"And here comes the pride of LG University: Twins Baseball Club
Park Jinyoung in Men's Category and
Kang Seulgi in Women's Category."
announcement ng mga tukmol na tropa ni Pepi.Walang official game ngayon at nasa isang bahay bakasyunan ang buong Twins Baseball Club sa kadahilanang nagwagi ang both teams sa kanya kanyang category, at ngayon nga ay naggaganap ang isang friendly match between boys vs. girls.
Pahinga talaga ang pinunta namin kaso masyado atang sporty ang buong team kaya nagmukhang Team Building ang bakasyon na sponsored ng mayor ng city namin, walang gastos ang buong trip namin kaya literal na bakasyon grande nga.
Wala dapat magaganap na hamunan kaso etong si Pepi malakas ang topak at naisipang asarin ako ngayong araw. Muntik ko na nga syang sapakin buti na lang at naawat ako ng girl's team at si Coach Minho na umaawat samin ay naisipang magkaroon ng friendly match pero ang matatalo ay magiging alipin ng kabilang team ng isang buong araw.
"Deal" sigaw namin pareho ni Pepi
"Tapos ka sakin ngayon Ddeulgi, kala mo ha, mapapalo ko na yan ngayon." pananakot nya pa sakin.
"Walang natatakot sayo, ambisyoso, di mo to mapapalo tsaka 2 wins to no, di mo alam kung ilan sa ibabato ko ang mapapalo mo, iiyak ka talaga pag natalo kayo dito." sigaw ko pabalik sa kanya.
Di naman sa pamamayabang pero sa mga laro namin dati never syang nanalo sakin, simula pagkabata laging ako ang panalo, kaya minsan napapaisip ako pano umaabot sa championship to ngayon eh, di ko naman na sya nakikitang maglaro dahil iba ang sched ng practice namin at iba rin ang sched ng klase ko, ayaw pagtugmain, at kung tatanungin nyo kung asan ako pag may laban sya, nasa may sulok ako at nagdadasal naman para sa laban ng girl's team.
Game 1
Pumwesto na kami pareho sa mga posisyon namin. Inayos ko talaga ang postura ko para sure na di nya masasalo, at dahil nakuha pang mang-asar ni gago, ayun dumaplis yung palo nya.
Tawa ako ng tawa ng makita ko syang nanlumo dahil di nya natamaan ang bola, timang kasi, ako naman tuloy ang nagkaroon ng gana na asarin sya."Hoy Pepi akala ko ba may pagbabago parang wala naman, kabaliwan mo kasi kaya ayan talo ka tuloy bleeeehhh."
"Tsk tsamba ka lang kasi distracted pa ako, pero di na ngayon 'tatamaan ka na sakin ngayon'." mejo mahina yung pagkakasabi nya sa huli kaya di ko na pinansin , baka sinusumpa na ako neto ngayon eh.
Game 2
This time natamaan nya na yung bola, nakita ko na ang pagbabago sa postura at galaw nya ngayon, malayo rin ang naabot ng bola na hinampas nya, sapat na para magkapuntos sila ngayon.
Tuwang tuwa ang kupal nakipagdambaan pa sa mga kagrupo nya eh tie pa lang naman ang points, mga baliw talaga.
"Pag tayo nanalo Pepi ha, alam mo na" rinig kong sigaw ni Jackson sa kanya. 'ah baka pustahan na naman to, baka sya ang manlilibre ng dinner nila.' sa isip isip ko.
Game 3
Mabilis kong binato ang bola diretso kanya na ikinagulat nya, napabalikwas pa sya kaya di nya naman natamaan.
" Pepi patalo bleeehhh."pangaasar ko sa kanya
"Sus nakatsamba ka lang at distracted ako ngayon." sabi nya habang pabalik na kami sa bench para magpalit na ng players na maglalaro dahil sa amin na manggagaling ang batter.
"Bakit ka naman distracted aber" tanong ko sa kanya ng makaupo na kami at nagpupunas na nang pawis dahil magtatanghali na rin at mainit ang araw.
"Ikaw kase" sagot nya kaya nasamid ako habang nainom ng tubig.
BINABASA MO ANG
Close To Me
RomanceJinyoung x Seulgi Scenarios/ Au Prompts/ One-Shot (since i can't really write a whole story about it 😂😂)