Scenario #8

26 4 0
                                    

"Her name is Ms. Apple Berry, Apple Berry, Apple Berry."

Rinig ko na namang kinakanta nang mga bata sa daycare room. Bukas ang bintana kaya dinig ko ang malakas na kantahan ng mga bata sa loob.

Actually hindi yung malakas na sigawan nila ang nakakapagpainis ng araw ko eh, kundi yung mismong kanta na sakto nilang sinisigaw pagnadaan ako sa gilid ng classroom nila. Yung pangalan kasi sa kanta ang mismong ipinangalan sakin ng aking mga butihing magulang, dahil daw dun naglihi si mama nung pinagbubuntis nya ako. Apple at strawberry, matagal ko nang naitanong sa kanila kung bakit di na lang isa dun sa dalawa ang ipinangalan nila sakin kaso nauuwi lang sa mahabang kwento ng pagbubuntis ni mama at nauuwi sa landian ng magulang ko ang diskusyon namin kaya tumigil na ako maghanap ng sagot sa kanila.

So back to topic sa daycare section ng school na pinagtatrabahuhan ko. Ayokong isiping sinasadya nila kase hindi ko sila hawak kaya imposibleng asarin nila ako. M.A.P.E.H. teacher ako ng high school dept. at ang tawag nila sakin, eh Ms. Aby kaya hindi talaga nila ako makikilala. Okay naman ako nung una ko yang narinig kase pakiramdam ko tinatawag ako ng mga bata kaso napadalas na at talagang sumasakto sa pagdaan ko sa room nila ang kantang yan na nakakapagpainit na ng ulo ko.

"Ghurl buryo ka na naman hahahah, hulaan ko, appleberry na naman ba narinig mong kanta, pagdaan mo dun."

"Alam mo ikaw, sarap palitan ng name mo ng tinkerbell sa sobrang chismosa mo." inis kong sabi sa kanya. Alam naman na kasi nya yun tinatanong pa.

"Chill Aby, di ako ang kalaban mo tsaka kahit palitan mo pa name ko ng tinkerbell, wala namang kanta ang maasar sakin."

"Sana ol"

"Ayaw mo ba nun di ka pa nila nakikilala, alam na agad nila name mo hahaha, pero kidding aside diba ngayong school year lang naman yan nagsimula. Like last year naman iba iba naririnig mong kanta everytime na dumadaan ka."

"Oo, kaya nga mas lalong nakakairita eh, kasi pakiramdam ko pagdadaan ako dun parang may halong pang-aasar."

"Try mo kaya di dumaan dun ghurl for a change lang hahaha."

"Wendy kung mas mabilis lang din akong makakapag-in pag sa iba ako dumaan edi sana ginawa ko na diba, last time na sinubukan ko yan nalate ako diba."

" Eh Aby, malay mo kasi talagang inaasar ka lang nung nakaassign na preschool teacher dun, yieeee."

"eeeeeewww"

"Eto maka ew, di ka na pabata te, eh balita ko papable daw yung nakaassign ngayong school year sa daycare section. Asawable daw, pak husband material na daddy material pa hahahah."

"Kadiri ka talaga"

"Hala anong nakakadiri dun, ah yung daddy material, eh malamang magaling mag-alaga ng bata, hindi magaling na sugar daddy Aby utak mo talaga, ang halay."

"Bunganga mo ang halay. Wala ka bang klase ha mag tatime ka na Wendy."

"Sus change topic ka pa, O sige na kwentuhan ulit tayo mamayang break see yah." at umalis na nga sya.

Di na tuloy ako nakapagpahinga ng maayos dahil sa kanya. Inayos ko na lang ang mga materials na gagamitin ng mga studyante ko dahil ilang oras  na lang at may klase na ako.

_

"Hoy Ms. Apple Berry ." pambungad sakin ni Wendy paglapit nya sakin kase kakatapos lang ng klase ko.

"Hoy tinkerbell manahimik ka kundi bibigwasan kita jan."

"Ay Ms. Aby grabe ka talaga sakin, o tara na." with matching shadow boxing pa sya.

Close To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon