"Would you rather choose to be happy or to make someone happy?"
Napatingin ako kay Laira.
Kahit hindi ako ang tinatanong ay pakiramdam ko ako ang tinatamaan.
Kasalukuyan kaming nasa canteen habang kumakain at ini interview ng mga freshmen. Survey lang naman para sa isang subject nila. Dahil wala ako sa mood ay si Laira na lamang ang sumasagot sakanila.
"Para saakin, I will choose to be happy." Confident na sagot ni Laira.
"Bakit naman po?" Tanong uli ng freshman.
"Because it's my life, I will not let myself suffer for someone's happiness." Walang gatol na sagot niya. "Besides, we only live once so better be happy than sorry."
"So are you willing to sacrifice other's happines for your own?"
"Well sort of, pero kung minor happiness lang naman I'm willing to step down."
"Ikaw po ate ano po piliin mo?" Tanong saakin ng kasama ng isa pang freshman.
Wala na sana ako balak sagutin sila pero lahat ng mata nila ay nakatuon saakin including Laira, as if my answer will make the world a better place.
"Well for me, I'll choose to make someone happy."
"And why is that?" Mataray na turan saakin ni Laira.
"Because choosing someone's happines means choosing mine too, especially if that is someone I love."
Nakita ko ang masamang pukol na tingin saakin ni Laira. Inirapan ko na lang siya dahil siguradong nag iisip na naman siya ng kung ano-ano.
Mabuti na lamang at hindi na nagtanong ng kung ano-ano pa mga ito ay hinayaan na kami ni Laira na kumain.
"Care to share?"
I look at her with astonishment.
Akala ko di na siya mag uusisa.
"Alam mo nag tatampo na ako saiyo." I saw how frustrated she look.
Hindi ko alam kung dapat ko ba sakanya sabihin ang totoo. Hindi pa ako handa.
"I'll tell you soon." Hinawakan ko ang kamay niya. "But please intindihin mo muna ako okay?"
"May magagawa ba ako? Eh hamak na bestfriend mo lang naman ako." Nagbibirong tugon nito.
"Grabe siya."
"Joke! Pero itong parating hindi joke."
Sakto paglingon ko sa likod ko ay nagsalubong ang mga mata namin ni Adrian.
He's with his friends.
Mabilis ko binawi ang tingin ko dahil napansin ko na saakin na rin nakatingin ang mga kaibigan niya.
I missed them also.
"Tara na?" Yaya ni Laira.
Saktong pag tindig ko ay siya naman daan ni Adrian sa gilid ko.
"Let's talk." Seryosong saad niya.
Nabigla ako dahil pagkatapos ng dalawang buwan ay ngayon lang uli kami nag kausap.
"Ano ba yung hindi malinaw sa sinabi ko?" Matigas na tugon ko. "Sorry hindi kita kilala."
Halata ang pagkunot ng noo niya at pagsalubong makakapal niyang kilay.
"Stop this nonsense."
Mabilis niyang hinawakan ang braso at kinaladkad ako palabas ng canteen. Dinig ko pa ang singhap ni Laira at halo-halong bulungan ng mga tao sa paligid.
BINABASA MO ANG
Libbele's Compilation of Short Stories
Ficción GeneralHope you love these stories as well as all the characters. xoxo Libbele :)