"Everyone knows I'm in over my head, over my head, with eight seconds left in over time" malakas na pagkanta ni MaRi habang naglalakad kami sa hallway.
Nagsisimula na kong makaramdam ng hiya dahil halos lahat ng tao ay pinagtitinginan na kami. Ang lakas kasi ng loob niyang kumanta. Sana kung maganda ang boses niya!
"1, 2, 3 asawa ni Marie, araw gabi walang panty"
Agad akong napatawa ng malakas dahil sa biglaang pagsingit ni Rommel. I was holding my tummy when MaRi suddenly stopped singing and gave Rommel a piercing look.
He never failed to annoy MaRi when he's around. Well, siya lang din naman ang kayang makapagpatigil sa kaniya mula sa makabasag ear drums nitong pagkanta kaya pabor sa akin ang pang-aasar niya.
They've been my friends since I started attending school this year. Noong una ay inakala kong mahihirapan ako pero ng makatagpo ko silang dalawa ay naging madali na lang ang pag-aaral ko.
Marami rin ang nagbago sa seven months na lumipas.
Nag-excel ako sa academics pero medyo naging mahiyain. Nagkaron din ako ng mga bagong kakilala at patuloy pa ring naga-adjust sa bagong environment ko. Ang wala lang pinagbago ay sa pagitan naming dalawa ng owner ng bahay.
Up until now hindi niya pa rin ako pinapansin. Para bang hangin lang ako sa tuwing nasa bahay at parang TV na naka-mute tuwing sinusubukan kong siyang kausapin.
Noong mga una ay hindi ko natitiis pero nang tumagal-tagal ay nasanay na rin ako. Ang sabi ko nga, kung ayaw niya, ayaw niya. Wala na siguro talaga akong magagawa. Kapag ipinilit ko pa kasi ay lalo lang akong mapapahiya at masasaktan. Lalo lang din lalayo ang loob niya sa akin.
"Shut up, Rommel. Saka mo na ako asarin kapag hindi ka na kulay tae." Inis na pang-aalaska niya sa lalaki pabalik.
I tried to surpress my laugh. It wasn't true. Rommel was kinda maitim pero hindi siya kulay tae. Neither MaRi don't wear undies. Ganon lang talaga sila mag-asaran pero kahit ganon ay nananatili pa rin silang matalik na magkaibigan.
"Saka mo na rin pakialaman ang balat ko kapag may boyfriend ka na. NBSB"
"NBSB?" Naguguluhang tanong nito.
I am not surprised anymore. Medyo mahina kasi si MaRi sa mga ganoon. Nasanay kasi siya na palaging buo ang sinasabi sa kaniya kaya madalas ay hindi niya maintindihan ang mga short terms ng words and sentences.
Nangingiting napatingin sa akin si Rommel. And by the way he looks, I know how we'll end this.
"No Boobs Since Birth!" Matapos ay sabay kaming humaglpak ng tawa.
Agad sumama ang timpla ng mukha ni MaRi kaya mabilis kaming napatakbo. She's probably mad right now. It's a rule. Asarin mo na siya't lahat wag lang ang boobs niya dahil kung hindi, sa impyerno ang diretso mo.
Mas binilisan ko pa ang takbo habang si Rommel ay nagmabagal kunwari. Patuloy pa rin kami sa pagtawang dalawa dahil kahit anong habol ni MaRi ay hindi niya kami maabutan. She's small. Maiksi ang biyas kaya hirap tumakbo.
"Alliyah watch out!" Biglang sigaw ni Rmomel. Naging alerto ako sa paligid ko pero bago pa man ako mapahinto ay agad na kong bumunggo sa taong nasa harapan ko.
Bagsak kaming pareho sa sahig habang ako ay nakahawak sa noo kong namanhind na yata sa sakit. Shit. Of all times, bakit ngayon pa?
"Aray!" mahina kong daing habang sapo ang ulo. Para na kong nakakakita ng stars sa sobrang pagkahilo.
"Iyah, okay ka lang?" Nag-aalalang alo sa akin ng dalawa ng tuluyang makalapit.
Napapikit ako sa muling pagdaan ng sakit. Gusto kong sabihin na okay lang ako pero parang nawalan na ko ng lakas. Nanghihina ako at feeling ko ay hihimatayin na ako kahit anong oras dahil talagang nanlalambot ang katawan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/211734655-288-k900009.jpg)
YOU ARE READING
Underneath the Fleeting Clouds (Completed)
RomanceTo live and let go... After losing almost everything that's important to her, Alliyah finally decided to escape from the shackles of her woeful past. She now wants to live a simple life. A life where pain is evitable. A life where she can soar highe...