10: Miracle

203 23 9
                                    

NOTE: Please don't forget to vote and leave a comment. Active readers = regular updates (Tuesday and Thursday, 5PM or 6PM). Thank you.

PS: Saying "update" doesn't count. :)

***


"CONGRATULATIONS, Sik," sarcastic na sabi ni Moe kay Sik habang magkaharap sila sa rooftop. Gano'n din ang posisyon nila kanina. Dito naman kasi madalas tumambay ang lalaki kapag naninigarilyo ito. "You're free now. Puwede mo nang i-date si Fei. Thank you for breaking up with me first instead of cheating on me."

"Don't make it sound like I broke up with you just to date another girl," saway sa kanya ni Sik. "Hindi si Fei ang dahilan ng pakikipag-break ko sa'yo, okay? I did this because I'm already bored of this relationship."

Nagkibit-balikat lang siya sa sinabi nito. "I don't care anymore. Ang mahalaga naman, tumupad ka sa deal natin. Naibigay ko na kay Strom 'yong original copy no'ng video at binura mo na ang mga kopya niyon. Kaya ako naman ang tutupad sa deal natin. I'm making our breakup official now."

"Thanks," sabi ni Sik, saka ito tumingala sa makulimlim na kalangitan. "Puwede na ba tayong umalis? Paulan na, eh."

Ginuhit niya si Moe sa malungkot na paraan para sa eksenang iyon. At para magkaro'n ng mas madramang ambiance, pinaulan niya rin.

Pero sa totoo lang, nakakaramdam din siya ng lungkot ngayon. Kasing indifferent kasi ni Sik si Skelton nang nakipaghiwalay ito sa kanya. At dahil emotionally drained na rin siya no'ng oras na 'yon, maluwag niyang tinanggap ang pakikipaghiwalay nito gaya ng ginawa ni Moe.

But it doesn't mean that it didn't hurt.

Bigla tuloy niyang narinig sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya ni Skelton nang nakipaghiwalay ito sa kanya noon...

"I can't deal with you anymore, Modesty. I'm sorry but let's breakup. Please..."

"How can I say 'no' when you're begging me that much to let you go?"

"I'm really sorry..."

"Is it because of Fei?"

"No, my change of heart has nothing to do with another woman."

"Then why, Skelton? Can't you at least have the deceny to tell me why you're breaking up with me, huh?"

"I'm just... tired."

"You're tired of me?"

"Modesty... let's end this here."

Nagulat si Modesty nang bigla siyang naiyak dahil hindi naman niya sinulat sa script na iiyak ang character ni Moe. Mas lalong nakakagulat nang makitang nanlaki ang mga mata ni Sik dahil wala naman siyang command na puwede itong mag-react ng gano'n.

What's happening? naguguluhang tanong niya s isipan niya. Wala 'to sa script!

"Hey, why are you crying?" tanong sa kanya ni Sik na ikinagulat niya. "Are you hurt?"

Napasinghap siya at hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon. Hindi niya ito sinulat sa script kaya pa'nong nagkaro'n ng sariling pag-iisip si Sik para tanungin siya ng ganito? "What's happening to you?"

Muli, nagulat na naman siya nang ma-realize niyang nasabi niya 'yon ng malakas. Noon kasi, hindi siya nakakapagsalita kapag hindi kasama sa script ang mga sasabihin niya. Pero ngayon, pakiramdam niya ay hindi sila webcomics characters.

Parang kausap ko ang totoong Skelton...

"You're pale," sabi ni Sik, saka ito naglakad palapit sa kanya. Pagkatapos, huminto ito sa harapan niya habang hinuhubad ang suot nitong maroon blazer. Sa pagkagulat niya, ginamit nito iyon para gawing payong sa ibabaw ng ulo niya. "Let's go. Baka magkasakit ka na niyan, eh."

ENDGAMEWhere stories live. Discover now