Chapter 3

3 0 0
                                    

Lovi's POV

Two days after ng nangyareng galaan..eto nanaman kami at may lakad..ulit. But this time matinong lakad na, ngayon kase yung enrollan para sa university na in-apply-an namin last 3 months ago, and it seems like makikita nanaman ulit namin yung guy na tunutukso namin kay Mina. Yup, guy...ang cute kase nung nangyare nung araw na yon. Mala wattpad besh! Yung guy kase pareho silang nakapula that time, tapos ang tangkad at ang cute nung guy! Ewan ko lang kung natatandaan pa ni Mina yung pagmumukha..kase sabi nya nga non


'Wala akong pake'



So ayun, if ever naman hindi nya maalala yung pagmumukha ng guy..pwes kami tandang tanda namin! Hahahaha! Hindi madaling makalimutan yung pagmumukha non kase sobrang gwapo as in! Actually I stalked him after nung nangyare non..he's so talented! Nagpapiano, nag-giguitar, nag va-violin, sumasayaw, kumakanta at swimmer pa! Nasabi ko na rin bang kabilang yon sa banda? Hahaha grabe talaga! Bet ko nga sana eh kaso tingin ko talaga mas bagay sila ni Mina.


Naalala ko rin nung halos pagtinginan kami dahil sa kagagawan ni baks! Grabe yon hahaha ang ingay ingay kaya nya nung makita yung guy, sya yung pinaka kinilig samin nung araw na yon. Halos magtatatalon na nga ito at nagpupumalakpak pa sa hallway eh, napakalandi hahaha. He even tried to get some stolen shots sa guy, ang kaso malakas ang pakiramdam..kaya ayon everytime na iaangat ni baks ang cellphone nya umiiwas.


Okay! Back to the reality mga besh. On the way ako sa bahay nila Jaz, susunduin ko sya. Actually pati si Ryle pinapasundo sakin kaso..hayaan mo sya haha, ayokong mastress sa baklitang yon ng kay aga-aga.


Pagdating ko sa tapat ng gate nila Jaz, agad akong pinagbuksan ng guard. Syempre pumasok ako tapos yung kotse ko, then ihininto ko sa tapat ng mismong pintuan ng mansyon nila. Taray! Mansyon hahaha lahat naman kami malalaki ang bahay pero sa kanila ang pinaka malaki.


Naglakad ako papasok at doon ko naman natyempuhan si Jaz na pababa ng hagdan. Naka simpleng white turtle neck ito tas naka jeans na black, na pinartneran nya lang ng simpleng doll shoes. Haysss kaya hindi napagkakamalang mayaman eh.


"Tara na?" Saad nya saka ngumiti ng tipid bago dumere-deretso ng labas.


Sumunod na lamang ako dito patungo sa sasakyan ko. Nang makasakay, ay agad akong nagmaneho palabas ng gate. Kinawayan ko na rin si manong guard bilang paalam sa kanya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagmamaneho ng mapansin kong napakatahimik ng kasama ko na usually naman ay hindi nya gawain. I asked her what's wrong but she just smiles at me. Hindi ako sanay sa ganoong ngiti ni Jaz..I know there's something bothering her right now.

Pagdating namin sa parking lot ng university ay doon ko sya kinompronta.. I asked her again, I'd never quit or get tired asking her and convincing to tell me what's inside her head.


"You know you can tell me anything right?" Tanong ko ulit na tinanguan nya lang. "Come on..spill it..para naman gumaan gaan yan kung ano mang nasa loob mo ngayon" sincere na saad ko.


Bumuntong hininga naman sya't ipinikit saglit ang mga mata, tinatantya kung sasabihin ba o hindi ang nararamdaman nya.


"I have a fiancé" saad nya na bahagya namang ikinagulat ko.


Lumingon sya sakin, nagbabadya na ang mga luha na mukhang kanina nya pa pinipigil.


"You know I have a boyfriend right? And you know how much I really love Jayson at the first place, hindi ko kayang itakwil ang lalakeng mahal ko para sa isang taong inirereto sakin nila dad na pakasalan ko" sa pagkakataong ito tuluyan nang bumagsak ang mga luha nya.



Operation: Make Him Fall Inlove With Me (FRS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon