Eunice's POV
Nagsimula na ang laro, mabilis kong idinidribble ang bola habang tumatakbo palayo sa kanya. Nang makatapat ako sa ring ay agad ko itong shinoot at nakapuntos ako. Narinig ko ang pag-iingay ng mga kaibigan ko kaya napangiti ako saka nagflying kiss sa mga ito bago humarap sa lalakeng kaharap ko.
Sa ngayon, sya naman ang may hawak ng bola, ako naman ang dumedepensa. Mabilis nyang idinribble ang bola patungo sa kabilang ring, patuloy naman akong sumunod hanggang sa tumalon sya..napamaang ako ng marealize na fake ang ginawa nyang iyon. Mabilis syang umikot at agad na ipinasok ang bola. Naghiyawan naman ang mga kasama nito sa kabilang bench dahilan para mapangisi ang tukmol.
"All one, first five??" Aniya.
Muling napunta sakin ang bola at agad na pinatalbog ito. Seryosong nakatingin sa kanya habang iniisip kung anong magandang strategy ang gawin para malusutan ang kaharap.
"Ano? Bat ganyan ka makatingin? Kinakabahan ka na ba?" Maangas na tanong nito.
Saglit kong binagalan ang pagdribble ng bola saka ito nginitian, yung super ultra megang ngiti na sinisigurado kong mapapatitig sya dahil sa taglay kong charisma.
"Ako? Kinakabahan??" Lalo kong inangasan ang pag ngisi..
Saglit namang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, tila ba namamangha sa pagkakatitig sakin kung kaya't kinuha ko na ang pagkakataong ito para makapagdribble ng mabilis papunta sa ring, mukhang natauhan ito kaya agad nya kong hinabol..subalit huli na sya dahil nakapuntos na ako.
Sa pagbagsak ko'y muli akong tumalon upang marebound ang bola saka dumakdak sa ring dahilan para makakuha agad ako ng dalawang puntos.
Dinig na dinig ko ang malakas na hiyawan ng aking mga kaibigan, ganon din ang pangangantyaw ng mga kaibigan ng lalakeng ito. Muli akong napangisi saka lumapit sa kanya.
"Pano ba yan? 3-1..kaya mo pa ba?" Mapang asar na saad ko dito.
Napatawa naman ako ng mahina ng makita ang galit na galit na mukha nito.
'tsk..pikon'
Nasa kanya ulit ang bola, seryosong-seryoso ito sa pagdidribble, halatang pursigidong manalo sa isang katulad kong pretty pero marunong sa ganitong klase ng laro. Oh well, thanks sa kuya kong tinuruan ako magbasketball..akalain mong magagamit ko pala yon ngayon, for sure rin na nagugulat ang mga kaibigan ko dahil ngayon lang nila ako nakitang maglaro ng basketball.
Actually all of us has a sport na nilalaro. Si Lovi, Jaz at Ryle sa volleyball, samantalang si Mina naman ay badminton. Kung ayaw nyong masupalpal ng bola, wag nyong kalalabanin si Lovi dahil madalas gigil yan sa paglalaro.
Okay..balik tayo sa game, nakapuntos nga pala ulit ang tukmol..it's 2-3 na ang laban..sa ngayon nasa akin nanaman ang bola pinapatalbog ito habang nakangisi sa kanya na todo depensa.
Talagang bantay sarado ako ngayon sa isang to dahil kahit anong pagliko-liko ko ay nahahabol nya, nung minsang sinubukan kong ishoot ang bola'y nasupalpal nya ito at agad na ishinoot kaya ngayon..all three na.
Apura ang cheer ng mga kaibigan nito ganon din ang ibang babae na nakikita kaming maglaro, at talaga namang masasabi kong nakakairita ang ingay ng bunganga nila.
"Ano pagod ka na?" Tanong nito sakin na nginisihan ko nalang.
"Baka ikaw" tugon ko dito.
Agad na naman nyang idinribble ang bola, mabilis..as in kaya nahirapan akong habulin ito..nang nasa tapat na sya ng ring ay agad nya itong ishinoot na pumasok nanaman kaya naghiyawan nanaman ang mga nasa paligid.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Fall Inlove With Me (FRS #2)
Teen FictionI had this bestfriend..a maattitude yet super gwapong gay bestfriend. Madalas kaming mag bangayan at nagtatarayan sa school. He's so bakla kase..like..duhh! bakit ba hindi nalang sya magpakalalaki diba? He has a looks..body..and oh so panga na pan...