Di Inakala Part 2

12 1 0
                                    

Open ending po dapat ang story na ito, pero dahil may mga nagrequest ng part 2 ay hindi ko natiis na hindi kayo pag bigyan.
Note: Please read the first part bago niyo basahin ito, para mas feel niyo ang kilig. Visit my account.xoxo

"Debut mo ngayon pero sambukol ang mukha mo."

Inangat ko ang mukha ko paharap kay Sam, kapatid ko. Kasalukuyan siya ngayon naglalagay ng make-up sa mukha niya.

Isang ngiti na hindi umabot sa mata ang pinakita ko sakanya.

"Paanong magsasaya  ang ating debutante, wala ang pinaka paborito niyang tao sa mundo." Si Mommy.

Inaayos niya ngayon ang mesa kung saan nakalagay ang mga handa na pina cater nila para sa kaarawan ko. 

Lumpit ito saakin at sinuklay gamit ng mga daliri niya ang nakalugay ko na buhok. Pinili ko na huwag ng ayusin ito at hayaang nakalugay dahil sa suot ko na Halter Chiffon Dress.

"Diba napag-usapan na natin ito?" Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mukha. Senyales na kailangan ko maging masaya kahit hindi ko kaya.

"I'm sorry Mi, di ko lang po maiwasan."

"It's Okay, fix yourself at darating na ang mga bisita mo." Tumayo ito at bumalik sa mesa.

Umakyat ako sa kwarto at sinimulan na ayusin ang sarili ko. Naglagay ako ng konting make-up at inilagay sa buhok ang bagong bili ni Mommy na Crystal Barrette. May mga palamuti ito na mga kumikinang na maliliit na rosas, bumagay ito sa kulay ng damit ko.

Habang wala pa dumarating na bisita ay naupo muna ako sa harap ng salamin.

Pinili ko na huwag magkaroon ng egrandeng handaan. Paano ko nga ba ipagdiriwang ang araw na ito gayong ang araw na ito rin ang pinakamasakit na araw sa buhay ko?

Mapait akong ngumiti ng maalala ko na naman ang nakaraan, ngunit dahil nangako ako sakanya na hindi na muling iiyak ay pilit kong pinipigilan ang mga luhang nais na namang kumawala sa aking mga mata.

Happy thoughts.

Kailangan ko makaisip ng mga magagandang alala.

Nadapo ang aking paningin sa itim na kahon na kasalukuyang nakapatong sa study table ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Muli ko na naman naramdaman ang kakaibang pakiramdam ng makita ko muli ang nilalaman nito.

"Hindi naman totoo ang hula saakin, uto-uto lang ang maniniwala doon." Kausap ko sa sarili.

E di uto-uto si Nathaniel dahil naniwala siya. Sabi naman ng utak ko

"Isa pa..." napaisip ako "hindi naman talaga para saakin ang mga rosas na ito."

Bakit ko nga ba naiisip kung totoo o hindi ang hula o kung para saakin ang mga rosas na ito o sa ibang babae. Wala naman akong pakialam kay Bryan. Kahit sino pa ang bigyan niya nito ay wala akong pakialam.

Kung totoo man ang hula ay hindi ko masasabi na si Bryan nga ang lalakeng nakalaan para saakin. Mahaba pa ang gabi at maaring marami akong matanggap na pink roses sa mga bisita ko. Ang malas ko naman kung siya nga ang makakatuluyan ko. Habang buhay ko titiisin ang kayabangan at toyo niya sa utak.

Mahinang katok sa pinto ang pumukaw sa malalim ko na pag-iisip. Sumungaw ang mukha ni Sam na ngayon ay parang payaso dahil sa kapal ng make-up niya.

"Bumaba ka na, nandito na mga classmates mo." 

"Sige, sunod ako."

Tinignan ko uli ang sarili ko sa salamin bago ako pumanhik paibaba.

Nasa hagdan pa lamang ako ay rinig ko na ang malakas na tugtog at halakhakan sa ibaba. Nag set up ng lampas sa sampung mesa sa garden ng bahay namin.

Libbele's Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon