(Prince Dong-Sun's POV)'Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na sinabi nang pasaway na babaeng ito.
Nakakainis! Tinawag n'ya na naman akong bakla.
"P-prinsepeng b-bakla? Tinawag mo bang bakla ang Prinsepe?."
Tanong ko sa babaeng nasa aking harapan, na ni hindi ko alam hanggang ngayon ang pangalan.
"'Yun ang usap-usapan, hindi ba? Bakla ang Prinsepe n'yo at karelasyon n'ya si Hukom Sang."
Wika nito sa akin.
Talaga namang naiinis na 'ko.
Asar na asar ako sa sinasabi ng babaeng ito.
Di ko namalayang kusang humahakbang ang mga paa ko palapit sa kan'ya.
Palapit ng palapit.
"Ikaw, babaeng walang pangalan-
"May pangalan ako, 'no?"
"Ano?"
"Marga."
"Mal-Ga?"
Mal-Ga? Ano'ng klaseng pangalang 'yon?
"Marga."
"Mal-Ga."
"Hay."
Mukhang s'ya pa ang naasar sa'kin. Ang hirap naman kasing bigkasin ng pangalan n'ya.
"Ah, basta. Inuutusan kitang bawiin ang sinabi mo."
Inutusan ko s'ya.
"Alin? 'Yung bakla ang Prinsepe n'yo? Hindi. Ayoko."
Ang kulit talaga.
"Bawiin mo sabi."
Galit na talaga ako.
Nagtitiim na ang bagang ko.
At ang lapit na nang mukha ko sa mukha n'ya.
"Bakit ka ba nagagalit? Hindi naman ikaw s'ya."
Subalit natigilan ako sa sinabi n'ya.
Oo nga pala. Itininatago ko ang katauhan ko, na ako ang Prinsepe ng bayang ito.
At dahil nagagalit ako sa pagtawag n'yang bakla sa Prinsepe ay parang inamin ko na rin na ako iyon.
Pinigilan ko ang galit ko at huminahon.
Umatras ako at tumalikod.
"Babalik na lamang ako mamaya. Marahil ay nasa burol pa sila ngayon upang alalahanin ang anibersaryo ng kamatayan ng anak ni Jung Sik."
Wika ko sa kan'ya habang nakatalikod pa rin.
Pagkaraka'y naalala ko na nakapagbitaw ako ng masakit na salita sa kan'ya nuong huli kaming magkita at nakokonsensya naman ako.
"S'ya nga pala. Nais kong humingi ng tawad sa mga binitawan kong salita nung nakaraan. Nadala lang ako ng galit."
Tahimik ito.
O baka hindi naman talaga n'ya ko pinapakinggan.
"Nakikinig ka ba sak-

BINABASA MO ANG
Kiss in Barrier
Любовные романыPrologue: Si Marga. Maganda. Mayaman. Walang kaibigan, dahil sa pagiging istrikta, mataray at masungit na anak ng Presidente ng Pilipinas. Subalit paano kung isang araw ay turuan sya ng tadhana kung paano umibig? Pa...