"Would you be happier if I let you go?" Umiiyak na tanong niya saakin.
Kahit gusto ko na lumuha kasama siya ay hindi ko magawa. Hindi ko kaya.
Isang matapang na mukha ang pilit na ipinapakita ko sakanya, ni katiting na lungkot ay hindi ko hinahayaan na mapansin niya.
Kaya ko nga bang panindigan ang desisyon ko na ito?
"Oo." Matigas na sagot ko. Lumunok ako upang mawala ang sakit na namumuo sa lalamunan ko.
Nakita ko ang pagsilay ng lungkot, galit at panghihinayang sa maamo niyang mukha, ang mukha ng taong mahal na mahal ko.
Tumango-tango siya at ipinahid ang likuran na bahagi ng kanyang palad sa luhaan niyang mga mata.
"If that's what you want."
Hindi ko inaasahan ang paghaplos ng kanyang palad sa mukha ko. Pinadausdos niya ito mula sa aking pisngi papunta sa aking labi "Tandaan mo na mahal na mahal kita."
Mabilis niya akong niyakap, sobrang higpit na halos ayaw niya na akong pakawalan.
Hindi ito pwede.
Mabilis akong kumawala at umatras. Kapag hindi ko ito ginawa ay siguradong babawiin ko ang lahat ng sinabi ko sakanya.
"Simula sa araw na ito." Lumunok uli ako "Hindi na tayo magkakilala. Kalilimutan na kita." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas upang sabihin iyon.
Tumango-tango uli ito.
"Gusto ko na maging masaya ka, kung ito ang katuparan non." Tumigil siya sandali at tumingin direkta saaking mga mata. "Pinapalaya na kita."
Kasabay ng kanyang pagtalikod ay ang pagbuhos ng masaganang luha saaking mga mata. Ang mga luha na pilit ko na pinipigilan, ngayon ay nag uunahan ng lumabas na para bang kaya nilang pigilan ang pag alis niya.
Pinili ko ito, dapat ay mapanindigan ko.
Ganoon ako dalawang buwan na ang nakalilipas. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin saakin ang sakit na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.
--------------
'Did you hear about the news? Adrian and Tamara are now officially dating.'
'Yeah, I saw them kissing at the corridor yesterday.'
'They really look good together.'
'kawawa naman si Mia.'
'Ang bilis naman niyang mapalitan.'
'I thought si Mia and Adrian.'
'I heard they broke up because Adrian found someone better.'
Ilan lang iyan sa mga salitang naririnig ko simula pa kahapon.
I should have known. Hindi lang naman ako ang babaeng kayang mahalin ni Adrian at isa pa, dalawang buwan na rin naman ang nakakalipas.
Natahimik ang lahat ng tao sa canteen ng pumasok si Adrian habang naka angkla naman sa braso niya si Tamara.
They are right.
He deserve someone better.
And I admit, they are really good together.
Parehong mayaman, sikat, gwapo at maganda.
Dahil nasa aisle ang mesa na inuupuan ko ay hindi maiiwasan na sa harap ko silang dalawa dadaan. Lahat ng tao sa paligid ay inaabangan kung ano ang mangyayari.
Kahit hindi ko nakikita ay alam ko na lahat sila ay nakatingin saaming tatlo.
Pahapyaw ko na tinignan si Adrian.
He looks happy...
...and contented.
Nakatawa siya habang nakikipagusap kay Tamara.
Ang mga mata niya na dati-rati ay saakin lamang nakapako, ngayon ay nasa ibang tao na nakatuon. Ang mga ngiti niya na pinagdadamot niya sa iba pero libre ko lang nakukuha ngayon ay sa ibang babae na nakatalaga.
Dumaan sila sa harap ko na hindi man lamang ako tinitinignan.
Masakit.
Sobrang sakit pero hindi dapat niya ito makita.
"Okay ka lang Mia?" Naagaw ang atensyon ko ng magsalita si Laira. Bestfriend ko.
"Bakit naman hindi?" Pinilit ko na maging masaya sa harap niya.
"I know you're not." Diskumpiyadong turan nito.
Hindi ko siya masisisi, noong naghiwalay kami ni Adrian ay hindi ko agad sakanya sinabi. Nalaman niya nga lamang ilang araw pa simula ng mangyari iyon. Hindi ko nga sakanya sinabi ang buong nangyari at ang mga rason kung bakit kami naghiwalay.
"Move on na okay? Ang tagal na nun." Bumalik ako sa pagkain para huwag niya na akong usisain.
"I know may mabigat ka na rason ,hindi kita kukulitin pero alam mo na nandito lang ako parati."
Ngumiti lang ako sakanya.
Upang maiwasan ko ang mga tingin ng lahat ng tao sa canteen ay niyaya ko na agad si Laira na umalis pagkatapos naming kumain. Dahil meron pa naman kaming kalahating oras bago ang next subject ay napagdesisyunan namin na pumunta sa library.
Pero sadya yata talagang mapagbiro ang tadhana. Isang metro mula sa mesa na inuupuan namin ni Laira ay siya namang pwesto ni Adrian at Tamara.
Parang ang bilis naman ata nilang makarating din dito sa library.
Hindi ko alam kung sinasadya niya ba talaga na palagi kaming magkita.
Ang puso ko. Pilit na umaasa.
Na baka naman pinagseselos niya ako para magmakaawa ako sakanya at bawiin ang pakikipaghiwalay ko.
Pero hindi ko gagawin 'yon.
Hindi pwede.
"Balik na tayo sa room?" Yaya ko kay Laira.
"Ha? Hintayin mo muna ako, may ipapa photocopy lang ako sandali. May nakita na kasi akong magandang topic para sa research ko."
"S-sige. Basta bilisan mo."
Mabuti na lamang at meron photocopy section sa loob ng library. Hindi kasi allowed na ilabas ang mga libro para lang mag photocopy kung kaya meron sa loob ng library.
Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro na nasa harap ko. Ngunit ang utak ko ay nag lalalakbay sa kabilang mesa. Kahit hindi ko sila tinitignan ay parang nakikita ko ang ginagawa nila.
Masaya.
Nagtatawanan.
Nagkakamabutihan.
Dahil hindi ko matiis ay pahapyaw ko silang tinignan.
At nadurog ang puso ko ng makita ko ang magkahawak nilang kamay at mas lalo pa itong nadurog ng halikan ni Adrian ang noo ni Tamara.
Ibinalik ko ang paningin ko sa librong hawak ko kasabay nito ang pagtulo ng luha sa kaliwang mata ko.
Mabilis ko itong pinunasan.
"Nasaan na ba si Laira."
Iniangat ko ang aking paningin para tignan kung pabalik na si Laira ngunit hindi ko inaasahan na mag tatagpo ang mga mata namin ni Adrian.
Halos tumigil ang paghinga ko hindi dahil sa tingin niya kundi dahil mabilis niya itong binawi at pinukol sa katabi niya.
Wala na talaga. Wala na siyang nararamdaman.
Hindi ba ito naman talaga ang dapat. Ito ang naging desisyon ko pero bakit ako ang mas nasasaktan?
To be continued...
BINABASA MO ANG
Libbele's Compilation of Short Stories
General FictionHope you love these stories as well as all the characters. xoxo Libbele :)