Chapter 2

5 0 0
                                    

Mina's POV

"Gosshh!! Matagal pa ba gas station dito? Kanina pa tayo nagtutulak? Mangingitim ako neto eh!" Sunod sunod na reklamo na nagmumula sa maingay na bibig ni Lovi.

"Kasalanan mo rin naman..kung sana pina-gas mo muna tong sasakyan mo bago tayo umalis..de sina hindi tayo nagtutulak ngayon" iritang saad ni Jaz na hindi naman pinansin ni Lovi

"Bakla ka! Palit na tayo! Ikaw naman dito!!" Sigaw pa ni Lovi.

"Ayoko..sayang flawless skin ko..saka may hang over pa ko" sigaw naman pabalik ni Ryle na syang nasa loob ng kotse at nagkokontrol ng manibela.

"Shut up!! Kaiingay nyo! Mainit na nga lalo nyo pang pinaiinit!" Reklamo naman ni Eunice

"Kasalanan ko bang hot ako?" Pagtataray naman ni Lovi dahilan para umalma ako.

"Sinong may sabing hot ka?" Taas kilay na saad ko dahilan para simangutan nya ko.

Haysss! Lintek naman kaseng kotse yan..ang ganda ganda nga bulok naman..sana pala kotse ko nalang dinala ko..

Para kaming mga tangang nagbabangayan sa gitna ng kalsada habang tulak tulak ang sasakyan ni Lovi patungo sa gasoline station na hanggang ngayon ay hindi pa namin nakikita. Wala rin kaming makitang mga sasakyan na dumaraan, medyo malapit sa bangin ang kinaroroonan namin ngayon kaya sa tingin ko talagang matatagalan pa kami bago makahanap ng gasoline station.

"Guys? Hindi pa ba tayo magpapahinga? Ang sakit na kase ng paa ko" dinig kong saad ni Eunice.

"Sino ba kaseng may sabing mag soot ka ng ganyang klaseng sapatos? Party ba? Party??" Iritang saad naman ni Jaz.

"Oo nga..pahinga muna tayo..I can't feel my feet na rin kase..saka pakiramdam ko mamamatay ako sa init" saad naman ni Lovi saka walang pakundangang nanalungko.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kinalalagyan namin ngayon. Halatang-halatang pagod na ang mga ito..maski naman ako'y pagod na rin. Muli kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang google map, sabi kase dito ilang kembot nalang ay malapit na kami sa isang gasolinahan, tumugma lang sana ang gasolinahang iyon sa gasolinang inilalaan ni Lovi sa sasakyan nya.

Ibabalik ko na sana ang cellphone ko ng biglang may sumulpot na motor at dali-daling kinuha ang cellphone sa kamay ko.

"Shit!"

"Omygosshh!!"

"Halaaa!!"

"Oemmm!!"

Kanya-kanyang reaction kami ng mabilis na humarurot paalis ang motor...but unlike other girls na nakukuhanan ng cellphone sa daan..walang pakundangan akong tumakbo. Hindi naman ako nakaheels or what ngayon, simpleng sandals lang ang soot ko kaya nakakatakbo ako ng maayos.

"Cellphone koooo!!" Sigaw ko habang patuloy pa ring hinahabol ang mga lalakeng naka-motor..

Kahit na hingal na hingal ay mabilis kong hinubad ang soot kong sandals at ibinato sa isa sa sakay ng motorsiklo, tumama naman ito sa kasama nya dahilan para magkaumpugan sila. Mabilis ang naging pangyayare, nawalan ng balanse ang nagmamaneho dahilan para sumemplang sila at kamuntikan nang tumama sa malaking batong nasa gilid lamang ng daanan.

Gigil na gigil naman akong naglakad hanggang sa may isang sasakyan nanaman ang dumating na kamuntikan pa kong sagasaan. Huminto ang sasakyan sa tapat ng dalawang lalakeng hindi magkanda-ugaga sa pag tayo ng motorsiklong ginamit nila.

'Taena, magkakuntyaba pa yata tong mga to'

Walang ano-ano akong lumapit at sinipa ang isa sa pagmumukha ng lumabas ang isang lalake mula sa isang pangkaraniwang sasakyan. Narinig ko ang pagmumura nito dulot na rin siguro ng pagsakit ng mukha nya.

Operation: Make Him Fall Inlove With Me (FRS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon