Kabanata 2

13 1 0
                                    

"Pagtakas"

"Sige, hintayin mo na lamang ako" tugon nung Ginoong nangunguha nang bata! Hindi talaga ako makapaniwala na isa siyang miyembro nang PUTING KALESA! 😡😤!!!

Tinanggal niya ang kanyang maskara at hindi ko akalaing si....

GINOONG RENATO IYON! SUMUSOBRA NA SIYA AH! NAKA-DALAWANG HALIK NA SIYA SA AKIN!!!

Sasapakin ko sana siya ngunit hinawakan niya ito at sinabing "Hahalikan ulit kita! Sige subukan mo!" tugon niya at sabay pagturo sa likuran ko gamit ang kanyang nguso.

Lumingon ako at nakita si Ate Ilores ay merong kasamang Ginoo na nakaupo sa damuhan dito sa hacienda Cruz habang tumitingin sa kalangitan upang pagmasdan ang mga bituin.

"S-sino a-ang kasama ni Ate Ilores?!" gulat kong tanong. "Iyan si Kuya Gabriel..." tugon niya. "Meron ba silang relasyon?" tanong ko sa kanya.

"Wala pa naman... ngunit napapansin kong gusto nila ang isa't isa" sagot niya. "Kailan pa sila nagkakilala?" taking ko ulit. "Siguro, noong isang araw silang nagkita ulit... Pero" sagot niya ulit. "Anong petsa na ngayun?" tanong ko ulit.

"Ika-12 na araw nang Pebrero 1887 ngayon" sagot niya ulit. "Ilang ta-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil tinakpan niya ang aking bibig.

"Ang dami mong katanungan... kaya pwede ba manahimik ka nang sandali binibini?!" sagot niya na merong pagkayabang.

Ang yabang nito ah! 🙄... Akala mo tahi-tahimik yun pala mamaya mura nang mura... 🙄...

Hinila niya ako sa likod nang isang puno malapit sa kanilang dalawa upang mapalapit sa kanila upang malaman namin ang kanilang mga pinaguusapan...

Pinagmamasdan ko nang mabuti ang Ginoong kasama ni Ate Ilores na si Ginoong Gabriel Gonzales. Siya ay mestizo kagaya ni Renato ngunit mas matandang bersyon lamang ni Renato na mukhang nasa dalawampung taong gulang na.

"M-may gusto akong sabihin..." narinig naming tugon ni Ginoong Gabriel na kuya ni Renato.

"Mahal kita?! Nako po!!! Ayaw ko pa magkaroon nang pamangkin!!!" dismayado kong tugon. ""Shhh! Huwag kang maingay! Huwag mo muna kaseng unahan si Kuya Gabriel!!!" pabulong na tugon ni Renato.

"Ako rin eh b-" hindi na natapos ni ate Ilores ang kanyang sasabihin dahil narinig niya ata ang aking sigaw na "Buntis?! Patawarin!!! 😩😵😖".

"Ang ingay ingay mo! Yan tuloy narinig tayo!" pagsermon ni Renato sa akin na pabulong. Babangon na sana si Ginoong Gabriel ngunit nagsalita si ate Ilores.

"Baka meron lamang nag-aaway na kapitbahay, huwag ka nang mag-alala..." tugon ni Ate Ilores. "A-ano nga ulit ang iyong sasabihin?" tanong ni Ginoong Gabriel.

"Babayaran na kita sa aking utang..." sagot ni Ate Lores. "Heww😌😅..." pagbuntong hininga ko. "Ang baho! Hindi ka pa ba nagsisipilyo?!" galit na tugon ni Renato na pabulong parin.

"Ubos na kase ang dahon nang bayabas eh.... 😅" sagot ko. (Dahon nang bayabas o kahit anong prutas ang pinagsisipilyo nang mga tao nung sinaunang panahon).

"H-hindi na kailangan" tugon ni Ginoong Gabriel. "S-sigurado ka? Nakakahiya naman .... pasensya ka na ha..." tugon ni ate Lores. "Ikaw, ano ang iyong sasabihin sa akin ulit???" tanong ni ate Lores.

BINIBINI • On-goingWhere stories live. Discover now