Scenario #3

47 5 0
                                    


'I am about to go back today as per the highschool reunion that i am bound to attend.

Its been already 12 years since then.
Would I see him there?
Would I still feel the same?
Will it ... taena ang hirap mag-isip ng english words ngayon.

Bakit kasi ngayon pa nila naisipang magpareunion after 12 years eh diba dapat 10 years after graduation ang timeline.'

pagmamaktol nya sa isipan nya
habang nagpapagulong gulong sa higaan nya sa tinutuluyang bahay sa UK

Kanina pa sya nagaayos ng mga damit nya na susuotin nya at kasabay non ang pagpasok ng iba't ibang scenario sa isip nya sa paguwi nya sa pinas.

"Paano pag nakita ko sya,
pano pag may anak na sya o kaya masayang pamilya o kaya ikakasal na sya tapos bigla nya akong imbitahan pupunta ba ako syempre hindi, kaso baka isipin nila di pa ako nakakamove on, ay pakshet , eh pano kung single pa, mala crazy little thing called love kaso baka may iba na syang gusto jusko naman ilang taon ba naman akong nawala, oo nga seulgi baka may bago na sya, tama na, wag ka ng umasa dapat kasi nung after 10 years yung reunion baka ngayon masaya na kami o kaya nakamove on na talaga ako pucha naman oh oh" sigaw nya sa inis

"Hoy muntanga ka jan eh kung nagconfess ka nung graduation natin eh di sana malaya na yang puso mo sa mga what ifs mo" sigaw ng pinsan nya habang nakasandal sa pintuan ng kwarto nya.

"Alam mo ikaw Jaebeom parang sirang plaka eh di ba studies first sya nung magkakaklase tayo, kung di nga siguro tayo magpinsan di nya pa ako kakausapin eh." sagot nya pabalik

"Bahala ka jan Seulgi, kahit naman sabihin ko magconfess ka na sa reunion di ka pa rin magkoconfess eh pabebe amp, mawawala na ang edad mo sa kalendaryo ghourl hahahaha baka tumanda kang dalaga.
Buti pa ako mahal ni Joy bleeehhh" pangaasar ng pinsan nya.

"Alam mo ikaw, nagtataka pa rin ako pano ka natagalan ni Joy, eh abnoy ka, di ka ata namin kamag-anak sinokaba. Umalis ka na nga jan nanggugulo ka lang eh tsupi." pantataboy nya sa pinsan

Nang makaalis na ito ay binilisan nya na ang pagiimpake.

Day of her flight, kasama nya ngayon ang pinsan at si Joy.
Habang nasa eroplano kulang nalang magmomol na sila sa harap nya sa sobrang kaharutan at kulang na lang takpan sila ng blanket na bigay ng airline para di sila makita. Palibhasa alam nilang single ang kasama kaya malakas mang-asar ang dalawa.

Natulog lang sya buong flight at nang lumapag ang eroplano ay kasabay nun ang pagkabog ng dibdib nya sa sobrang kaba. Kung di pa sya hihilain ni Joy pababa ng eroplano ay di pa ata sya aalis sa pagkakaupo

"Alam mo sa lahat ng nakamove-on ikaw lang yung kinakabahan tapos natutulala pa, ate ghurl 12 years na, akala ko ba crush lang bat mo pinatagal ng 12 years." pakikiusap ni Joy

"Eh akala ko crush lang din, di ko naman kasi akalaing..." di na nya naituloy ang sagot nya kay Joy nang makita niya sa di kalayuan ang lalaking kanina pa nila topic na papalapit sa kanila.

'Tumigil ata ang mundo , Pakshet bat mas lalo syang gumwapo' paghanga nya sa binata sa isip nya habang nagpipigil ng luha sa dami ng iniisip at nararamdaman nya.

Agad syang tumalikod at paalis na sana ng airport ng may humawak sa mga braso nya.

"Seul.." saad ng binata nang hindi lumingon ang dalaga.

"Ah ikaw pala, Jinyoung musta na" sabi nya habang nagpipigil ng luha

" Seulgi tahan na, huwag mo na akong takbuhan please" sabi ng binata na nakapagpaangat sa ulo ng dalaga

Naguguluhan, nalilito at dun lang napagtanto ni Seulgi na umiiyak na sya ng tuluyan.

"Bakit ka umalis agad nun eh hindi mo pa nga naririnig yung sasabihin ko sayo nung araw na yun, di mo naman kailangan lumayo eh, kasi kung anong sinabi mo nung araw na yun, yun din naman ang sasabihin ko sayo nun, naunahan mo lang ako" pagpapaliwanag ng binata habang pinupunasan ang patuloy na pag-agos ng luha ng dalaga

Matagal bago naintindihang mabuti ni Seulgi lahat ng sinabi ni Jinyoung at nang makita ng binata ang ngiting unti unting sumisilay sa labi ng dalaga ay niyakap nya ito ng napakahigpit.

*Note :Matagal nang nakaamin ang dalaga ngunit parehong pag-aaralin sa dalawang magkaibang bansa si Seulgi at Jinyoung.
Nang umamin si Seulgi kay Jinyoung hindi agad nakapagsalita ang binata dahil sa gulat at saya, pero dahil sa tagal ng pag proseso nya nakaalis na si Seulgi sa harapan nya habang umiiyak at hindi na nya nahabol pa.
Flight na ni Seulgi after their graduation samantalang sya may isang araw pa bago umalis.
Si Jaebeom at Joy ang kanyang spy kay Seulgi lalo na't nasa iisang university lamang sila, kaya rin wala ni isang lalaki sa campus nila ang nakapagtangkang idate sya dahil sa pananakot ng dalawa at ng magtrabaho naman ang mga ito ay naging workaholic kaya talagang hindi nahirapan ang magjowa na bantayan ang dalaga.



Close To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon