9: Moving Closer

211 22 13
                                    

NOTE: Please don't forget to vote and leave a comment. Active readers = regular updates (Tuesday and Thursday, 5PM or 6PM). Thank you.

PS: Saying "update" doesn't count. :)

***


SOMEONE is working really hard, huh?

Iyon ang nasa isipan ni Modesty habang naglalakad siya sa school hallway bilang parte ng mabigat na eksena mamaya.

Ayon kay Sina, pitong araw daw na walang tulugan ang katumbas sa real world ng oras na nilaan niya sa pag-re-revise ng mga bagong episode ng Endgame ngayon. Hindi siya nakaramdam ng pagod o antok man lang habang nag-do-drawing. Ang sabi ng diyosa, iyon daw ay dahil wala naman siyang pisikal na katawan. Saka na-re-recharge daw ang kaluluwa niya sa pamamagitan lang ng "paghinga" bilang isang webcomics character. Hangga't nasa ilalim daw siya ng Unknown Sky nito, hindi niya kailangang matulog o magpahinga kung gusto niya.

Pero kapag nasa Safe Zone siya, kumakain siya kahit hindi rin siya nakakaramdam ng gutom.

"Nara, wait!"

Tumigil si Modesty sa paglalakad nang makita niyang pasalubong sa kanya si Nara na sinusundan ni Waku. Huminto sa harapan niya ang babae at huminto naman sa likuran nito ang kapatid niya na tinaasan lang siya ng kilay.

"Moe Villamor," pagtawag sa kanya ni Nara. "Pakisabi kay Heather na kung may problema siya sa pagkikita namin ni Trent kahapon, 'wag niyang idamay si Strom. Tell her that I'll make her life a living hell if she posts the video online."

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "I'm not your messenger, Nara Park."

"But you're Heather's minion," katwiran nito. "Trabaho mong i-relay sa kanya ang message ng mga kaaway niya sa kanya."

Napasinghap siya dala ng pagkainsulto.

Habang si Waku naman, tinakpan ng mga kamay ang bibig habang nagpipigil tumawa.

"Excuse me?" iritadong tanong dito ni Modesty habang kinakalma ang sarili. "Sino ang minion nino?"

"Ikaw," walang kakurap-kurap na sagot ni Nara habang nakatingin sa kanya. "You're like her shadow, you know? Hindi mo ba alam na 'yon ang tawag sa'yo ng schoolmates natin?"

"Heather and I are friends," giit niya. "How dare you say that?"

"Sorry, but your "friendship" looks like a master-servant relationship to me," matapang na deklara ni Nara. "And you aren't supposed to tolerate the wrongdoing of someone you consider a friend. Kung alam mong may ginagawa ng masama ang kaibigan mo, dapat mo siyang i-call out. That's also a form of caring."

Modesty was too stunned to react. On the surface, of course. Sa isipan niya kasi, para siyang nasa sine at nakasuot pa ng 3D glasses habang kumakain ng popcorn. I wrote this scene but damn, I did well.

"Nara, that's enough," saway dito ni Waku, saka nito inakbayan ang babae at inakay palayo sa kanya. "Let's look for Strom."

Bumuntong-hininga lang si Modesty, saka ito naglakad papunta sa classroom. Dahil breaktime nila, kaunti lang ang naiwan sa klase. Lumapit siya kay Heather na busy sa pagta-type sa phone nito. Halata rin sa mukha nito ang iritasyon. "What happened?" tanong niya rito, saka siya umupo sa katapat nitong silya. "Galing ba dito si Nara?"

"Yeah. Nagpunta siya rito pero hindi ko siya kinausap," pagkumpirma naman ni Heather, saka nito binaba ang phone nito at tumingin sa kanya. "Sigurado kasi ako na i-de-demand niya lang ako na ibigay sa kanya ang video wherein nakikipagbugbugan si Strom kay Joaquin."

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "You have it?"

"I don't, silly," umiiling-iling na sagot nito. "Pero madali ko lang mahihingi 'yon kay Joaquin kung gusto ko. Don't you know that his father is working at our company? Even Sik can easily ask for the video, you know. Naka-confine kasi ang mommy ni Joaquin sa ospital nila at ang daddy ni Sik ang doktor nito. In short, malaki ang utang-na-loob niya sa family ni Sik."

ENDGAMEWhere stories live. Discover now