Scenario #10

21 0 0
                                    

*Ting*

Tunog ng notif sa phone ko. Pagkatingin ko, nakita kong nagpost pala ang Student Council about sa bagong section ngayong year. Binuksan ko agad at hinanap ang pangalan ko sa listahan. Wala namang nagbago, nasa Section 2 pa rin ako. Pagkatapos kong tingnan yun, binaba ko na ulit ang phone ko at nagpatuloy na lang sa pagdodrawing sa sketch pad ko.

*ting*

"ay pusanggala" napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat ng may magnotif ulit.

From: Moonbyul

Baks, alam mo na section mo?

To: Moonbyul

Oo baks, bakit?

From: Moonbyul

Okay ka lang ba?

Napaisip naman ako kung bakit sya magtatanong ng ganyan.

To: Moonbyul

Okay naman ako baks, bakit ba? anong meron?

From: Moonbyul

Nabasa mo naman siguro sa post ng council, kung saan ang section mo diba?

To: Moonbyul

Oo baks, 2 pa rin naman, bakit ba,  naiirita na ako.

From:Moonbyul

Eto na, eto na
Baks tatawag ako para maayos ha.

At tumawag nga sya bigla, kaya sinagot ko agad.

Ako: Ano ba, bakit andami mo pang pasikot-sikot sa tsismis mo.

Moonbyul: Eh kasi baka magberserk ka dyan bigla.

A: So ano nga, bakit di mo pa sabihin? ibababa ko na to.

M: Ay weyt weyt, sige eto na, hinga ka munang malalim, tapos mag-isip ka ng masasayang bagay.

A: Ay andami talagang kaek-ekan no.

M: Gawin mo na lang.

A: oh eto na.

Nagpatugtog pa ako ng mga pampakalmang videos sa youtube.

M : Yan good, so eto na, pano ba to, wait, papakalamahin ko lang din sarili ko. KaSectionMoYungExMoNgayongYear.

A: Ha? ano? kasectionkoyunggshdjdj , ang hina ng pagkakasabi mo, di ko marinig.

M: Ay di ko na uulitin, bahala ka dyan, wala ka kasing pake sa paligid mo eh.

A : Luh ang tagal ko nang ganun, ngayon ka pa nagreklamo.

M: Basta nasabi ko na, ayoko na ulitin.

A: Edi wag, sa monday pala ha daanan mo ko, sasabay ako sayo papasok.

M: Sige sige, basta ha sinabihan na kita.

A: Eh wala nga akong narinig, pahina kaya ng pahina yung pagsasalita mo, pero basta sa lunes ha geh bye.

Ako na ang nagbaba ng tawag kase patatagalin nya lang lalo ang usapan. Masyadong madaldal si Moonbyul, pero kahit ganon sya, mabait naman syang kaibigan, maingay nga lang.

Nakilala ko sya nung first year pa lang kami, katabi ko sya nun at ako ang isa sa mga nabiktima ng kadaldalan nya. Akala ko kasi titigilan nya ako pag sinagot ko ang mga tanong nya, kaso di ata sya nauubusan ng laway kaya di rin natapos ang tanong nya. Kaya pagkatapos nun, kinakausap na rin nya ako palagi. Di lang naman siya ang nakilala ko, pero nevermind na lang.

__

*Ting*

From: Moonbyul

Baks dito na ako sa labas nyo, tara na.

Close To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon