Kabanata 6

0 0 0
                                    

"Paghahanda"

"Nagagalak kaming makita kayo dito sa hacienda, pumasok na po kayo" magalang na pag-bati ni ina.

Izabel's POV

Nasa hapagkainan na kaming lahat. Hindi parin ako makapaniwala sa pinasuot ni Madam Martina sa akin. Nakakahiya! Pinagliitan na ang suot kong baro't saya... AT HALOS MAKITA NA ANG AKING TUHOD SA SAYA KONG SUOT!!!

Inilalagay na ang mga pagkain sa hapagkainan ng mga kasambahay ng pamilya Gonzales. ANG SASARAP! Parang gusto ko na agad kumain!

"Magdasal tayong lahat bago kumain" tugon ni Don Lorenzo. "Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Ispiritu Santo--" dagdag pa ni Don Lorenzo.

Hindi ko na talaga mapigilan! GUSTO KO NA KUMAIN! HALA! MAY LECHE FLAN! PABORITO KOOO!!! Dapat makakuha na ako ng kapiranggot habang nakapikit sila...

Akmang kukuha na ako ng leche flan gamit ang kutsara ko, ngunit hinawakan ni Madam Martina ang braso ko. "Umayos ka Izabel! Nasa harapan mo pa naman si Renato..." pabulong na pagsermon sa akin ni Madam Martina. Agad ko namang inilapag ang kutsara at nanahimik na lang...

Haysss... Sayang naman...

Oo nga pala, nakalimutan kong nasa harapan ko si Renato. Kahit kailan Naman masungit 'yan! Kahit nakababa ang buhok niya at mahaba pa (bangs)... 'Di parin kagwapuhan noh! HMP! Biro lang! Gwapo kaya! MUAHAHAHA!

"--Amen..." sabay-sabay nilang tugon.
KAKAIN NAAAAA!

"Pagpasensyahan niyo na po Madam Martina, kaunti lang ang naihanda namin dahil sa biglaang pagsabi sa akin ng mga kumare ko na darating po pala kayo ngayon" pag-kwento ni Donya Felicidad.

A-ano daw? Sabi ni Madam Martina, ang mga tao ang nagbubulungan ang mga naka-alam na pupunta kami dito sa kabilang bayan...

"A-ayos lang po iyon Donya Felicidad" tugon ko. Agad naman akong binatukan ni Madam Martina. "Madam Martina ka? Ikaw ba si Madam Martina?" pabulong na sermon sa akin ni Madam Martina.

"Hindi po" magalang kong sagot. "Sa totoo nga po, nalaman ko po sa mga tao sa palengke dito na inimbitahan niyo po kami" pag-kwento din ni Madam Martina.

"Siguro may mga taong gumagawa ng hindi magandang biro... Pero ayos na yun, mapaguusapan naman po natin ang tungkol sa kasal" tugon ni Donya Felicidad.

Pag-tungkol sa "KASAL", halatang hindi ako makatitig kay Renato. Siya pa! Siya pa! Panginoon ko!

"Kailan ba ang kasal?" tanong ni Madam Martina. "Bukas..." sagot ni Renato.

HUH?! PATI SIYA NAKIKISALI SA TRIP NILA MADAM MARTINA AH!!! 😰!

"Huh? Wala pa pong kasal... Sa susunod po na buwan..." tugon ko.

Ito lang ang paraan...

Bakas sa mga mukha nila ang pagaka-gulat. Gulat na gulat? "Tama ba ang narinig ko Izabel? Pumapayag ka na?" tanong ni Madam Martina.

Ay... Hindi lang pala ito ang paraan...

"O-opo" magalang kong tugon.

Ano ba yan! Nanlalamig na mga kamay ko!

"Mabuti at pumayag ka na iha..." tugon ni Don Lorenzo.

"Hindi po ako pumapayag..." paulit-ulit kong tugon sa isip ko. Sino ba naman ang magsasabi niyan sa harapan ng pamilya Gonzales?! Nagsalita ka na Iza! Nagsalita ka naaa!

"Ilang anak ba ang gusto mo iha?" tanong ni Donya Felicidad. Lumaki ang mga mata ko sa gulat nang marinig ko ang 'ANAK' na salita. Ang bata ko pa po!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BINIBINI • On-goingWhere stories live. Discover now