ministro Jang.
"Nag-uusap na silang dalawa," wika ni Moo-Sin sa nakatatandang kapatid. Sa palagay mo ba ay nagkakalapit na sila?"
"Gaya ng sinabi ko na, wag tayong pakakampante sa Prinsepe," ani Moo-Gang. Nakita mo na ang ginawa nyang panlilinlang sa kinatawan ng Qing."
Tumango-tango si Moo-Sin sa tinuran ng nakatatandang kapatid.
Nakatanggap ng parusa si Yeo San mula kay Lady Jang.
Makailang ulit sya nitong hinataw ng patpat sa mga binti.
"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?"
Natigil lamang iyon ng dumating ang punong ministro.
"Wag kang makialam rito, ama," ani lady Jang. Tinuturuan ko lamang ng leksyon itong ampon mo."
"Ampon? Sya ang magiging susunod na Reyna," asik ng Punong ministro. Itigil mo, nakikita ka ng mga tao."
"Susunod na Reyna?," galit na anas ni Lady Jang. Ako ang magiging susunod na Reyna."
"Hee Bin!"
Lalong umasik ang punong ministro, saka inalalayan ang anak-anakan.
"Lumabas ka na,"
Mangiyak-ngiyak na tumango si Yeo San.
"Bago ka umalis," pahabol ni Lady Jang. Ipapaintindi ko lang sayo na itigil mo ang pagiging mapapel at wag na wag kang hihingi ng simpatya sa mga tao. At pwede ba itigil mo ang pagiging malapit kay So Bong, naiirita akong tingnan kayong dalawa."g
"O-oo, ate," ani Yeo San.
Saka ito tuluyang lumabas na ng silid na yon.
Sa labas ay tuluyan na syang naiyak.
Naalala nya ang winika ng Prinsepe sa kanya.
'Kung ipagpapatuloy mo, nasa sayo yon. Kung hindi rin bukal sa loob mo ang maging kabiyak ko at maging Reyna, wag mong ituloy.'
"Dalawang araw na lang,"
Ito ang nasasabi ni Marga sa sarili ng maalalang malapit na ang araw na makakabalik sya sa kanyang pinanggalingan.
(Kasalukuyang nilalatag nya ang mga panindang pinatuyong isda)
"Ji Won,"
Malamyos at pamilyar na tinig ang narinig nyang tumawag sa kanya.
Si Hukom Sang Wang-Rin.
"Magaling ka na agad?," anya rito.
Ngumiti ito at saka pagkaraka'y niyakap sya.
Nabigla sya at nailang. Maging si Jung Sik at mga ibang maninindang naroroon ay nailang din. Maging si Yoo-Reum na kasama nitong dumating ay nailang din.
Agad nyang inalis ang pagkakayakap nito. Maging ang lalaki ay tila nabigla din sa ginawa nito.
"A-ano bang ginagawa mo?," anya.
"Pasensya ka na," anito. Namumula ang pisngi nito. Natuwa lang ako ng makita ka."
Iniwasan nya ito ng tingin, naiilang pa rin kasi sya sa ginawa nitong pagyakap.
"Nga pala," patuloy pa nito, sa pagkakataong iyon ay nakangiti na ito. Maraming salamat, sabi sakin sinubukan mo raw akong tulungan. Malaking tulong sakin yon."
"W-wala naman akong ginawa ah," anya.
"Oo nga, ako kaya tong tumulong at nalagay sa panganib," bulong ni Yoo-Reum subalit dinig naman.
"Ah, syempre maraming salamat rin kay Yoo Reum, hindi biro ang ginawa nya," ani Wang Rin. Pero masaya ko na sinubukan mo raw akong tulungan."
Muli ay iniwasan nya ito ng tingin.
"Ji Won," muling anas nito.
Kaya napatingin sya muli rito.
"Pwede ba kitang imbitahin bukas ng gabi?"
"Ano?," anya.
Napangiti si Jung Sik na nasa tabi lang, tila kinilig sa kanilang dalawa.
"Imbitahin na ano?," ani Ji Won.
"Na lumabas," anang binata. Ah, bukas ay pista ng pailaw. Ginaganap ito taon-taon at sinasamantala ng mga binata at dalaga iyon para makapagliwaliw at magsaya."
'Binata at dalaga?'
Ani Ji Won sa sarili.
'Parang date ganon,'
"Maaari ba?"
Matamis ang ngiti ng binata.
Dahilan para mailang sya lalo.
Umiling sya.
"Hindi ako makakapunta," tanggi nya. May gagawin ako bukas at wala naman akong masusuot."
"Hindi problema iyon," anang binata. Saka bumaling kay Yoo-Reum at sinenyasan ito.
Lumapit naman ito kay Ji Won at may iniabot rito.
"Ibinili ka ng ginoo ng kasuotan," ani Yoo Reum.
Subalit hindi nya iyon tinanggap.
"Magagawan ko ng paraan ang kasuotan kung talagang gugustuhin ko," anya rito. Pero katulad ng sinabi ko hindi ako makakapunta."
"Ganun ba," ani Wang Rin na bakas ang bahagyang kalungkutan. Iiwan ko na lang ito kay Ginoong Jung Sik, para sakaling magbago ang isip mo."
"Ah, sige ginoo," nakangiting wika naman ni Jung Sik. Malay naman natin magbago ang isip nya."
Bumuntung-hinga na lamang si Ji Won sa tinuran nito. Ang binata naman ay napangiti na lamang at saka umalis na.
Sa kanilang paglalakad ay napalingon si Yoo-Reum sa kasuotang ibinigay nila kay Ji Won.
Naalala nya kasi ng utusan sya ni Wang Rin na bilhin ito sa pamilihan ay pasikretong sinukat nya muna iyon sa sarili.
Nangingiti pa sya habang minamasdan sa salamin ang sarili habang suot ang kulay rosas (pink) na sedang kasuotan.
Napapabuntung-hininga na lamang sya habang naaalala iyon.
BINABASA MO ANG
Kiss in Barrier
RomancePrologue: Si Marga. Maganda. Mayaman. Walang kaibigan, dahil sa pagiging istrikta, mataray at masungit na anak ng Presidente ng Pilipinas. Subalit paano kung isang araw ay turuan sya ng tadhana kung paano umibig? Pa...
