CHAPTER 2Hindi parin ako sanay sa tinitirahan ko. Kahit paano ay nag a-adjust pa minsan minsan, aminadong hirap pero mas okay na 'to kaysa naman babalik ako sa dating buhay ko.
"Lilly anak," tawag ko sa alaga kong aso na regalo pa ng Ate ni Makix na si Ate Morgana.
"Anak?" Tanong nya sabay tawa ng mahina. Hindi ko pinansin ang tanong nya dahil mas apektado ako sa tawang ibinigay nya, for the first time. Oh my goodness! Ilang buwan na ako rito pero ito ang unang beses na nag smile sya.
"What?" Kunot nuong tanong nito na parang wala syang ginawang kakaiba. Weird.
"W-wala." Nahihiyang sabi ko bago kinarga si Chummie at ipinasok sa kwarto.
Lakas talaga ng dating nya. Napangiti ako bago nasapo ang puso ko na lumakas ang kabog. Tumingin ako kay Chummie na nakikipag titigan lang sakin. "Chummie okay lang bang matanong kita?" Agad na kumahol ito kaya napapalakpak ako sa tuwa. "Maganda ba ako?" Nadismaya ako ng layasan ako ni Chummie at pumasok sa ilalim ng kama.
Pati ba naman si Chummie? Bad dog, cute pa naman sana. Hinayaan ko sya na matulog sa ilalim ng kama ko at lumabas ako para sana kumain dahil nagugutom na ako.
"Labas tayo," walang ganang sabi nya ng makita ako.
"Bakit naman?" Tanong ko habang titig na titig sakanya.
"Hey, your eyes." Saway nya bago tumalikod sakin.
"Oo nga pala sorry..." Nagbaba ako ng tingin ko. Gusto ko sanang batukan sarili ko dahil sa lagi akong nakakalimot. Kaylan kaya nya ako matitigan sa mata? Tipong hindi na sya ilang sakin.
"Manang is leaving actually, lahat ng maids. Undas kahapon at hindi na sila umuwi kasi mag damag tayo sa puntod ng Ate mo, so ngayon sila naman." Kaya pala wala silang lahat at aalog-alog kami sa bahay.
"Okay sige," sabi ko sabay ngiti.
Ilang minuto lang ay bumaba na ako ng makapag bihis. Saan kaya kami kakain ngayon?"Where do you want to eat?" Tanong nya.
"Hmmm," Umakto ako na nag iisip. "Gusto ko sa insekto! Oo nga gusto ko sa bubuyog na masaya kay jollibee," sagot ko.
Laking gulat ko ng isang malakas syang tumawa. Huh? Bakit sya tumatawa? Hindi naman sa ignorante ako or what. Alam ko naman tawag dun. Laking bundok man ako at bago palang sa manila hindi ako tanga. Nasanay lang ako kasi matabang insekto naman talaga tawag sa lugar namin kay Jollibee. Mga tawag ng bata na nakasanayan ko nalang rin.
"Sana lagi ka tatawa, plus ngingiti." Natutuwang sabi ko sabay palakpak pa. Sign ng recovery ang ganyan eh. Hindi sya sumagot pa at huminto rin sa pag tawa, sungit nya talaga.
"Good morning have a joy morning!" Dito talaga ako natutuwa kasi mga masasaya sila tapos di pa snob.
"Good morning po!" Masigla at balik na bati ko sa guard.
"You don't need to do that." Saway nya sakin.
Ang alin? Ang pag bati sa bumati sayo?
"Kapag ba nag I love you ang mahal mo sayo hindi ka mag—"
"I know," inis na sabi nya kaya tatahimik nalang sana ako kaya lang hindi ko mapigil sarili ko.
"Galit ka?" Tanong ko sabay sundot sa tagiliran nya.
"Why would I? I'm not crazy, Avia." Kumibot ang sentido ko sa sinabi nya pero hindi ako nag pahalata.
"Alam ko pag na iinis ka. Sorry na nga po young master ko," sabi ko habang tumatawa. Kaya lang agad rin akong natigil ng masyado na pala akong nadadala.
BINABASA MO ANG
Virginity For Sale - (Revising)
General FictionDahil sa mahirap na sitwasyon ni Avia at ng tiyahin nya ay na gawa sya nitong ibugaw at ibenta sa club. Kahit na labag sa kanyang sarili at laban ang loob nya ay wala syang magawa. Dahil sa pananakot ng kanyang adik na tiyo, na asawa ng tiyahin nya...