Pwede Na Ba?

68 0 0
                                    

Nagmahal.

Nagmahal ng taong nagpapangiti sayo.
Nagmahal ng taong nagbibigay sigla sa puso mo.
Nagmahal... Nagmahal para maging masaya.

Nagmahal. Minahal.
Minahal ka kasi mahal mo.
Minahal ka kasi napapasaya niyo ang isa't- isa
Minahal... Minahal ka niya sa paraang alam niya

Nagmahal. Minahal. Umasa
Umasa kang totohanan na.
Umasa kang walang hanggan na ang pagmamahal niyo.
Umasa... Umasa kang totohanan na ang lahat.

Nagmahal. Minahal. Umasa. At Nasaktan.
Nasaktan ka sa katotohanang hindi ka niya mahal
Nasaktan ka sa katotohanang naawa lang siya sayo
Nasaktan... Nasaktan ka sa katotohanang ikaw lang pala ang nagmamahal

Nagmahal. Minahal. Umasa. Nasaktan.

Sigaw mo'y tama na.
Sigaw mo'y ayaw mo na.
Sigaw at iyak mo'y dinig na dinig
Kasama nang sakit at pighati.

Hindi alam kung paano babangon
Ang pusong pinaasa at sinaktan
Hindi alam kung makakangiti pa ba
Sa pagkakadapang ginawa niya.

Bakit nga ba?
Bakit nga ba lagi nalang ganito ang pangyayari?
Bakit nga ba lagi nalang ikaw ang nasasaktan?
Bakit ba... Bakit ba minamahal ka lang dahil sa awa nila?

Kailan ba?
Kailan ba dadating ang taong magpapasaya sayo ng totoo?
Kailan ba dadating ang taong para sayo?
Kailan ba dadating ang taong aalagaan ka, mamahalin ka ng totoo?

Dadating pa ba?
O dumating na?

Dumating na pero takot ka.
Dumating na pero ayaw mo pang masaktan.
Dumating na pero iyong iniiwasan.
Dumating na nga ba pero takot ka pa?

May nagpapangiti na sayo,
May nagbibigay rason na para maging masaya ka ulit.
May tao nang unti-unting ginagamot ang puso mong sira na.
May tao na... Andyan na siya pero pwede na ba?

Pwede ka na bang magmahal ulit?
Pwede ka na bang magtiwala ulit?
Pwede ka na bang ligawan ulit?
Pwede na ba?

Pwede na bang masaktan ka ulit?

Nagmahal. Minahal. Umasa. Nasaktan. Pwede na bang ulitin to? O pwede na bang baguhin to?

Piece of MeWhere stories live. Discover now