Chapter 4

1 0 0
                                    

Lovi's POV

Pagkarating nila Mina ay agad kaming pumasok na sa loob ng university. Hindi kataka-takang marami talagang tao sa naturang lugar, mas marami pa kaysa nung araw na kumuha kami ng entrance exam. Habang nasa hallway, apura naman ang lingon ni Ryle sa kung saan-saan, mukhang hinahanap yung guy na nakacouple shirt ni Mina nung entrance exam. Pasimple akong lumapit dito at siniko ito sa tagliran.

"Hoy baks, sino bang hinahanap mo?" Tanong ko dito na para bang hindi ko pa natutukoy kung sino talaga ang hinahanap nya.

"Yung guy kanina.." bulong nya sakin bago lumapit kay Mina.

"Oy baks! Couple shirt nanaman kayo ni pogi ah? Yung tataa?? Nag uusap kayo noh? Ayieee~" pabulong kunwari na saad nya kay Mina na dinig na dinig naman naming lima.

"Tch..hindi ko alam pinagsasasabi mo" sagot naman ni Mina habang hawak ang cellphone nya kung saan nakalagay ang numero ng papasukan nyang kwarto.

"Aysus! Kunwari pa haha, baks alam na ha..mukhang mayaman boylet mo eh" saad nito saka siniko-siko pa nya si Mina.

"Ewan ko sayo...alam mo baka mamaya ikaw ang mapagkamalang may gusto dyan sa kung sino man yang tinutukoy mo" saad naman ni Mina sa kanya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang kwarto kung saan naroroon ang ilang enrolment form na pinangangasiwaan ng ilang mga guro dito. Kumuha na kami ng tag-i tag-isa para ifill-up ang mga ito. Matapos non ay ipinasa na namin pabalik sa mga guro.

Habang naglalakad, apura nanaman ang lingon ni bakla..talagang hinahanap yung lalakeng nakita namin kanina sa parking lot. Nabaling ang tingin ko kay Mina na abala naman sa pagkalikot ng cellphone nito habang nakasaksak sa tenga nya ang isang earbud.

"Psst! Mina!" Tawag ko dito, lumingin naman ito sakin sabay tanong ng.."oh?"

"Paano kung maging kaklase ko yon? Matutuwa ka ba?" Tanong ko na ipinagkibit balikat nya lang.

"Hindi ko nga kilala or maalala ang mukha non eh..kaya..ewan" sagot nya saka muling itinuon ang sarili sa panonood.

Napa-iling-iling nalang ako habang naglalakad palabas ng university, plano naming pumunta muna sa alpha mart para manghinain at the same time para na rin magpalamig..mainit kase eh..

Someone's POV

Nakatingin lang ako sa kinaroroonan nila, tila papunta sila sa alpha para bumili. Agad naman akong kinalabit ni Charles at inginuso ang isang babaeng maputi, mag kasama itong isa pang babae na may itsura rin.

"Chixx oh" bulong pa ni Charles habang nakatingin sa dalawang babae.

"Alam mong hindi ako interesado sa iba, sa kanya lang" nakangiting saad ko.

Agad naman akong binatukan nito.

"Alam mo pre, di ko alam kung botcha ka oh ano eh, binasted ka na nga hinahabol mo pa rin? Hay nakoo!" Tila nauubusan ng pasensyang saad nito.

"Ganon talaga, kapag tinamaan ka, tinamaan ka..hindi mo na nanaiising humanap pa ng iba" nakangiting saad ko saka muling ibinalik ang tingin sa kinaroroonan ng grupo nila.

"Tara? Kain muna tayo, ayain mo si Fritz" saad ko kay Charles saka naunang tumayo.

Mina's POV

Tahimik kaming kumakain hanggang sa bigla nanamang mag-ingay si bakla matapos mabasa ang kung ano sa cellphone nya.

"Omygosh!! Inaccept ako ni pogi! Halaaa!!" Kilig na kilig na saad nito habang pumapalakpak pa.

"Ang ingay mo loka! Nakakahiya!" Bulong naman ni Lovi kay Ryle habang pilit naman itong pinapaupo ni Eunice.

Operation: Make Him Fall Inlove With Me (FRS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon