1

35 5 0
                                    


CHAPTER 1

Kaylangan ko masanay sa bagong buhay ko ngayon. Kaylangan ko ring harapin at tanggapin ang masasabi ng mga tao sakin lalo na ang parents nya.  May sampalan peg kaya? Tipong galit mom nya tapos sasabihan ako ng masakit, tapos titirada ng sampal. Take note, sampal ng Diamond star na si Maricel Soriano.

"Who are you po?" Nanlaki ang mata ko at kamuntik ng mapalundag para magtago sa sofa. Isang batang cute! Super cute! Basta ang cute talaga! Ang sarap kurutin ng matatabang pisngi! Mukha rin syang girl? Kahit na lalaking gupit.

"Ako nga pala si--" Naputol ako ng magsalita na sya.

"Si Ate Pia po? Akala ko ba nasa heaven na sya?" Takang tanong ng bata. Balisa na naman ako at hindi malaman ang isasagot. Nakakaimbyernang bata, bata pa matanong na.

"Vincent?" Napalingon ako kay Manang ng tawagin nya ang bata. Wews? Vincent? Hindi ba sya babae? Or babae pero panglalaking name, uso naman din 'yun eh.

Ang mahalaga ligtas ako sa tanong nya.

"Ano na namang ginawa sayo ng mommy mo? Si Madam talaga." Napapalatak si Manang bago hinubad ang dress at inalis ang make-up ng bata. Napangiti sakin si Manang bago ako sinenyasang pumunta sa kusina.

"Vincent say hi to Ate Avia, kambal sya ni Ate Pia mo." Nakahinga ako ng maluwag ng maliwanagan naman ang bata.

"Ang ganda mo... I l-love... y-you," nahihiyang saad nito sabay pout.
Parehas kami ni Manang na napahalakhak ng malakas. Bata palang babaero na, mukhang maraming iiyak na girls sakanya.

"Manang where's Vin-- Oh? P-pia? I thought your dead?" Kinakabahang tanong ng babaeng kakasulpot lang. "OMG! Manang! I see her! I see Pia! Manang sampalin mo nga ako baka namamalikmata lang ako!" Nagpapanic na sigaw nito.

"Lucy shut up," saway ni Malix sa babae.

"But I see a ghost! Andito sya ngayon!" Itinuro pa ako nito.

"Hindi sya si Pia! Sya si Avia kambal sila!" Napasigaw narin si Malix kaya naman natameme 'yung babae.

"I'm sorry Miss.." Nakangiwing saad nito bago ako linapitan. "Nagulat lang kasi ako eh." Napansin ko ang pangingilid ng luha ni Lucy.

"Ayos lang," sagot ko.

Nagulat ako ng mahigpit nya akong yakapin. "Sana maging komportable ka sa bahay na 'to." Tumango naman ako bilang sagot.

"Avia this is Lucy, my sister. Anak nya si 'tong si Vincent." Ngumiti ako sa bata pati na sa Ate ni Malix. Nakakataba lang ng puso na hindi nya ako hinusgahan o ininsulto 'di tulad ng iba na aawayin pa 'yung inuwing babae ng kapatid tapos papahirapan.

"May mga damit kana ba?" Mabilis akong umiling sa tanong ni Ate Lucy. "What?! Wala? Hindi pwedeng wala kaya sasama ka sakin ngayon." Hinila nya ako palabas ng bahay at sinakay sa kotse.

"Saan ba tayo p-pupunta?" Takang tanong ko.

"Mag shoshopping tayo Avia," sagot nya bago binarurot ang sports car na sinasakyan namin.

Isang nakakapagod na araw! Nakakaloka naman pala si Ate Lucy eh. Balak yatang bilhin ang lahat ng damit sa mall kanina. Thankful rin ako kasi ang bait nya at sobrang kasat. Hindi sya nakakailang kasama, at sobrang dami nyang kwenento about kay Ate Pia ko.

"Busy kaba?" Agad akong nag angat ng tingin. "May farewell party si Lucy dahil babalik na sila ng Canada, at gusto nya na isuot mo raw ang magandang damit." Paliwanag ni Malix.

Kaya pala pinamili nya ako kasi may farewell party sya? Nakakalungkot naman na aalis na sya.

"S-sige."

Umaakyat na ako sa kwarto ko para maghanap ng isusuot. Mga 7PM pa naman daw kaya wag akong mapressure. Kaya lang paano akong mag rerelax pupunta parents nya?! Nahihiya ako at sobrang natatakot.

Nakakahiya naman talagang kinupkop pa ako ni Malix. Wala naman na si Ate Pia, at wala naman talaga syang responsibilidad sakin.

"Manang," tawag ko sa atensyon nya ng magawi ako sa kusina. Nakita ko syang naghihiwa kaya naman agad akong kumuha ng kutsilyo para tumulong.

"Kamusta ang araw mo iha?" Nakangiting tanong nya sakin.

Napabuntong hininga ako bago sumagot. "Okay naman po, pero kinakabahan ako ngayon Manang." Malungkot na saad ko.

Close ko na si Manang kaya nasasabi ko na sakanya mga problema ko at ang nararamdaman ko. Itinuturing ko na si Manang na pangalawang ina ko, at sobrang bait nya sakin.

"Bakit naman iha?" Nag aalalang tanong nya. Binitawan nya ang kutsilyo at itinigil ang ginagawa bago humarap sakin. "Umamin ka ngang bata ka. Anong problema mo? Bakit ka kinakabahan ha?" Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"N-natatakot p-po ako na baka hindi maganda ang kalabasan ng lahat. Alam ko naman po na sampid lang ako pero sana po wag na ipamukha sakin. Aalis nalang po ako kapag nangyari nga ang kinatatakutan ko Manang," umiiyak na paliwanag ko.

Hinaplos nya ang buhok ko at pinahid ang luha sa mata ko. "Kaya kaba nagkakaganyan dahil akala mo hindi ka nila maiintindihan? Ako na ang nagsasabi sayo anak," ngumiti sya sakin. "Malayong- malayo sila sa iniisip mo, trust me."

Sana nga Manang, sana. Tumango nalang ako bago inayos ang sarili ko.

Umarkila lang ng resort si Ate Lucy pero sobrang daming tao sa party na parang wedding at hindi farewell party.

"Dito kalang hahanapin kolang sila Mommy and Daddy," bilin ni Malix bago ako iniwan.

Mag isa lang akong nakaupo sa table for 3 na may mga pagkain na pero wala namang kasama kaya wala rin akong ganang kumain. Tumayo ako at ginala ang mata ko sa paligid na puno ng mga nag paparty na tao, may mga sumasayaw, may mga naliligo. Ang gaganda ng nakabikini at sobrang sexy! Nakakainggit lang, tapos may mga nakatopless at ang sasarap sa eyes ng abs.

"Pwede pong makahinge?" Tanong ko sa waiter na dumaang may dalang drinks na linilibot.

"Sure ma'am," nakangiting wika nito.

Nahihiya man ay dinalawa ko na kasi kapag naubos ko ang isa may reserba pa ako. Hindi naman sa lasenggera ako pero minsan lang naman 'to diba? Pampalakas narin ng loob kumbaga HAHAHA!

"Avia?" Naudlot ang pagtungga ko sa bote ng wine na pasimple ko pang hiningi sa waiter. Nakakabagot kasi at ang sarap ng flavor nitong wine kaya linubos ko na.

"Ikaw pala HAHAHAHA!" Nakaturong sabi ko sabay tawa ng malakas.

"Lasing kaba? Saglit lang akong--" Agad ko syang pinutol sa sasabihin nya.

Ano pagagalitan na naman nya ako?

"Saglit ba 'yung kalahating oras kang nawala? Bakit masama bang uminom ng wine?" Mataray na tanong ko.

"Hindi naman, pero nakakalasing rin yang wine na gusto mong tunggain." Halata ang inis sa tono ng pananalita nya.

"Avia andito ka pala! Halika sayaw tayo!" Akmang hihilahin palang ako ni Ate Lucy ng pigilan sya ni Malix.

"Lasing na sya Lucy," seryosong sabi nito. "Uuwi na kami wala naman sila Mom." Inagaw nya ang kamay ko kay Ate Lucy.

"Ang kj naman! Mag enjoy na kayo aalis naman na ako eh!" Maktol nito kay Malix. Papayag sana ako ng bigla akong makaramdam ng hilo.

"Hindi na nya kaya," madiing wika nito bago ako inalalayan palayo sa party.

Umiikot ang paligid kahit nakapikit ako.

"Malix," tawag ko habang pikit parin ang mata at hawak ang ulo. Walang Malix na sumagot kasi ang naramdaman ko lang ay ang kamay nyang inaayos ang dress ko.

"Ano 'yan? Gagahasain mo na ba ako?" Lakas loob na tanong ko.

"Damn! Ano bang sinasabi mo?! Inayos ko dress mo kasi nag he-hello yang panty mong hello kitty."




Virginity For Sale - (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon