Kabanata 5

10 1 0
                                    

"Masakit"

Renato's POV

Masakit makitang may kayakap na iba ang taong pinapangarap mo... Oo, tama ang iniisip niyo... Hinahangaan ko nga si Izabel. Pero hanggang dun na 'yon.

"Ayos lang po ba kayo ginoong Renato?" tanong sa akin ni Mang Peping, ang kutsero ng aming pamilya. Oo, tama kayo, siya nga ang kasama ko nung kinuha namin si Izabel.

'Di ko naman talaga intensyon na kuhain siya nang ganun ganun na lang... Syempre, maginoo paren naman ako noh...

"Opo, umuwi na lang po tayo..." magalang kong tugon. "Sigurado po ba kayo ginoo?" paninigurado ni Mand Peping. "Opo, ayos lang po ako" pag-ulit kong pag-sagot. "Ganoon po ba? Sige, sige... umuwi na tayo ginoo" tugon ni Mang Peping.

Binuksan ni Mang Peping ang pintuan ng kalesa at pumasok na ako.

***

"Nandito na po tayo ginoo" tugon ni Mang Peping.

Hays! Pagdating ko dun, maaabutan ko nanaman nag-aaway sila ina at ama. O kung hindi naman, mapapagalitan nanaman ako dahil sa pagpunta ko sa ospital.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Mang Peping at agad naman akong lumabas.
"Mang Peping!" tawag ni Santino mula sa malayo habang tumatakbo papalapit.

Si Santino, pinsan ko. Kapatid siya ni ate Flor. Sa pagkaka-alam ko, masama ang pamilya ko. Kaya nga naiinis ako sa tuwing binabanggit ang apilyedong 'Gonzales'. Nakaka-bwiset lang...

Siya ay 8 taong gulang na... Maputi siya, siya ang pinaka maputi sa dugong Gonzales. 'Di naman ako naiinggit, 'di ko nga alam kung bakit nakababa ang buhok ko (may bangs siya ok). Siguro ang buhok ko ang tanging nakababa. Ewan ko nga kumg bakit...

"Bakit po munting ginoo?" magalang na tanong ni Mang Peping. "Mang Peping, hindi mo naman kailangan mag 'po' o magsabing 'ginoo' sa tuwing kausap mo po kami" tugon ko.

May pusong bato ako, oo. Pero hindi ako masama.

"Ayos lang Yun..." tugon ni mang Peping. "Mang Peping, kailangan po namin ng katulong mag-katay ng mga baboy. May handaan po kase mamaya dito sa bahay" tugon ni Santino.

H-handaan?! A-anong handaan?!

"Kuya Renato! Kamusta?" tugon ni Santino at kumaway habang ang isa niyang kamay ang nasa batok niya. "Ayos lang naman ako, pwede na ba akong pumasok sa loob?" tugon ko.

"Sige kuya..." tugon ni Santino.

Tumango na lang ako at tumalikod. Siguro sanay naman na sila na ganito ako. Pasensya na lang...

Akmang papasok na ako sa kwarto ko ng biglang...

"Anak" tawag sa akin ni ina. Humarap ako kay ina. "May handaan mamaya, maghanda ka" pagpapa-alala sa akin ni ina.

Kahit kailan ang boses ni ina ang pinagkaka-tiwalaan ko sa lahat. Siya ang pinaka inosente sa amin. Wala siyang tinatagong masama. Samantala ako, may tinatagong inis sa pamilya ko.

"Ano pong handaan?" tanong ko.

Sa totoo lang, minsan lang ako mag-tanong o magsimula ng pag-uusapan.

"Bukas na ang kasal niyo anak" tugon ni ina. Lumaki ang mata ko dahil dun.

ANO?! BUKAS NA AGAD?!

"B-bukas?!" gulat kong tugon.

"Oo, hindi mo na masusuway ang ama mo. Kung ipaglalaban mo pa ang iyong gusto na sa susunod na buwan pa ang kasal niyo, baka kung ano pang magawa sa iyo ng ama mo anak" tugon ni ina.

Handa naman akong harapin 'yon eh! Matalo ko lang yung gag*ng yun! Ang dami niya nang krimen na ginawa!

Tumango na lang ako at pumasok sa kwarto ko.

***

Izabel's POV

Nandito ako ngayon sa hardin, nagdidilig.

Talaga lang?! Bakit ang aga-aga?! Hindi pa rin ako makapaniwala...

Nakita kong tumatakbo papalapit sa akin si Madam Martina. Hingal na hingal siya. Agad ko naman tinulungan si Madam Martina.

"Bakit po kayo hingal na hingal?" tanong ko kay Madam Martina habang naka-ngiti.

Nakakatuwa kayang makitang tumakbo si Madam Martina. HAHAHA!

"Bakit ka diyan ngiti ng ngiti? Maghanda ka naaaa" tugon ni Madam Martina. "A-ano pong meron?" tanong ko kay Madam Martina. "MAY HANDAAN SA PAMILYA GONZALES NGAYON!!! Hindi mo ba nabalitaan?! Ang dami-dami na ngang tsismosa dito sa bayan, Hindi mo parin alam?!" tugon ni Madam Martina.

"Eh, 'di naman po ako tsismosa eh" tugon ko habang napakamot sa batok ko. "Oo nga pala! Mabait kang bata! Minsan malas talaga maging mabait noh?!" tugon ni Madam Martina.

HAHAHA! ANG LAKAS NG TRIP NI MADAM MARTINA!!! Minsan nakakatawa din pala siya noh?! Gasti! Yung tipong natawa ka na lang kasi nag-biro yung seryoso yung mukha! HAHAHA!

"Pero, handaan ngayon ng pamilya Gonzales para sa nalalapit niyong kasal..." dagdag pa ni Madam Martina. Lumaki ang mata ko dahil dito.

NALALAPIT NAMING KASAL NI RENATO?!

"Ay este, ang kasalan niyo bukas..." tugon pa ni Madam Martina.

ANO?! BAKIT MAS NAPA-AGA?!

"Eh Mada---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mag-salita si Madam Martina. "Hep! Huwag ka nang umangal pa! Wala na tayong magagawa pa! Suotin mo na lang ang napag-lumaang damit ng ate Lores mo..." tugon ni Madam Martina.

"N-napaglumaan? A-ano pong damit?" kinakabahan kong tugon. "Ito..." tigon ni Madam Martina at ipinakita ang damit na kanina niya pa hawak-hawak.

"A-ano iyan?!!!" gulat kong tanong

***

Renato's POV

Naka-tayo kami dito sa labas ng aming tahanan at naghihintay sa kalesa nila Madam Martina. Hindi na nag-imbita pa nang ibang bisita sila ina dahil madaming tao. Magulo pati...

Hindi naman nagtagal nakarating na sila agad. Bumaba si Madam Martina at sunod naman si Izabel. TEKA!

A-ANONG KLASENG DAMIT ANG SINUOT NIYA?!

Napalaki na lang amang mga mata ko dahil sa suot niya. A-anong meron sa suot niya?! Halos lahat na lang ng lalaki dito sa hacienda ay nakatingin sa kaniya...

Nakita ko namang nag-lagay ng balabal si Madam Martina sa kaniyang mga balikat.

"Nagagalak kaming makita kayo dito sa hacienda, pumasok na po kayo" magalang na pag-bati ni ina.

To be continued...

BINIBINI • On-goingWhere stories live. Discover now