1: "Scandal"

865 39 23
                                    

NOTE: ENDGAME 1 (BETWEEN FADING LINES) is already complete on Booklat. Sa mga ayaw mabitin, puwede niyo kong i-follow sa Booklat at doon basahin ang Endgame. My username there is lunaking_phr. :)

***

"CONGRATULATIONS, my precious daughter."

Napaungol si Modesty sa narinig niyang sarcasm sa boses ng mommy niya. Kagigising niya lang at masakit pa ang ulo niya dala ng hangover. Pero heto ang mother bee niya, pinapaalala sa kanya kung saan niya nakuha ang pagiging sarcastic niya. "Thanks, Mom," sarcastic na sabi niya, saka niya tiningnan ang mommy niya na nakatayo ngayon sa harap ng kama niya habang nakahalukipkip at matalim ang tingin sa kanya. "What did I do this time?"

She remembered going to her favorite bar last night to get wasted alone. Nakipagkuwentuhan siya sa bartender gaya ng madalas. Pagkatapos, ito ang nag-book ng ride para sa kanya. Nakauwi naman siya ng maayos at nakapagbihis pa nga dahil heto, naka-pajama siya. Hindi nga lang magkapares ang suot niyang royal blue top at yellow pajama bottom.

"Fifteen minute social media fame," halatang iritadong sagot ng mommy niya, saka nito hinarap sa kanya ang malapad na screen ng hawak nitong smartphone. "A video scandal."

Okay, nagising ang diwa niya pero hindi naman siya gano'ng nagulat.

She was borderline alcoholic these past months and wasn't really sure what was happening to her life. So if she slept with a stranger and had it recorded, she wouldn't be that entirely surprised. After all, she was in a "rebellious stage" at age twenty eight.

Nakakahiya mang aminin pero lalaki ang dahilan kung bakit sinisira niya ang buhay niya.

Nakipaghiwalay kasi sa kanya ang walanghiyang lalaki no'ng isang taon at simula no'n, hindi pa siya nakaka-recover. Twelve years 'yon, eh. Twelve years! Fine, they were an on-and-off couple. Still, it wouldn't change the fact that they had been together for more than a decade.

Boyfriend ko na siya no'ng high school pa lang kami at kahit may mga times na nag-break kami, wala akong naging ibang lalaki.

"What kind of scandal?" paniniguro ni Modesty dahil hindi pa naman naka-play ang video na nasa smartphone. "May kumalat ba kong sex scandal, 'My?"

"What made you think it's a sex video?" sita sa kanya ng mommy niya na mukhang hindi naman na-eskandalo sa ideyang iyon. Well, she was almost thirty years old and her mother never thought of her as the conservative type anyway. "Have you been sleeping around, huh?"

"I'm not sure," pag-amin ni Modesty habang kinakamot ang pisngi. More like I don't remember, 'My.

Hindi na bago sa kanilang mag-ina ang ganitong usapan. Well, hindi naman nila eksaktong pinag-uusapan ang sex life niya kasi masyado iyong awkward. But her mother was open-minded and had taught her before that safe and responsible sex between consenting adults was normal.

Pero hindi naman siya gano'n ka-sexually liberated sa kabila ng pagiging maluwag ng mommy niya dahil buong buhay niya, ang ex-boyfriend niya lang ang nakasama niya. Kahit no'ng mga pagkakataong naghihiwalay sila nito, wala siyang ibang naging lalaki.

'Yon nga lang, may point sa buhay niya na nakipag-date siya sa mga nireto sa kanya ng former classmate niya no'ng nag-reunion ang batch nila ilang buwan na ang dumaan. Hindi nga niya lang maalala kung ano ang nangyari sa mga "date" na iyon. No'ng panahon kasing iyon, kalahating taon pa lang ang nakakalipas nang nakipag-break sa kanya ang ex-boyfriend niya. Ginawa niya ang lahat para pilitin ang sariling kalimutan ito hanggang sa maging alcoholic siya.

Dahil sa impluwensiya ng alak, marami siyang bad decisions na ginawa. Isa na ro'n ang pakikipag-date sa mga lalaking nirereto sa kanya. At nakikipag-date siya nang lasing o kaya ay may masamang hang-over.

I don't remember sleeping with any of them– heck, I can't even recall their names or faces– but those dates happened during my darkest days so I can't really trust my memory.

"Anyway, is it really a sex video?" paniniguro ni Modesty. "Is it on a level that might force you and Dad to kick me out of the house?"

Tinanong niya 'yon pero sigurado siyang chill lang ang mga magulang niya dahil hindi naman istrikto ang mga ito sa kanila ng kapatid niya. O puwede ring masyadong naging busy sa negosyo ang parents nila kaya hindi masyadong naging involved sa buhay nilang magkapatid noon. Pero hindi naman siya nagtatampo kasi para sa future din nila iyon.

Her mom was a former beauty queen turned businesswoman when she became the general manager of Emeraldstone Publishing– the biggest trade book publisher in the Philippines. It published a wide range of books under several imprints but they were best known for their textbook and reference books.

Oh, Emeraldstone served as the publishing arm and a subsidiary company of Bookkeeper Inc. – a retail company that operated a chain of bookstore and school supplies stores. And the chairman of Bookkeeper Inc. was her father.

"It's not a sex tape," pag-a-assure sa kanya ng mommy niya. "But I wished it was. Mas malaking problema pa kesa sa sex tape ang ginawa mong eskandalo, anak."

"What, why?" naguguluhang tanong ni Modesty, saka siya bumangon at kinuha ang phone ng mommy niya. "I'll watch it na nga lang."

"Yeah, you just watch it," pagsang-ayon naman ng mommy niya. "Ang hirap i-explain ng kagagahang ginawa mo kagabi, eh."

Kinabahan siya sa sinabing iyon ng mommy niya kaya pinindot agad niya ang play button.

"I'm the creator of Endgame!"

Napasinghap si Modesty nang makita ang sarili niya sa video habang nakatuntong sa mesa at may hawak pang bote ng alak sa magkabilang-kamay. Mukhang nasa isang bar siya at karamihan sa ibang mga guests na makikita sa frame ay nakatingin sa kanya. "Am I crazy?!"

ENDGAMEWhere stories live. Discover now