8: Willpower

267 25 10
                                    

NOTE: Please don't forget to vote and leave a comment. Active readers = regular updates (Tuesday and Thursday, 5PM or 6PM). Thank you.

PS: Saying "update" doesn't count. :)

***


"MOE, WHAT should we do about your half-brother?"

Gustong mapasinghap ni Modesty dahil nagulat talaga siya nang tawagin siya ni Heather na katabi niyang nakaupo sa malambot na sofa. Kasi naman, kakadeklara lang niya kay Sina na hindi na ma-i-in love si Moe kay Sik. Pagkatapos, bigla na namang may malakas na puwersang humila sa kanya papunta sa eksenang ito.

She was really surprised but the current scene required her to be pokerfaced so she did.

Shit, ang bilis ng pace ngayon.

Naisip niya na baka hindi niya natapos ang thirty minute break na meron siya kapag wala siya sa "panel" ay dahil malaki ang papel niya ngayon sa eksenang ito.

Hindi siya nagrereklamo dahil napansin niyang nag-change outfit na siya sa eksenang iyon.

She now wore a denim jacket over a little black dress and a pair of black ankle boots.

"Waku is acting up again," dagdag ni Trent na pansin niyang dumudugo ang gilid ng mga labi at matalim ang tingin sa kanya. Pero ramdam niyang hindi naman ito sa kanya galit. "Hindi ko pinapatulan si Waku kasi alam kong half-brother mo siya. But this is too much." Tinuro nito ang pumutok na labi. "Look what he did to my face!"

Modesty felt so proud of herself when she stared at Trent's handsome face.

I drew him so well.

Trent was Train's avatar in Endgame. Gaya ng lahat ng male characters niya, siyempre, guwapo rin ito dahil isa ito sa mga karibal ni Waku kay Nara na sikat sa mundong iyon.

A webcomics heroine must attract at least two male characters, of course.

Anyway, Trent sported a man bun. Kapag nakalugay ang itim nitong buhok, umaabot iyon hanggang sa balikat nito. Ah, he chose a pretty eyecolor for him to match his "feminine" look– and that color was amber. Parte kasi ng character ni Trent ang pagiging mukhang inosente kahit hindi naman.

Kinda like that sly Train Vergara in real life.

"I'll talk to Waku," kalmadong sabi ni Modesty dahil iyon ang linyang pumasok sa isipan niya at awtomatikong lumabas sa bibig niya. "Don't worry, Trent. I'll make him apologize to you. Isusumbong ko rin siya sa daddy namin."

Kung wala lang siya sa eksenang iyon, baka natawa na siya sa sarili niya. Naalala kasi niya na noon, sumbungera talaga siya. Lagi niyang sinusumbong si Quintus sa mga magulang nila kapag napapaaway ito sa school.

I think we're on Episode 35 now.

Nakikita kasi niya na nasa VIP lounge sila ng MonkeyBar. Nakaupo sila sa C-shaped velvet couch habang nakapaligid sa oblong table. May mga alak sa ibabaw ng mesa, gano'n din ang ilang finger food na gaya ng nachos, fries, tacos, at wagyu cubes.

Siyempre, dim ang ilaw do'n at tumatama ang iba't ibang kulay ng laser lights sa mga mukha nila. Pero halata namang sanay na sa lugar na iyon ang grupo. Eighteen years old ang mga main at side characters sa Endgame kaya umiinom na sila. Bukod do'n, may access din sila sa gano'ng lugar dahil may gig ang banda nila do'n.

Right, we also have Mint Chocolate here.

Ginamit niya ang pangalan ng high school band nila mula sa totoong mundo dahil hindi naman sila naging official band. In short, she was free to use their name. Saka bukod do'n, siya rin naman ang nag-isip ng pangalan ng banda nila noon.

ENDGAMEWhere stories live. Discover now