0

43 4 0
                                    


CHAPTER 0

"Done?" Walang ganang tanong nya sa bakla na may ari ng club. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa naging usapan nila.
Totoo nga, binili nya ako sa malaking halaga. Hayok ba sya sa birhen kaya ganito na lamang nya ako kagusto makuha?

Paniguradong katawan ko lang ang habol nya. Sino ba ako para labasan nya ng pera tapos pakakawalan lang? Hindi naman sya pulis, good samaritan o anghel. Parepareho lang mga lalaki, mga manloloko at walang pake sa nararamdaman ng babae.

"Tara na," malamig na sabi nya ng bumaling sakin. Hinawakan nya ang kamay ko at linabas ako ng club. Sumakay rin kami sa isang magarang sasakyan na pag mamay-ari nya. Swerte parin pala ako? Akala ko talaga magiging bayarang babae na rin ako na makikita na nila ang katawan ko. Swerte na 'to at least sya lang ang makakakita.

Huminga ako ng malalim para humugot ng lakas. "Pwede bang kapag ginawa na natin ang sagradong pagtatalik ay patay ang ilaw?" Para hindi nya kita ang katawan ko.

Nagulat ako ng mahina syang napamura sya, pero bumalik rin sa dati ang itsura nya. "So you want lights off huh?" Nakataas ang kilay na tanong nya. Kahit sobrang hiya-hiya at gusto ko ng magpakain sa upuan ng kotse ay tumango parin ako.

"I know your in the middle of shock, so for now I will let you rest, woman." Malamig na sabi nya bago tinuon sa pag mamaneho ang sarili.

"O—okay." Utal na sagot ko bago sinandal ang sarili ko sa gilid ng bintana at pipikit na sana ako ng may na alala akong dapat ko palang sabihin. "Salamat nga pala," sabi ko habang titig na titig sa kanya.

"It’s not for free." Sabi nya sabay irap bago nag buga pa ng hangin. Pansin ko parang balisa sya? Hindi nga sya nag aabalang tumingin sa mata ko eh. Nandidiri ba sya sakin?

"Okay lang at least wala na ako sa club. Kahit na maging alipin mo ako ay ayos lang, tatanawin ko parin ito na isang malaking utang na loob sayo," sabi ko.

Hindi sya sumagot dahil sa daan lang ang focus nya. Alam ko kasalanan ang iniisip ko pero hindi ko parin maiwasang pag pantasyahan sya. Hindi maalis sa isip ko ang gwapo nyang imahe at ang walang buhay nyang asul na mga mata. Sana lang hindi ako ma-inlove sa lalaking ito. Feeling ko super mysterious nya.

"Wake up." May na ulinigan akong boses bago may tumapik sa balikat ko. Ako naman ay mabilis na tumayo dahilan para mauntog ako sa bubong ng kotse. Hindi ko alam na nasa kotse pa pala ako, sobrang antok na kasi talaga ako eh.

"Careful," sabi nya bago ako iniwan. Ako naman ay mabilis na sumunod sakanya para naman tuloy akong aso nito na nakabuntot lang.

"Good evening young master." Isang matandang babae ang sumalubong samin kasama ang dalawang katulong rin siguro?

"Take care of her," malamig na utos nya bago umakyat pataas sa hagdan.

Iniwan nya ako? Hindi ko naman kilala ang isang ito eh.
Hindi ko rin naman pala sya kilala, pero mas magaan naman kasi pakiramdam ko sakanya.

"Halika," anyaya ni manang.

"Antok na po ako." Palusot ko para hindi na nya ako tanungin pa dahil alam ko naman na gusto nya malaman ang pinag mulan ko. Parang sa mga teleserye at drama, si bida alila tapos ayaw sakanya ng magulang dahil sa isang maruming trabaho sya galing. Kaya naman uutusan nya mga katulong na alilain rin sya at supladahan.

Natigil ako sa pag-iimagine ko ng mag salita si Manang. "Maligo ka at mag bihis, para mas masarap po ang tulog nyo." Sabi nya sabay ngiti bago ako tinalikuran.

"S-sige." Dali akong pumasok sa banyo. Sarap pala sa feeling ng nasa malaki at magarang bahay.
Ang daming choices sa sabon at shampoo! May mga cream pa!

Virginity For Sale - (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon