"Shit!" Napamura ako ng iba ang mabungaran ko sa loob ng banyo.
Patuloy lang ang paglagaslas ng tubig mula sa shower kahit na ang pintuan ng banyo ay bukas na bukas na. Hindi niya yata napapansin ang presensiya ko.
Sa sobrang hiya ay agad kong isinarado ang pintuan. Oo at may shower curtain na nakapagitan pero hindi yon naging sapat para pagtakpan ang kahihiyang nararamdaman ko ngayon.
Bakit ba naman kasi may tao sa loob ng banyo ko? And how did even that guy entered the house? Sa pagkakatanda ko ay dala ko ang lahat ng susi ng bahay and also, I am pretty sure na ini-lock ko ang main door bago ako umalis kanina.
Hindi kaya?
Agad akong kinutuban.
Natataranta akong tumakbo papasok sa loob ng kuwarto at siniguradong nakakandado ng mabuti ang pinto. I am helpless kung akyat bahay man siya. This will probably be a one-sided murder if ever.
Nakita ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama.
Dapat na ba akong tumawag ng pulis?
O sumigaw na lang ng malakas para humingi ng tulong? Pero malayo pa ang kasunod na bahay.
Sa sobrang kaba ay hindi ko sinasadyang matabig ang frame sa ibabaw ng maliit na cabinet.
Mabilis akong kumilos pero bago ko pa man masalo ay gumawa na iyon ng malakas na ingay.
Sheez!
Ano bang ginagawa ko?
Madali kong pinulot ang mga bubog na nagkalat sa sahig. Basta ko na lang din itinabi ang picture na laman non at sinikop ang mga napulot na piraso sa isang tabi.
Now, I am now left with no choice.
Kahit nag-aalangan ay wala akong nagawa kundi ang lumabas ng kuwarto para kumuha ng panlinis. I think, hindi naman masama yung taong nakita ko sa loob ng banyo. But what if, hindi pala siya tao?
Kinilabutan ako sa naisip.
Come on, Iyah! Wala nang multo sa panahon ngayon! And besides, bata na lang din ang naniniwala sa multo. Grow up!
Para akong maiihi sa kaba nang unti-unti kong binuksan ang pintuan. Okay, calm down. Hindi siya masama.
Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko sa takot na makagawa ng ingay at ganon na lang ang paninigas ko nang mabunggo ako sa isang matigas na bagay.
Napahilot ako sa aking noo dahil sa sakit.
"Ehem"
Narinig kong tumikhim ang pader.
Wait, what?
Tumikhim ang pader?
Katulad sa mga horror films ay dahan-dahan kong inangat ang mukha dahil sa pagdagsa ng isang realisasyon.
"Can you step back a bit?" Malumanay ang boses niyang tanong.
Namutla ako na parang suka dahil hindi pala pader ang nabunggo ko. It was his abs for Pete's sake!
Agad naman akong napasunod sa kaniyang sinabi "S-sorry"
Nahihiya akong napaiwas ng tingin.
Nauntog ako, hindi sa pader kundi sa abs niya!
Ngayon ay sure na sure na ko na hindi siya isang magnanakaw dahil sa gwapo ng face niya ay walang sugar mommy at mayamang babae ang hindi papatol sa kaniya.
"It's fine. I just want to tell you that I am the real owner of this house." Simple niyang saad na para bang wala lang ang shock na naramdaman ko kanina.
YOU ARE READING
Underneath the Fleeting Clouds (Completed)
RomanceTo live and let go... After losing almost everything that's important to her, Alliyah finally decided to escape from the shackles of her woeful past. She now wants to live a simple life. A life where pain is evitable. A life where she can soar highe...