4: Dr. Skelton Serrano

297 21 9
                                    

"YOU DIDN'T have to do that for me, Skelton."

Napatingin si Skelton sa katabi niyang si Fei– na kapwa niya doktor sa Serrano Hospital– habang silang dalawa lang ang sakay ng elevator. Nakasuot ng scrubs sa ilalim ng white coat nito ang babae kaya siguradong shift pa nito. Habang siya naman, kaswal na ang suot na gray polo at black trousers dahil pauwi na siya.

Katatapos lang ng mahigit 24 hour shift niya dahil may inoperahan siyang pasiyente kagabi. Siniguro muna niyang stable ang kondisyon ng iba pa niyang mga pasiyente bago siya nagdesisyong umuwi ng condo unit niya.

"What do you mean by that, Dr. Agustin?" tanong ni Skelton kay Fei. "I'm sorry but I really don't know what you're talking about."

"You don't have to be that formal when we're alone," nakangiting sabi ni Fei. Nang hindi siya nagkomento sa sinabi nito, saka lang ito nagpatuloy. "I'm sorry but I've heard you when you were on the phone earlier. Narinig ko kasi ang name ko kaya hindi ko napigilang makinig. You were talking to Modesty, weren't you?"

"What about it?"

"I've seen her viral video so I checked out her webcomics after my shift last night," pagkukuwento nito sa halatang masiglang boses. "She based one of the side characters on me and didn't even change my name, huh?"

On the surface, he remained pokerfaced. But mentally, he was sighing and shaking his head. He wondered how many people would sue Modesty for character assassination.

Alam naman niyang malabo ang magiging kaso lalo na't "inspirasyon" lang naman ang mga totoong tao sa webcomics ng ex-girlfriend niya. Pero hindi siya gano'n kakampante dahil merong video si Modesty kung saan nag-name drop ito ng mga kilalang tao. Hindi maitatangging "nasira" nito sa publiko ang mga binanggit nito. Lalo na ang kaibigan niyang si Train Vergara.

He had a long talk with Train after his long surgery last night. Siniguro niyang hindi susugurin ng lalaki si Modesty. Kumalma naman ito nang ipaalala niya ritong wala namang ebidensiya ang ex-girlfriend niya kaya siguradong hindi agad maniniwala ang publiko rito.

It wasn't that he threw Modesty under the bus. Totoo naman ang sinabi niyang wala itong ebidensiya. Saka kailangan niya 'yong sabihin kay Train dahil kung hindi, mas malaking problema ang haharapin ng ex niya.

I managed to pacify Train but the Vergaras won't let this slide for sure.

Mayaman ang mga Alcantara pero inferior pa rin ang mga ito sa mga Vergara kaya kung desidido talaga ang angkan ni Train na idemanda ang ex-girlfriend niya, magagawa ng mga ito iyon. Hindi rin puwedeng maliitin ang agency ng Kpop celebrity na si Niki Park at ang sikat na Broadway actress na si Harper Lewis.

"Do you want to sue Modesty?" tanong ni Skelton sa doktora. Fei's character in the series is slightly evil so I wouldn't get surprised if she's mad about it.

"I don't have time for that," natatawang tanggi ni Fei habang iiling-iling. "I actually find it cute. Modesty is our age us but she still a little bit immature, isn't she? But at least, she's doing something for her... "career", I guess."

"Being an illustrator is a career."

"Of course, it is," pagsang-ayon ng doktora na parang napahiya sa sinabi niya. Pero mabilis ding bumalik ang maganda nitong mood nang nagsalita uli. "Anyway, like I was saying earlier, you didn't have to ask Modesty to remove my character from her webcomics. Based on what I've read in Endgame so far, it seems like she got the wrong idea about us when we were in med school. Alam kong matagal na kayong nag-break pero ayoko pa ring isipin niya na tama ang hinala niya noon about us." Hinawakan siya nito sa braso niya na marahan pa nitong pinisil. "I appreciate it, though. Thank you for trying to defend me, Skelton."

"I didn't do it for you," tanggi ni Skelton, saka niya marahang inalis ang kamay ni Fei sa braso niya dahil hindi siya komportable dito. "I asked Modesty to remove the 'Fei' in the series because watching my character get involved with a girl that's not her is very uncomfortable. Endgame is based on what happened to us during our high school year and that was our time. Ayokong baguhin niya ang good memories namin dahil lang sa selos. Na hindi naman dapat kasi in the first place, colleague lang ang tingin ko sa'yo kahit no'ng nasa med school pa tayo."

"I can't believe you," halatang frustrated na sabi ng doktora. "You asked Modesty to remove me from the story for your own convenience?"

Tumango siya bilang pagkumpirma sa tanong nito. "Modesty and I can't be together in real life anymore so I want us to end up together in Endgame, at least. To make that happen, your character must disappear from the series."

Namula ang mukha ni Fei at halatang hindi nagustuhan ang mga sinabi niya. "Do you still love your ex-girlfriend?"

"That's none of your business," sagot niya, saka siya naunang lumabas ng elevator nang bumukas iyon. "See you around, Dr. Agustin."

Habang naglalakad papuntang elevator, binabati siya ng mga nakakasalubong niyang hospital staff na tinatanguan niya lang. Distracted kasi siya sa tanong ni Fei kanina.

Did he still love Modesty?

I guess it's not important anymore since she doesn't deserve a selfish asshole like me anyway.

Habang hinihintay na bumukas ang elevator, nilabas niya muna ang phone niya para i-check ang kondisyon ng panahon sa Quezon Province. Iisang bundok lang naman ang kayang akyatin ni Modesty kaya alam niya kung saan ito nagpunta para mag-hike. Na para sa kanya ay isang malaking reckless move dahil may bagyo ngayon sa Pilipinas.

At nakumpirma iyon ng masamang online news na sumalubong agad sa kanya: Nagkaro'n ng landslide sa bundok na sigurado siyang inakyat ni Modesty!

"Modesty..." bulong ni Skelton nang bigla siyang nanlamig sa takot para sa posibleng kalagayan ngayon ni Modesty. He called her again to check on her but her phone was already out of reach. "Damn it, woman!"

Nang bumukas ang elevator, pumasok agad siya sa loob at pinindot ang button papunta sa basement parking kung nasa'n ang Lambo niya. Habang nasa loob siya niyon, tinawagan niya ang mga tito niyang may ospital din sa Quezon Province. Plano niyang gamitin ang lahat ng konseksyon niya para mahanap at masigurong ligtas ang ex-girlfriend niya.

I need to go there myself to make sure that Modesty is safe.

Posibleng magalit sa kanya ang mga magulang niya sa ipinapakita niyang matinding pag-aalala para sa babaeng iniwan niya noon. Pero hindi na iyon mahalaga sa ngayon.

Ang daddy niyang si Sergio S. Serrano M.D. ang chairman and president ng Serrano Hospital Inc. habang ang mommy naman niyang si Dr. Kim Henares-Serrano ay ang Medical Director ng Kim H. Medical Group na nag-o-operate ng chain of medical aesthetic clinics sa Pilipinas. Bilang mga presidente ng kanya-kanyang kompanya ng mga ito, naging mahigpit at istrikto sa kanya ang mga magulang niya simula pa no'ng pagkabata niya.

Kaya kahit doktor na siya at malapit nang mag-treinta anyos, aaminin niyang medyo takot pa rin siya sa galit ng mommy at daddy niya.

He couldn't help it, though.

Modesty, please be safe, nag-aalalang sabi ni Skelton sa isipan. Just where could you be right now, huh?

ENDGAMEWhere stories live. Discover now