Lovi's POV
Kasalukuyan akong paakyat sa kwarto ng batugan kong kaibigan..
Duhh! Anong oras na kaya..kanina pa kami naghihintay ng mga beshy ko sa baba samantalang itong baklitang ito natutulog pa? Matapos nya kaming kulitin ng kulitin kagabi para samahan sya sa pag gagala tapos ngayon? Eto sya't ayaw daw mag paistorbo dahil napuyat daw ito sa kung ano mang kalandian nya kagabi!
Marahas kong kinalampag ang pintuan ng kanyang kwarto ng mahanap ko ito.
"Baklllaaaaa!! Ano ba naman yan!! Tanghali na!!" Sigaw ko habang kinakalampag ang pintuan nito.
"Ahmm..wag naman po masyadong-"hindi na natapos ni ate Mimi ang sasabihin nya dahil pinagpatuloy ko ang pagkalampag sa pintuan ni Ryle
"Baklllaaaaaaa!!" Sigaw ko ulit..ngunit tila walang sumasagot kaya lalo ko pang nilakasan ang pagkalampag to the point na halos masira ko na ang pintuan nito kaya't pinipigilan ako ng kasambahay nila
"Baklita ka! Pag hindi ka pa bumangon dyan sisirain ko talaga tong pintuan ng kwarto mo!" Banta ko..ngunit gaya ng una ay wala pa ring sumasagot.
"Isa!!.."
"Miss Lovi dahan dahan naman-"
"Dalawaaaaa!!!"
"Ma'am baka masira--"
"Hindi ka talaga babangon dyan?? Sisirain ko talaga-"
"Ano baaaa?!" Dinig kong tugon nito na halatang kagigising lang.
"Hoy?! Anong ano ba?! Buksan mo tong pintuan mo ng makutusan kita! Napaka mo ah!" pabulyaw kong saad habang kinakalampag pa rin ang pintuan ng kwarto nito.
Nakita ko sa peripheral vision ko na napasapo sa noo ang kasambahay nito..pero wala akong pake..dahil kung hindi ko ginawa to baka hindi pa ito bumangon mula sa pagkakatulog.
Nakasimangot ako ng buksan nya ang pinto..at talaga nga naman! Kagigising nga lang talaga ng baklitang ito.
Nakasoot pa sya ng evening dress na gawa sa silk na kulay pink at naka kabit pa dito ang panakip nya sa mata na kulay pink rin.
Agad ko itong tinaasan ng kilay na ginaya nya rin habang kaharap ako.
"Anong eksena mo't kay aga-aga eh nag eeskandalo ka sa bahay ng may bahay aber?" Maattitude na bungad nito sakin
"Maaga?? Alam mo ba kung anong oras na??" Agad kong hinalungkat ang bag ko at ipinag-ngalandakan sa pagmumukha nya ang cellphone kong may pagmumukha pa ni Jungkook.
"Kita mo yan?" Turo ko sa screen ng cellphone ko.. "asawa ko yan! Kaya gumising ka na sa katotohanang hindi ka papatulan nyan kase hindi ka nya bet!" Pagtataray ko dito saka ini-swipe ang screen ng cellphone ko pataas para lumantad ang mga text nya samin kagabi sa group chat namin.
"At yan?? Kita mo yan?? Ang ingay ingay mo kagabi halos ayaw mo kaming patulugin dahil gusto mo kamong mag gala para makalimutan yang ex mong pinerahan ka lang, tas ngayon kami pa bubulabog sayo?? Nakakahiya naman sayo baks?" sarkastiko kong saad saka marahas na isinilid ang cellphone ko sa bag.
"Cancel na..matutulog nalang ako" aniya saka sana ako pagsasarhan ng pinto ng humarang ako at dali-daling pumasok sa loob.
"Ano ba naman yan baks! Ang panget mo na nga ang panget at ang gulo pa ng kwarto mo?!" Pamamrangka ko saka humilata sa kama nitong amoy alak pa.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Fall Inlove With Me (FRS #2)
Teen FictionI had this bestfriend..a maattitude yet super gwapong gay bestfriend. Madalas kaming mag bangayan at nagtatarayan sa school. He's so bakla kase..like..duhh! bakit ba hindi nalang sya magpakalalaki diba? He has a looks..body..and oh so panga na pan...