(Philippines, Recent Time)
Namataan ni Tina na hawak ng kapatid ang sign pen na bigay sa kanya ni Marga bago ito mawala.
Pahablot na kinuha nya ito sa kamay ng kapatid.
"Wag mo ngang pinapakialaman to,"
"Damot mo naman,"
"Maghanap ka na lang ng ibang magagamit," anya pa. Bigay to ni Marga."
"Sabi mo salbahe sya,"
"Salbahe nga,"
Anya. Pagkaraka'y natigilan sya.
"Pero, may soft spot naman sya kahit papano."
Napahikbi sya.
"Nami-miss ko na sya, alam mo ba? Nami-miss ko na yung pagtataray nya, paninigaw nya. Nasan na ba kasi sya?"(Joseon Time)
Kalaliman ng gabi ay kinaladkad ng mga kawal si Wang-Rin at pinahirapan.
Tuwang-tuwa si Ministro Jang Moo Sin habang pinagmamasdang pinahihirapan sya.
"Hindi ka pa rin ba magsasalita?," ang pang-uuyam na tanong nito kay Wang Rin. Saan umuuwi yung 'Gisaeng' na yon? Hinalughog ng mga tauhan ko ang bahay-aliwan subalit wala sya roon."
"Patayin nyo na lang ako, ngayon na," nagpupuyos na wika ni Wang-Rin.
"Wag kang magmadali," nakangising wika nito. Uunahin namin ang kaisa-isa mong anak, sa sandaling mahanap sila."
"Ministro," lalong nagpupuyos na anas ni Wang Rin.
"Lalo tuloy akong nasasabik na mapasaamin ang babaeng pinoprotektahan ninyo ng Prinsepe. Hindi ka na sana nahihirapan ng ganyan kung binigay nyo na sya samin."
At nagpatuloy ang pagpapahirap kay Wang Rin.Na nakarating sa kaalaman ng Prinsepe.
Kaya agad syang nagtungo sa silid ng kanyang amang Hari.
"Hindi makatarungan ang ginagawang pagpapahirap kay Wang Rin, ama," anya rito.
Pagkawika lumuhod sya sa harapan ng ama.
"Nakikiusap ako, ama," pagmamakaawa nya. Ipag-utos nyo na palayain na si Wang Rin."
Tila kinurot ang puso ng Hari sa pagmamakaawa ng anak. Subalit nilihis nya ang tingin rito.
"Ang bagay na yan ay ipinaubaya ko na sa Punong ministro," anang Hari.
"Subalit kung ipag-uutos mo ay wala silang magagawa kundi sumunod," anang Prinsepe. Hindi ba't parang anak na rin ang turing mo sa kanya? Anak sya ng matalik mong kaibigan."
"Kung manghihimasok ako, ikaw naman ang sasalingin nila," wika nito. Hindi ko ikinatutuwa ang ginagawa nilang ito kay Rin, subalit mas ayaw kong ikaw ang galawin nila."
Pagkaraka'y tumayo ang Prinsepe at matamang tinitigan ang ama.
"Kung ganon," anya. Ipangako mo sakin na kapag kumilos ako ay hindi ka manghihimasok."
"Lee-Sun,"
"Hindi ako tutulad sayo, ama," anya rito. Na sunud-sunuran at laging natatakot."
Iyon lamang at tinalikuran nya na ang ama at umalis.
Paglabas nya ng silid nito ay nakasalubong nya naman si ministro Jang Moo-Sin na may nakakalokong ngiti.
"Gusto kitang patayin ngayon," nagpupuyos na wika nya rito. Pero dahil ayokong mas palalain ang sitwasyon, saka ko na lang gagawin yon."
Natawa ng malakas ang ministro.
"Kamahalan, kamahalan, kamahalan," nakakalokong wika nito. Imbes na magngitngit ka, bakit hindi mo na lang tingnan ang kalagayan ng mahal mong kaibigan?"
Nagkuyom ang mga kamao nya at pagkaraka'y sinuntok sa panga ang ministro, dahilan upang mapatimbuwal ito. Nasalo lamang ito ng kasama nito kaya hindi tuluyang bumagsak.
Subalit nakangisi pa rin itong humarap sa Prinsepe.
Saka nya ito iniwan na at nagtungo sa piitan kung saan naroroon si Wang Rin.Kalunos-lunos ang sitwasyon ng kaibigan ng puntahan ito ng Prinsepe.
Sugatan, nanghihina.
"Rin,"
Naaawang anas ng Prinsepe
"Mahal na Prinsepe," nangangatal ang tinig nito.
"Wag ka ng magsalita," anang Prinsepe. Ipunin mo ang lakas mo. Malapit ka ng makalaya."
"Anong ibig mong sabihin?," tanong nito. Wag mong sabihing ibibigay mo sa kanila si Ji Won."
Hindi sya sumagot.
"Nakikiusap ako, wag mong gagawin yan, Mahal na Prinsepe."
Hindi nya ito muling sinagot, bagkus ay buong loob na iniwan nya na ito.
"Mahal na Prinsepe,pakiusap, wag mo syang ibibigay. Pakiusap."
Paulit-ulit na bulalas ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
Kiss in Barrier
RomancePrologue: Si Marga. Maganda. Mayaman. Walang kaibigan, dahil sa pagiging istrikta, mataray at masungit na anak ng Presidente ng Pilipinas. Subalit paano kung isang araw ay turuan sya ng tadhana kung paano umibig? Pa...