In Heaven 4

29 1 0
                                    

In Heaven 4

Recap:

“Eherm…” singit ng isang boses na sabay nilang ikinalingon.

Nakita nya si Suli with another girl and man who he guess is Mr. Choi.

“Mr. Choi?”

“Mr. Zenandre.” Sabi nito sabay tingin sa magkawahak pa din nilang kamay ni Angel.

Napabitiw naman ito bigla ng mapansing nakatingin doon si Mr. Choi to his disappointment.

“Angel, What is the meaning of this?” nagulat pa sya ng tawagin ni Mr. Choi si Angel.

Hindi naman siguro sila gaya ng naiisip nya di ba?

Still Marcus POV

“Ahmmm… Kuya….”

Hindi nya alam kung bakit pero parang nakahinga sya ng marinig nyang tinawag ni Angel na kuya si Mr. Choi.

“Mr. Zenandre I believe you already meet my cousin Angel Burren. She’s the organizer of this event and one of the artist.”

So hindi lang pala magaling na artist si Angel. Isa din itong mahusay na organizer. Well based sa nakikita nya he find the event successful.

 “Yeah, She’s definitely a great painter.” Nakita nya pa ng magblush ito.

“So let’s talk about business. I’m sorry kung ditto ang meeting place natin. May appointment din kasi ako sa isa sa mga artist na nandito. May spare room naman dito na magagamit natin para mapag usapan natin ang ipo propose nyong business.” Seryosong sabi ni Mr. Choi.

“It’s okay Mr. Choi. Nag enjoy din naman ako sa pagtingin tingin ditto sa exhibit. Marami akong nakitang interesanteng bagay.” Sabi ko sabay tingin kay Angel na tila lao pang nag blush.

“Angel can you lead us sa spare room so we can finish this business matter.” Sabi ni Mr. Choi at tila sinamaan ako ng tingin.

The typical over protective cousin, huh?

After naming ma settle ang proposal ko kay Tyrone (A/N: Si Mr. Choi yan, cousin ni Angel sa mother’s side)  agad kong hinanap si Angel.

Well, hinintay ko pang matapos ang event saka ko sya niyayang mag dinner. She said yes na ikinatuwa ko naman.

We became friends and after 2 months niligawan ko sya. Sinigurado ko muna ang feelings ko sa kanya bago ko napagpasyahan na ligawan na talaga sya. Unlike the other girls na dumaan sa buhay ko si Angel ang sineryoso ko. Hindi naman nya ako pinahirapan dahil after 6 months she finally said YES!!... sa mismong birthday ko pa.

At tumagal kami ng eight years. Sa loob ng walong taon na iyon minahal ko sya ng sobra at ganun din sya sa akin. Ang mali ko lang napabayaan ko sya ng sobra dahil sa ambisyon ko at halos lahat ng dates at anniversary namin ay nakakalimutan ko ng siputin.

Hanggang sa namalayan ko na nga lang na nawala na sya sa akin ng tuluyan.

***********************************************

Ayun 2 short updates... Mianhe sinisipag kasi talaga akong magbasa... adik na naman ako kakabasa ng werewolf stories....

(Sa nagbabasa ng Princess and the Hearthrob iuupdate ko din yun pwamisss!!! tinatamad lang talaga ako mag type pero may update na sya. Nakasave sa phone ko..)

yun lang.. VOTE, FAN, COMMENT.....

KAMSAHAMNIDA.......

In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon