Prologue

49 4 0
                                    

Note : All the characters in this book have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known nor unknown to the author, and all the incidents are merely invention.


Warning ; This story is not suitable for very young readers, it contains mature themes and strong language. Read at your own risk. This story is unedited. It might have grammatical and typographical errors, sorry tamad author

* * *

Prologue,

"Maawa na po kayo! Ayaw ko po talaga sa ganitong trabaho! Mag hahanap nalang po ako ng iba, basta wag lang--" Isang malakas na sampal ang iginawad nya sakin dahil sa matinding pag tanggi ko.

Kahit paos na ako kakasigaw, kakaiyak o kahit maupod pa ang tuhod ko kakaluhod sakanya. Wala akong pake hanggat hindi sya pumapayag na umatras sa kasunduan.


"Tigil-tigilan mo ako Avia Marie ha! Sawa na ako sa pag papalamon at pag aaruga sayo. Kaya siguro naman ay ito na ang oras para ako naman ang makinabang," matigas ang paninindigan na sabi nya habang matalim na nakatitig sakin.

Halos halikan ko na ang paa nya sa malabis na pag tanggi. Ito na kasi ang araw na ibebenta na nya ako, na lagi nyang sinasabi dati. Hindi ko pinapansin dahil akala ko ay hindi ito totoo.

Sino ba naman kasing tiyahin na ibebenta sa mga lalaki ang sariling pamangkin para lang sa salapi?

"Maawa po kayo sakin," umiiyak na pakiusap ko habang nakaluhod sa harap nya.

"Iha, mag handa ka na dahil ikaw ang special sa gabing ito, at tiyak na maraming mag-aagawan sa pagbili sayo na isang purong birhen." Sabi ng baklang makapal ang kolorete habang paypay ng paypay sa sarili. Humalakhak pa ito habang palabas ng dressing room.

Wala na ba talaga akong magagawa?

Hinaltak ako ng babaeng maliit lang pero maputi, at halatang dito rin sa club nag ta-trabaho. Linakihan nya ako ng mata habang ngumunguya pa sya ng bubble gum.

"Ang arte mo sis! Tiyak na pag na experience mo na ang sarap tipong mapapatirik mata mo, at ang malaking kita ay magiging talamak ka na rin." Sabi nya sabay tulak sakin paupo paharap sa malaking salamin.

Ginala ko ang tingin ko sa paligid. Maraming sexy dresses at bikini, tapos sa harap ko ay puro make-up, lipsticks at ibat-iba pa. Nagulat nalang ako ng tanggalin ng babae ang ponytail ko at ibuhaghag ang natural na straight hair ko. "Anong pangalan mo?" Tanong nya na parang nahimasmasan yata sa pag tataray sakin at naging mahinahon ang boses.

Naawa lang siguro sya kasi hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak.

"Avia Marie Valdez," sagot ko habang hinahayaan lang sya na gawin ang gusto nyang gawin sa buhok ko. "Avia nalang.." Habol ko pa bago nag punas ng luha ko.

"Alam mo ganyan rin ako ng first time ko.. Well lahat naman ng first timer ganyan. Kaya lang ilang linggo lang naman ang papalipasin mo inday! Wild na si Nene, at mabilis mag adjust. Bongga diba? Kaya mo yan inday, masakit lang sa umpisa, pero masarap na habang tumatagal." Tumawa pa ito sa mga kalokohang sinasambit nya.

"Probinsyana kasi kaya birhen haha! Matagal-tagal ka siguro makaka-recovered kasi virgin ka. Ako kasi may experience na ng mapasok ako rito." At proud pa na sabi nya habang nakataas ang kilay at may ngisi sa labi.

Isang oras nya rin yata akong inayos, at isang oras din syang daldal ng daldal. About sa mga nakakasiping nya, sa mga galante na customers at ang paraan para kumita ng malaki.

Hindi ko nalang sya sinagot. Sinabi nya rin pala ang pangalan nya, si Maricar. Laking maynila daw talaga kaya sanay na.

"Avia!" Hingal na lumapit sakin si Maricar. Gulo ang buhok at kalat pa ang lipstick, habang labas ang nipples na animo'y na rape.

Nakangiwi akong tumingin sakanya, at mukhang pansin nya ang pagtataka ko kaya natawa sya. "Galing akong ibang planeta haha! Lumipad ako inday wag na magtaka okay. Naistorbo nga ako ng kumatok si Bakla sakin, sabi nya--" Hindi ko na sya pinatapos.

"Sabi nya ngayong gabi rin mismo ako ibebenta.." Napa-tango nalang sya sa malungkot na sinabi ko.

Bakit ba kasi umaasa pa akong babalik si Tiya para alisin ako rito? Simula pagkabata ko naman hindi ko na sya nakitaan ng pagmamahal at pag-aaruga sakin.

Mahal nya lang ako kapag may pera ako na naibibigay, pero pag wala. Masahol pa sa hayop ang trato nila sakin. Naranasan ko na mabuhay at tumayo sa sarili kung mga paa kahit bata palang ako. Iminulat nila ako sa katuwirang kaylangan ako ang gumawa ng paraan para may ipanglaman ako sa tiyan ko.

Lahat naman sana ng hirap kaya ko pa tiisin eh. Kahit nga patirahin lang nila ako sakanila, tapos ako bahala sa pagkain namin araw-araw. Oo dati, pinalamon nya ako pero lahat 'yun may kapalit. Mabuti na nga lang at wala akong naging kapatid. Ayaw ko na pati sila magdusa gaya ng sinasapit ko ngayon.

"Kaya mo yan promise, giling lang tapos smile. Malay mo ang mabingwit mo ay may apat na M. Matandang-Mayamang-Madaling Mamatay! Or Matipunong-Mayamang-Mabait at Mabango!" Napailing nalang ako bago pumasok sa pintong papuntang stage, na may bakal sa gitna.

Sasayaw 'daw' kasi ako at gigiling para mas maakit ang mga negosyanteng customer nila.

Third year college na ako at may mahahanap naman na trabaho sana, pero dahil sa tiya ko lahat ng pangarap ko ay hanggang pangarap nalang talaga.

Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay. Maayos na tirahan at hindi hanggang squatter area lang kami, tapos maayos na trabaho at hindi ang ganitong pag bebenta ng puri. Dahil sa lahat ng trabaho, ito ang pinakamababang antas.

Mas ikararangal ko pa kung ako'y isang nag babakal-bote o namamasura.

"One hundred thousand and she's mine for one night only!" Sigaw ng isang lalakig mukhang manyak dahil sa pagdila-dila ng mag simula na akong gumiling.
Hindi ko mapigilan ang mga luhang patuloy na umiibis sa pisngi ko.

"Isang milyon and she's mine, forever." Matigas at madiing sabi ng lalaking hindi naman malayo sa harap ko.

Gwapo, matipuno at halatang mayaman. Samantalang ako morena at halatang laking probinsya tapos dancer pa sa club.

Nagulat ako ng lumapit sya sakin at hubarin nya ang coat nya, para ipatong sa balikat ko ng matakpan ang katawan ko na halos kita na ang kaluluwa.

"Finally, nahanap rin kita." Walang kagatol gatol na sabi nya bago ako inalalayang bumaba ng stage.

Sya na ba ang lalaking bibili ng puri ko? Bakit pakiramdam ko sya ang lalaking mag liligtas sakin sa kamay ng tiyahin ko at sa maruming lugar na 'to?

--------------------------------------------------------------------Note : Walang basagan ng trip kasi may chapter 0 pa 'to bago chapter 1 HAHAHAHA! Hello nga pala kay sister ko na isa rin talaga sa masugit kong tagasuporta 😍😘 at sa iba pa. Keep safe mga kawonder! Stay healthy, stay home.

#Wattpad_On

Virginity For Sale - (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon