Matapos ang misa ay sinadya ko ang likuran na bahagi ng simbahan kung saan matatagpuan ang sementeryo.
Tinalunton ko ang makipot na daan sa gitna ng mga nag tataasan na nitso papunta sa pinakagitna na bahagi. Pansin na ang pag usbong ng mga ligaw na halaman kahit katatapos pa lamang ng undas isang buwan na ang nakalilipas.
Tinignan ko ang kalangitan, malapit na mag takip-silim kung kaya binilisan ko ang paglalakad upang hindi ako abutan ng dilim.
Matapos ang ilang minuto na paglalakad ay sumilay ang ngiti sa aking labi ng makita ko na siya.
Sa lugar kung saan siya payapang nakahimlay.
Lumapit ako at naupo sa harap ng lapida niya. Pinadausdos ko ang aking mga daliri sa pangalan na naka talyada rito.
Nathaniel De Dios
Born: January 20, 2001
Died: December 14, 2018Napansin ko ang isang upos na puting kandila na halos kalahati na ang haba na naka nakatayo sa ibabaw nito. Mukhang bagong lagay lamang dahil papatuyo pa lamang ang mga bulaklak na katabi nito.
"Mukhang binisita ka na naman niya." Ngumiti ako na parang nakikita niya ang ekspresyon ng mukha ko."Sana ay hindi siya mapagod sa pagdalaw sa'yo."
Inilabas ko sa aking bag ang dala ko na kandila at posporo. Inayos ko muna ang lubid sa dulo nito bago sinindihan.
"Isang taon na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat." Huminga ako ng malalim dahil naramdaman ko ang pag usbong ng masaganang luha sa aking mga mata." Masaya ka na ba jan Tan-tan?"
Isang taon na mula ng mangyari ang aksidente na kinasawi ng buhay niya. Ang sanang masayang pasko na aming sasalubungin dalawa, ay mag-isa ko na hinarap ng hindi na siya kasama.
"Naaala mo ba kung anong araw ngayon?" Mapait akong ngumiti. "It's my 18th birthday."
Debut ko ngayon pero hindi ko maramdaman ang kasiyahan dahil sa araw na ito mismo niya ako iniwan.
"Naalala mo ba yung hula saakin ng matandang kapit-bahay niyo." I sobed
"Sabi niya malalaman ko raw kung sino yung tao na nakatadhana saakin sa araw bago matapos ang ika-labinwalong kaarawan ko." Napangiti ako kahit luhaan ang aking mga mata.
Naalala ko pa ang araw na iyon, I was just fourteen. May matandang manghuhula noon na kapitbahay sila Tan-tan. Habang nakatambay kami sa labas ng bahay niya ay bigla itong lumapit saamin. Abala kaming dalawa magkwentuhan habang kumakain ng chichiriya at umiinom ng softdrinks.
"Gusto mo ba magpahula ineng?" Nagulat ako ng biglang may lumapit saaming matanda. Kung gaano kakaunti na lang ang kulay abo nitong buhok ay siya naman haba ng kanyang balbas sa baba.
"Oi Mang Goryo, huhulaan mo ba itong bestfriend ko?" Masiglang tanong ni Tan-tan. Tumayo ito sa pagkaka-upo at lumapit sa matanda.
"Iyon ay kung gusto niya." Nakangiti nitong turan saakin.
Lumipat ang tingin ko kay Tan-tan at pinakita rito ang mukha ko na nag papahiwatig ng 'Sigurado ka ba?'.
"Sige na mag pahula ka na, magaling yan si Mang Goryo." Ngiti-ngiti ito saakin.
Lumipat ang nag aalangan na tingin ko kay Mang Goryo. "Libre po ba?"
Nagtawanan silang dalawa.
Naala ko kasi na bente pesos lang ang nasa bulsa ko.
"Hindi nagpapabayad yan si Mang Goryo." Sabat ni Tan-tan, pinandilatan ko ito.
BINABASA MO ANG
Libbele's Compilation of Short Stories
Ficción GeneralHope you love these stories as well as all the characters. xoxo Libbele :)